[ sketch - 6 ]

1.8K 19 1
                                    

Dalawang bading na Makapal ang make up at may pink na highlights sa buhok.Binuhol nila ang polo nila pataas lampas pusod. Nakakapangilabot At nakapose pa sila na parang ewan.

“Huh? San kayo rarampa? Layo pa ng Haloween ah?” Tumayo ako na medyo nanghihina pa.

“Huh? Bruhang ito! Nagawa mo pang tumayo matapos ang malakas na hampas na yun?” - # 3

Aba, minamaliit ako ng mga bading na ito ha.

“Yun? Hampas ba yun? Akala ko pinitik nyo lang ako eh.” 

“Pwede ba? Wag ka magpanggap! Nasaktan ka din eh!” - #2

“Sino ba kayo?”-ako

“Kami ang sandigan ng kagandahan.” - # 3 .Then, she flipped her hair.

“Nagproprotekta sa Walang Kinikilingan ngunit Kinakikiligan" - # 2 .Kumindat naman sya.

"Na si Xylan Rae De Jesus!" - # 3 . At nagflying kiss. Yaks.

Then they proceed on doing more funny poses. 

Xylan Rae De Jesus? Mga fanatics nya pala ito eh! Siguro pinadala nya ang mga ito para kalabanin ako? Angas, angas. Duwag naman pala! Bading pa ang ihaharap sakin!

"Wala ba kayong originality? Mga linya nyo ha!" - ako

"Bruha ka talaga! Alex, turuan ng natin ng leksyon ang babaeng yan dahil sa papanakit nya kay Xylan!" # 3 ...( so yung bading # 2, si Alex )

"Bakit kasi nasalo ka pa ni Xylan nung tinulak ka namin sa hagdan!" - alex

"Huh? Kayo pala yun? Kaya pala nagpagulong-gulong kami sa hagdan nun! Di nyo ba alam na aksidenteng nagsalubong ang mga labi namin dahil dun sa ginawa nyo?" - ako

"Ang malanding ito! Hinalikan mo pa sya? Husto na! Tara na Natalie!" - alex ( so, si bading # 3, ay si Natalie )

Kinuha nila ang mga kahoy na dala nila at papunta na sila sakin. Mga bading ba ito? Diba dapat sabunutan? Ang brutal naman nila!

Syempre, kailangan ko tumakbo. Alangan naman labanan ko sila, eh nangako ako kay papa na hindi muna sasabak sa gulo.

"Ang maangas na ito! Kala mo kung sinong matapang, duwag din pala! Habulin sya!" - alex

Tumakbo ako pababa ng rooftop. Sa sobrang pagmamadali ko, nadulas ako ng hagdan. Naabutan na nila ako!

Nacorner ako! 

"Tignan natin kung mabato mo pa si Xylan ng balde sa gagawin namin sayo!" - alex

Una nilang hinampas ang likod ko. Lagi na lang ang likod ko! Ayoko magmukhang kawawa. Papakita ko na di ako nasasaktan sa ginagawa nila.

"Yun lang ba ang kaya nyo? Lakasan nyo naman! At di nyo ba kayang lumaban ng walang ganyan? Haha!" Grabe, ang hirap nun ha. Pinipilit kong tumawa kahit gusto ko ng ngumiwi sa sakit.

"Mayabang ka! Puro ka salita! Bakit di ka lumaban?" - alex

Binitawan nila ang hawak nilang mga kahoy at lumaban na sila ng mano mano. Suntok dito, suntok doon. Sipa dito, sipa doon. Mga bading ba talaga ito? Mandidilim na ata ang paningin ko, pero kailangan kong kayanin. Hindi ako magpapakita ng kahit anong kahinaan. Hahayaan ko silang mapagod at magsawa sa kakasuntok at kakasipa sakin.

"Ano? Wala na ba talagang lalakas dyan? Mga bading nga kayo! Ang lalamya ng suntok nyo!"

"Wag kang hangal! Pikit na nga ang dalawang mata mo sa lakas ng mga suntok namin eh!" - natalie

Sinabunutan ako nung Natalie. Grabe, hindi ko na alam kung hanggang saan ko pa kakayanin ito.

"Gusto mo na bang tumigil kami? Pwes, magsorry ka kay Xylan sa pagbato mo ng balde sa kanya!" - natalie

"Hahahahaha!" - ako

"Nagagawa mo pang tumawa ha? Um!" -alex . Nasampal naman ako ngayon.

"Hehe. Pasensya na, wala sa bokabularyo ko ang salitang 'sorry' lalo na sa mga taong hindi naman nararapat sabihan nun!" - ako

"Matigas ka ha! Tignan natin kung saan ka dadalhin ng kaangasan mo!" - Natalie.  Inuntog nya ang ulo ko sa pader. Grabe, ang daming ibon na umiikot o!

"Alam nyo, kahit anong untog nyo sa pader dyan, hindi mawawala ang katigasan ng ulo nyan.."

Xylan?!

"Si Denise The Menace yan eh!" - xylan

"Fafa Xylan! Im so glad you're here! Iginanti ka na namin sa baba-"   -alex

Sinuntok ni Xylan si Alex. Tumilapon sya at kasama nung ngipin nya. Grabe! Ganun sya kalakas sumuntok?

Lumabas yung isa pa ata nilang kasamahan. Na bugbog sarado din.


"Pasensya na girls, Nahuli nya ako eh. Mission Failed nanaman tayo." At tuluyan na syang nahimatay.

"Dylan!" Lumapit si Alex at Natalie sa kaibigan nilang nawalan ng malay.

"Bakit mo nagawa yun? Ginagawa lang naman namin ito para sayo ah!" - natalie

"Wala akong natandaan na sinabi sa inyo na iganti nyo ako sa kanya? Kung gaganti man ako, ako na mismo gagawa nun. Bakit ko pa iuutos sa iba? Gawain ng duwag yun."

Wala palang kinalaman dito si Xylan. Kusa syang pinaglilingkuran ng mga baklang ito!

Lumapit si Xylan kay Natalie at Alex. Bubugbugin nya na ata sila ng tuluyan. Naawa ako sa kanila kasi mga wala talaga silang laban. Kung linabanan ko siguro sila kanina, eh talagang hindi nila ako mabubugbog ng ganito. Hinarangan ko si Xylan.

"Wala akong natatandaan na sinabi ko sa iyo na iganti mo ako sa kanila? Kung gaganti man ako, ako na mismo gagawa nun. Kaya wag mo na silang saktan." - ako

Nagulat ang mga bading at maging si Xylan.

"Kayo, umalis na kayo dito. May araw din kayo sa akin." -ako . Nagtakbuhan ang dalawang bading habang bitbit si Dylan.

"At sino naman ang nagsabi sayo na ginaganti kita?" - xylan

Bago pa ako makasagot, nagblack out na ako at hindi ko na alam ang nangyari.


SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon