[ sketch - 12 ]

1.7K 16 0
                                    

Lumabas na sila Brix,Jojo at Mikee habang akay ang tulog na si Alfred. 

"Naku, paano yan? Sino maguuwi dyan kay Xylan? Eh mga sarili nga namin parang di na namin kayang iuwi eh.." -brix

Sumagot si Xylan.

"Edi si Denise! Sino pa ba?"

ANO? IUUWI KITA? AYOS KA DIN ANO?

"Onga! Tutal ikaw ang natitirang matino sa amin, ikaw na lang maguwi dyan kay Xylan! Sige, aalis na kami!" -brix

Nagtakbuhan na palabas ang tatlo. Kawawang Alfred, kinaladkad na lang nila.  XD

Teka, nagkamali ata ako nung sinabi kong hindi sila nagiiwanan kahit anong mangyari. Ang daya nila! 

Akay-akay ko si Xylan palabas ng building. Nagtitinginan sa amin yung mga tao. Karaniwan kasing eksena ay yung babae ang nalalasing at yung lalake ang nagaakay. Naku Xylan! Bwiset ka talaga!

"Saan ka ba nakatira ha?" -ako

"Dyan lang..." -xylan

PAK!

Binatukan ko ng malakas si Xylan. Aba, nakakasanayan ko na ito ha.

"Onga! Dyan lang! Dyan saan?! Sagutin mo nga ako ng maayos!"

"Sa 4th Avenue. *Alcantara Street. Ayun dun. Sakay tayong tren."

4th Ave? Oo, malapit yun sa amin! 3rd Ave kami! Pero sa tren lang kami pwedeng sumakay papunta doon! Papasukin kaya ito doon? Eh may amats na? Naman! Bakit ba ako napasok sa ganito kakomplikadong sitwasyon?! Baket? Bakeeet?

Pero buti na lang malapit ang stasyon ng tren sa building kung saan kami nagKTV. Wala pang ilang minuto, andun na kami sa stasyon.

Hindi naman amoy alak si Xylan. Kaso sa pagkilos nya, halatang lasing sya! Nakakainis naman! 

"Excuse me, nakainom ba yang kasama mo?" Sabi nung security.

"Ha? Hindi po! Pasensya na..Kasi...Kasi..." Naku! Baka ireport pa kami nito pag nalamang isang under age ang uminom!

"Kasi ano?" Mukhang nakakasuspetsa na yung guard.

"Abnormal po sya...Kanina lang po, inatake sya ng epilepsy nya!" Paiyak na boses ko nun.

"Ano raw?" Tinakpan ko bigla ang bibig ni Xylan.

"Ayan..Kinakagat nya nanaman yung dila nya! Diba ganun kapag may epilepsy? Hindi ko malaman ang gagawin! Pabayaan nyo na po syang umuwi sa kanila. Nagaalala na po ang-"  

"Sige..Pumasok na kayo.."

Pinadaan na kami ng guard. Haha. Award winning! 

"Kawawa naman yung bata ano?"

"Teka, may epileptic nga ba na parang lasing kung kumilos?"

Napatawa na lang ako dun sa mga guard. Nyahahaha. Mukha silang tanga. Anyway, mas mukha pa palang tanga tong kasama ko kaysa sa kanila.

Konti na lang ang tao sa tren, magaalas diyes na kasi nun. 

Umupo na kami ni Xylan. Tahimik naman pala sya pag nalalasing. Kakaiba nga lang talaga kumilos. Sumandal sya sa balikat ko. Nakakahiya, nakatingin lahat ng tao sa amin. 

"Denise..."

"Ano?"

"May sasabihin ako sayo.."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Ano kaya yun?

"Ano yun?"

"Wag ka sanang magugulat.."

Ano ba yan! Daming arte!

"Sabihin mo na nga!"

"Denise..."

"Nasusuka ako."

"Ah...Nasusuka lang pala...Kaw talaga.."

"ANO?!"

Nataranta na ako. Naghanap ako ng plastic sa bag ko, pero wala akong nakita. Ng biglang,

"Ulkkkkkkk!"

YAKKKK!!!! 

Nagsuka na sya! Nagtinginan na sa amin yung mga tao sa tren! Kung susuka lang sya! Wag nya na ako idamay! Kaysa damit nya ang masukahan, ang uniform ko sinukahan nya!

Bumukas na yung pintuan ng tren. Hay salamat. Lumabas na kami agad ni Xylan. Akay-akay ko parin ang loko.

Teka...

**Ligaya Station? Lampas na kami ng tatlong istasyon! Ano ba naman yan? 

Eh paano itong card na ito? Paano ito? Puro kami suka? Palalabasin kaya kami?

Bahala na.

Pagdaan sa gate slot, sinuksok ko na yung card, nagbabakasakali na baka tanggapin, pero rejected yung card! Tumingin sa amin yung mga guard.

"Miss, sira card nyo? Patingin nga."

"Ha..Ah eh..."

"Takbuhan na!"

Hinila ko si Xylan at tumalon na lang kami sa gateslot. Hinabol kami ng mga guard hanggang sa makalabas na kami ng station.

Si Xylan, tahimik parin. Kadiri. Pareho kaming puro suka at amoy suka.

Dumaan kami sa isang park at doon may isang malaking fountain.

Pinaupo ko si Xylan malapit sa fountain. 

"O..Maghilamos ka dyan!"

"Huh? Ayoko nga. Baliw ka ba?"

Naku! Wala na palang amats itong si Xylan! Nagmamasungit na eh!

SPLASH!

Linublob ko ang mukha nya sa fountain.

Umahon sya bigla.

"Bakit mo ginawa yun?"

"Ang dungis mo kasi! Teka, pupunasan ko mukha mo!" Linabas ko yung panyo ko at pinunasan ang mukha nya ng bigla nyang inagaw ang panyo.

"Ako na! Ginagawa mo naman akong bata nyan!"

Napatulala ako nung nakita ko sya. Ewan ko ba. Parang ang gwapo nya tignan nung basa ang buhok nya at mukhang galit pa ang mukha.

"O? Anong tinitingin-tingin mo dyan?"

Teka, binabawi ko yun. Gwapo? Tss. Yak.

"Ha...Ah..."

SPLASH!

Itulak ba daw ako sa fountain? Lokong ito ah! Nagtitinginan na sa amin yung mga tao dun! Para kaming mga tanga!

"Mas madungis ka pa sa akin. Maligo ka na lang dyan." Tumayo na sya at lalakad na atang palayo. Iiwan ba daw ako?

"Hoy! Wag mo akong iwan!"

SPLASH!

Hinawakan ko ang kamay nya at hinila ko nga sya papunta sa fountain. Pareho na kaming basang basa. 

"Tignan mo ginawa mo! Pareho na tayong basa!" -xylan

"Kaw ang nauna!" -ako

"Sino naglublob ng mukha ko kanina?"

Natahimik kaming pareho ng napansin namin na hawak ko parin ang kamay nya.

"Wag mo nga ako hawakan!" Inalis nya yung kamay ko.

"Sino ba nagsabing gusto kong hawakan kamay mo! Eh..."

"My God! Xylan?! And....Denise? Anong ginagawa nyo?"

Si Diana?!

SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon