18. Maarte kasi.

82.9K 906 86
                                    


                                                     18. MAARTE KASI.

“ISANG tanong, isang sagot. Kayo na ba ulit?”

 

“Duh?” “Oo.”

Bigla kong nilingon ang katabi kong si Mario. Agad na napataas ang isang kilay ko sa sinagot niya sa tanong ni Lizzy sa’min. Duh? Kami???

 

“Haha! Joke. Pakner lang”, bawi agad ni Mario. Tuktukan ko ‘to, e.

 

“Pakner? E, bakit parang mas close pa kayo ngayon kaysa noong kayo?” mapangkilatis na pinaglipat-lipat ni Heidi sa amin ni Mario ang tingin niya. “Hmm...”

Duh lang talaga? E, ni hindi nga kami nagde-date noon or whatsoever, e. Tsaka, ano ba naman, e, para kaming iniimbestigahan ng mga lukaret kong kaibigan! Lunch, tapos bigla nila kaming hinila at pinalibutan nilang apat! Nakatayo silang nakapalibot sa amin ni Mario na nakaupo sa hot seat. Ano ba, nagugutom na kaya ako!

 

“May hindi ka ba sinasabi sa’min, Zee?” Cath asked. Pati si Cath nakiki-usi rin!

 

“Siguro gusto n’yong pagselosin si Hero, ‘no? Ha-ha! Funny mo, Zabby! Pa’no magseselos, e, wala namang gusto sa’yo? Haha!” Chomp! Chomp! Chomp!

This stupid..... And God, her chomping sound! Just... ugh!

Blangkong ekspresyon na tinignan ko si Kimmy. “Masarap, Kimmy?” sarkastikong tukoy ko sa kinakain niyang donut.

 

“Tse! Bumili ka!”

 

“You—“

 

“Hephep! Maupo, maupo”, awat sa akin ni Heidi at Lizzy nang akmang susugurin ko si Kimmy.

Sira-ulong Kimmy talaga ‘to! Ano’ng akala niya sa’kin, natatakam sa donut niya? “Ilayo n’yo nga sa’kin ‘yang babaeng ‘yan!”

 

“Ang sakit mo namang magsalita, Zabby! Mayaman ka naman, bumili ka na lang!” Kimmy.

 

“Argh, Kimmy! Tanga ka ba talaga?” Hindi niya ba alam na sarcastic ang tono ko? Bakit ang engot niya ng sobra?!

Nakabusangot na tinignan ako ni Kimmy. “Ang sakit mong magsalita, Zabby. Donut lang, nasubukan ka?”

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon