[ sketch - 29 ]

1.5K 17 1
                                    

 --------------------------------------------------------------------------------------------------------

play the video ^^

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Well, i'm sorry. The feeling's not mutual."

Paulit ulit yun sa isip ko habang palayo si Xylan sa hagdan. Ang sakit nun ah. Tama nga ang sabi ni Mama, mas masakit pa sa ano pa mang suntok o sipa ang sakit na nangagaling sa puso. Tinatawanan ko lang si Mama tuwing sinasabi nya yun. Iniisip ko, epekto yun ng kapapanood nya ng telenobela. 'Sus, sa telenobela lang ang mga ganung ek-ek.' Yun pa ang sabi ko. Pero hindi, hindi ito isang telenobela. Tunay na buhay ito at ang sakit kapag ikaw pa ang nakaranas ng ganito. Akala ko noong una, matigas ako. Kahit kalaban ko ang buong mundo, kahit ilang suntok o sipa ang abutin ko, hindi ako masasaktan. hindi ako maiiyak. Pero bakit sa mga simpleng salitang yun, hindi ko na mapigilan ang sarili kong masaktan at maiyak?

Napaupo ako sa hagdan at doon naglabas ng sama ng loob. Umiyak ako. Nakakahiya, sana walang makakita na ganito ako.Sasabihin nila, 'Si Denise Buendia umiiyak dahil lang sa isang lalake?' Ayoko talaga. 

"Denise?"

Hindi ako umalis sa pagkakayuko ko. Narecognize ko yung boses na yun, si Brix pala yun. Ayokong makita nya akong ganito!

"Brix, leave me alone muna..I don't want you to see me like this.."

Umupo sya sa tabi ko. Umakbay sya at pinasandal ang ulo ko sa balikat nya.

"It's okay kung ayaw mong sabihin kung bakit ka nagkakaganyan. But please, let me stay here beside you. Ayokong iwan ka habang ganyan ang kalagayan mo.."

"Asan yung iba?"

"Umuwi na sila..Bigla nalang tinapos nung emcee yung party nung nagsasayawan kami. Nagkagulo ata.."

"Alam mo, Xylan might be too cold sometimes..To the point na hindi nya na iniisip ang nararamdaman ng ibang tao..Yung ugali nyang yun minsan ang kinaiinisan ko, but believe me, he has a good reason behind that.."

Nagulat ako sa sinabi nyang yun, andun kaya sya nung naguusap kami ni Xylan?

"I expected naman na sasabihin nya yun eh. Ang tanga tanga ko naman kasi.. Bakit ko pa sinabi sa kanya yun? Nakakahiya..Nakakainis.."

"Wala kang dapat ikahiya dun..You're pretty brave Denise. Kahit alam mong sa huli, hindi ikaw ang mahal nya, nagawa mo parin sabihin ang nararamdaman mo..You're not afraid of rejections.."

"Coz I didnt expect that it would hurt this much.."

"I didnt expect that it would hurt this much too."


-0-0-0-



Hindi ko ata naintindihan yung huling sinabi ni Brix sa akin kagabi. Matagal din kami dun, nangyaya na din ako umuwi matapos ang ilang minuto. Hindi na ako nakisabay kila Kuya dahil mukhang gigimik pa sila kasama nung mga kabarkada nila. Tama nga sila, minsan ang love nakakasira talaga ng friendship. Badtrip na yan. Dahil lang dun, ayaw nya na ako maging bestfriend? Fine with me. Bahala sya sa buhay nya. 

Mga alas singko na ata ng umaga nakauwi sila Kuya. Lagpak agad sila sa kama nung dumating sila kaya ako na lang ang nagluto ng almusal namin. Pagkatapos nun, nagbihis na agad ako ng pangsports outfit ko. Yayain ko mga kapitbahay ko na maglaro ng basketball. Namiss ko din yun ah.. Ilang linggo na ako di nakakapaglaro simula nung magumpisa ang klase. 

Matapos ang maghapon na paglalaro, sabi sa akin ng mga katropa ko, parang wala daw ako sa kondisyon maglaro. Lagi daw sablay ang mga tira ko. Lagi daw sila nakaksteal sa akin ngayon. Ano ba naman yan! Xylan! Nakikita mo ba? Nakikita mo ba ang ginagawa mo sa akin? 

Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako nila Kuya. Naku, tigil-tigilan nga nila ako ngayon at sobrang init ng ulo ko.

"Denise! Good news! Eto na yung 7000 mo!" Inabot sa akin ni Kuya Dexter yung 7000 ko. 

"Salamat. Marunong din pala kayo magbayad." Tapos dere-deretso ako sa kwarto ko. Masyado ko atang tinarayan sila kuya!

Paghiga ko sa kama, napansin ko yung gown na nakakalat pa dun! Ano ba yan! Ibabalik ko pa pala ito kay Xylan! 

Buti na lang, binayaran na ako nila Kuya. Mababayaran ko na din yung nasira na gown! Mabuti na yun dahil ayoko magkaroon ng utang na loob sa kanya!

-0-0-0-

Kinabukasan, kumain na ako at nagbihis agad para pumunta kila Xylan. Dalawang beses na ako nakapunta sa kanila kaya hindi na ako maliligaw. Well, yun ang akala ko. Naligaw nanaman ako as usual. Napunta nanaman ako sa kung saang looban at doon may sumalubong sa akin na dalawang lalake.Naku, may balak ata sila sa aking masama.

"Hoy kayo, kung may masama kayong tangka sa akin, huwag nyo ng ituloy."

May lalake na mula sa likod ko ang nanutok ng kutsilyo. Patay, alanganin na agad ang sitwasyon ko.

"Kailangan namin ay ang pera mo, ibigay mo na sa amin kung magkano man ang dala mo kung ayaw mong masaktan."

PAK!

May sumiko sa batok nung lalake! Teka, Si Xylan? Bakit sya andito? 

"Sagot ko na ito. Iba na lang pagtripan nyo." Nagtakbuhan na agad yung mga lalake na parang takot na takot kay Xylan.

"O, baka isipin mo nanaman, linigtas kita. Nagkakamali ka."

"Huh?"

"Baka lang kasi masira nanaman yung gown dahil sa kapabayaan mo. Akin na, ibalik mo na sa akin."

Bwiset na ito! Nakakainis talaga sya! Bakit ba sya ganyan?

"Eto, na..At eto na rin yung bayad sa nasira kong gown."

Tinanggap nya yung gown at yung 5750 at umalis na. Wala syang imik. Bakit ba sya ganito sa akin? Ganun na lang ba kalaki ang kasalanan ko? 

"Teka, naliligaw ako...Paano ba papuntang 5th Ave mula dito?"

"Bahala ka. Simula ngayon, wala na akong pakialam sayo. Hanapin mo ang daan mo magisa."

Sobra naman sya! As in sobra na! Sobrang nasasaktan na ako sa mga sinasabi nya!

Gayunpaman, sinundan ko pa din sya. Bahala na, baka pumunta sya sa isang lugar na malapit sa amin. 

Maya-maya, sa palihim kong pagsunod sa kanya, napansin kong nadito na pala ako sa mismong tapat ng bahay namin! Tapos, sumakay na ulit sya ng jeep pabalik sa 4th Ave! Ang labo nya din no? Ano yun exercise? O...

Alam nyang sinusundan ko sya kaya palihim nyang tinuro sa akin ang daan pauwi?


SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon