19. Originality nga.

77.9K 925 128
                                    

                                                19. ORIGINALITY NGA.


“LAYUAN mo nga ako!”

 

“Ayoko nga kasi!” ganting bulyaw ko kay Romano.

Kanina niya pa ‘ko tinataboy, e. Kanina pa rin ako lapit ng lapit. Haller, nakakaguilty kaya! Na-injure siya dahil sa’kin. Waa. Umpisa pa naman ng Basketball Tournament next week. Pa’no, edi, kung matatalo sila umpisa pa lang, kawawa naman ang school namin. Elite pa naman. Huhu...

“Umuwi ka pa sa inyo!” bulyaw na naman niya.

 

“Uuwi ako sa’yo!”

 

“Bahay mo ba ‘ko?!”

Tanga, sa bahay niya kako, e. “Hindi. Ikaw ang buhay ko!” Meheheh.

“T-ngnang banat... Ipukpok ko sa’yo ‘tong cast ko, e!”

I glared at him. “Sweet mo! Nakikipagbati na nga kasi ako!”

 

Nakipagsamaan din siya ng tingin sa’kin pero siya na rin ang naunang tumigil. “Du’n ka, du’n ka. Pangit pangit mo, kasuya ka.”

 

What the... “Bakit ba ang arte arte mo? Ako na nga ‘tong nakikipagbati, e!”

 

Napapatingin na tuloy sa’min ang mga taong nagdadaan. Nasa labas kasi kami ng school dahil uwian na at iniwan ko ang mga sistars ko.

“Hindi lang ikaw ang may karapatang mag-inarte.” Walang pakialam na sumakay siya sa humintong jeep sa tapat namin.

Lanjo! Sumunod na lang ako! Ano ba naman? Maarte ako, maarte siya. Try naming mag-artista?

“Ano ba? Ba’t ka sumusunod?!”

Nagitla ako. Hanggang sa loob ng jeep na may ibang mga pasahero, wala siyang pakialam kung sumigaw? E, katabi niya lang naman ako. Kaloka!

“Mahiya ka nga, Romano. Mamaya na tayo mag-away, pwede?” pabulong na asik ko sa kanya. Jusko lang, ha.

“H’wag mo ‘kong kausapin!”

E? Baliw ata ‘to, e? Sinigawan ako tapos h’wag ko raw siyang kausapin? ‘Yung totoo? Legal shabu?

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon