[ sketch - 44 ]

1.3K 12 3
                                    

After 2 years...

-0-0-0-

Wow! Bilis din ng panahon no? Akalain mong kolehiyala na ako! Architecture ang kinukha ko ngayon sa Central East University! Sabay nga kami ni Brix. Architecture din pala ang gusto nyang kunin. Si Mikee naman, kumukuha ng Culinary Arts sa International School Of Culinary Arts! Si Jojo at Alfred, Nursing ang kinukuha sa Philippine Doctor's College! Si Collin, naalala nyo pa ba? Schoolmate ko sya! Fine Arts in Painting naman ang course nya! Si Kuya Dave? Nagtratrabaho na abroad! Mamimiss ko nga yun! Sila Kuya Dex at Denver, graduating students na! Ayos diba?

Nagtataka kayo kung bakit ako masaya matapos ang lahat? Well,I've come to realize na nung magkasama pa kami ni Xylan, hindi pala ang makasama lang sya ang nagpapasaya sa akin. Kundi the fact na masaya sya, yun na mismo ang nagpapasaya sa akin ng todo. Akala ko, masaya sya sa akin kaya pinaglaban ko sya kay Diana, nagkamali ako. Si Diana pala ang talagang magpapasaya sa kanya. Kaya I decided to let him go..I don't have any grudges against Xylan. Ang importante lang sa akin, masaya na sya kung nasaan man sya ngayon.

Pero honestly, I haven't moved on. May parte pa ng puso ko na umaasa at naghihintay na babalik sya. Ewan ko, maybe he's the first and last guy that I will learn to love. Naawa nga ako kay Brix, pilit nyang pinupuno ang puwang na iniwan ni Xylan, pero no matter how he tries, tanging si Xylan lang ang makakapuno ng emptiness na yun.

Hindi na pala ako tulad ng dati. Iniwan ko na ang boyish image ko. Wala lang, naalala ko lang kasi ang nakaraan ko at ang kapatid ni Xylan. Nasasaktan lang ako lalo.

"Madeng! Madeng!"

Kahit hindi pa ako lumilingon, alam ko ng si Collin yun. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng ganun.

"ILANG BESES BA DAPAT-"

"Sabihin ni Denise na wag mo syang tatawagin sa ganung pangalan?" Si Brix! Hinila nya yung kwelyo ng polo ni Collin.

"Ah..So-sori..."

"Brix naman! Bitawan mo na sya!"

"Joke lang!" Binitawan ni Brix ang kwelyo ni Collin.

"Denise, samahan mo naman ako."

"Saan?"

"Required kami pumunta sa isang art gallery ngayon! Tapos, gagawa kami ng reaction paper tungkol dun! Wala akong kasama kaya samahan mo naman ako!"


"Bakit sya lang niyaya mo? Isama mo din ako! Kung saan nandun si Denise, dapat kasama ako!" Hirit naman ni Brix. Ito talaga oh.

"Sige, sumama ka na din!"

"Anong oras ba yun?"

"Ngayon na! Kaya nga nagmamadali ako!"

"Buti na lang 3 hours ang break namin. Sige, tara na!"

-0-0-0-

Malapit lang pala ang Art Gallery na yun. Pagpasok namin, nagkanya-kanya na muna kami.

"Denise, dun lang muna ako sa parteng yun ha?" Tumuro si Brix sa Abstract Art na gallery.

"Oo! Sige!" Pumunta ako dun sa gallery na puro charcoal at pencil lang ang ginamit sa pagpinta. Hindi ko akalain na puro sketch pala ng tao ang nandito!

Maya-maya habang tumtingin ng mga paintings, panay ang tinginan ng mga tao sa akin tapos magbubulungan sila.

"Hindi ba't sya yung babaeng yun?"

"Sya ba? Maganda naman yan masyado!"

"Tara, tignan natin ng malapitan!"

Teka, ano bang meron sa mukha ko?

"Excuse me Miss, ikaw ba yung nasa sketch na yun?" Tinuro nung estudyante yung painting sa dulong parte ng gallery. Lumapit agad ako at tinignan ko.

AKONG AKO ITO! Ako ito nung medyo boyish pa ang itsura ko! Ang ganda ng pagkakagawa! Teka, sino ba ang magskesketch sa akin?

"Kung gusto mo ng isang magandang sketch, kailangan ibigay mo ang buong puso mo sa paggawa nito. Kung hindi buo ang loob mo at marami kang pagaalinlangan, hindi mo ito matatapos at hindi maganda ang kalalabasan nito."

Naalala ko, nung sinabi nya ang mga salitang yun..

Nakatulala parin ako sa sketch. Hindi, hindi maaring siya ang gumawa nito!


"Maganda hindi ba? Hanga ako sa Artist na gumawa nyan! Alam mo bang sa dahon gawa ang canvas na yan! Naikwento kasi sa akin ng Artist na gumawa nyan na ang babaeng nasa painting na yan ay naghanap pa daw ng dahon na gawa sa canvas para sa birthday nya kahit hindi na nageexist ang ganung klaseng canvas ngayon! Kaya nainspire syang gumawa ng canvas na gawa sa dahon at dun ginuhit ang mukha ng babaeng pinakamamahal nya! Alam mo ba ang title ng Sketch na yan?" Yun yung isa sa mga sponsor ng Art Gallery! 

"A-ano?"

"The Menace!"


SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon