8. Payback time.

99.1K 1K 120
                                    

                                                    8. PAYBACK TIME.

“3… 2… 1!”

Nag-umpisa kaming maglakad nang makita na naming pumasok sa loob ng CR sa guardhouse si Manong Guard. Ganito naman kasi kami talaga lagi nakakatakas, e. Mehe.

Syempre, ako ang nangunguna sa paglalakad, hindi dahil sa leader ako pero dahil sa takot akong mahuli. Nyaha! Diskarte, please.

“HOY!”

Sht, NOT NOW!

“Hoy! Hoy! Magsitigil kayo!”

OMG. Akala namin pumasok siya ng CR? Ano ‘to, joke lang?!

PRRRRRRRRRRRRTTT!

Putakte, pumito na!

“Waaaaa! Manong, hindi na kami tatakas! Aaaack!” Narinig ko ang boses ni Kimmy.

Pakshet! Ako lang ang nakalabas?! Hell, hell! Ang bagal nila! Nakakainis!

Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa barakada dahil baka mahuli pa ako, e, sumakay na agad ako sa jeep na dumaan. Gora agad. Jusme, subukan nila akong ilaglag!

Any, I went to mall.

Hindi naman ako matagal na nainis dahil ako lang ang nakatakas o dahil mag-isa lang ako ngayong naglilibot sa loob ng mall. Sanay ako at mas pabor sa’kin ang alone time, nasabi ko na ‘yan. Kaya nga katulad ng dati, maglilibot na lang akong mag-isa.

First, pumunta muna ako sa Helen. Bumili muna kasi ako ng pair ng loose shirt and short shorts, then bumili na rin ako ng sneakers dahil alangan namang naka-black shoes ako with my outfit, di ba? That’ll be duh.

Madalas ako rito dahil ang cute talaga ng mga designs lalo na ng mga pumps and stilettos nila. Kahit pa shirts and dress naman talaga ang front at pride nila, hindi ko talaga maiwasang hindi maakit sa mga shoes. Ang gaganda, swear. Kaya nga dito ko na binili lahat ngayon, e.

Lumabas na ako ng fitting room.

“Wow, ang cute mo, beh”, sabi nung isang saleslady.

“Maganda po”, I corrected.

“Hoy, babaeng takas”, bigla akong napalingon sa tumawag sa’kin.

Okay. Omg. Ang ganda niya pero mas maganda ako. Swear, hindi ako nagsasabi ng maganda kung hindi ako nagagandahan pero tae, ang ganda niya lang kasi. Sino siya?

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon