3. Mr. Sungit.

106K 1.1K 102
                                    

                                                       3. MR. SUNGIT.

  

LUMIPAS ang araw na kuntodo iwas sa'kin si Hero.

Napakaarte. Pakipot.

Third day na ng pasok at uwian na. Papunta ako ngayon sa basketball gym para puntahan at magpahatid sana kay Gav.

Wala na kasi akong boyfriend—err, Rio. Kaya si Gav ang gusto kong kasabay. Siya kasi ang pinaka-close ko sa G6. Well, pareho pala sila ni Tom. Kaso ‘pag kay Tom ako nagpahatid, siguradong riot na naman sila ni Jerry. Kaya si Gav na lang.

Mag-isa na lang akong naglalakad dahil nauna na 'yung apat. Pinatawag kasi ako ni Ms. Pacheco para italagang head ng grandest play of the year. Ako ang pipili ng irereenact, casts, at helpers. Binabasa ko ang script ng Florante't Laura. Ayaw na nila ng english dahil puro english na ang mga nakaraang grandest play na ginawa ng seniors last year.

Dapat talaga aayawan ko, e. Dahil gusto kong mag-focus kay Hero. Pero naisip ko, pwede palang magamit ko ang role play na 'to para mapalapit sa kanya. Pwedeng kami ang maging Florante't Laura. Mehehe.

Kaimbyerna lang kasi talaga si Hero sa pag-iwas sa'kin. Tatag, e. Napaka-pakipot! Pero feeling ko naman mga one month lang bibigay na 'yun. Two months? Sige na nga, three? Sakit sa bangs na pag naging four pa. Five? Okay. Depende. Ugh. Basta! Aagawin ko siya.

“Watch out!”

May narinig ak— BLAAG!

“Zab!” “Zee!” Sabay sabay na sigawan ng mga lalaki.

Muntik na akong matumba sa lakas ng impact ng bagay na tumama sa ulo ko. Bigla akong nahilo. 

Aw, crap. It hurts. Feeling ko nakalog ang utak ko.

“Zab! Okay ka lang?” Narinig ko ang papalapit na boses ni Gav hanggang sa tuluyang makalapit na nga siya sa’kin. “Okay ka lang, Zab?” At inulit pa!

“Balibagin kita ng bola ta’s isasapul ko sa ulo mo. Ako magtatanong sa'yo kung okay ka lang”, iritang sabi ko sa kanya.

Kapag ganitong umaakyat ang dugo sa ulo ko, e, mas lumalala ako.

“Beb! Hala!” Si Tom, nakalapit na rin siya sa'kin at chineck niya ang ulo ko. 

Nakalapit na rin pala sa akin sina Jerry at Cade. Naka-uniform sila ng basketball team nila dahil may practice nga sila, malamang.

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon