[ sketch - 30 ]

1.5K 20 0
                                    

Imposible. WALA NA NGA DAW SYANG PAKIALAM DIBA? Baka nageexercise lang yung lokong yun. Walang pakialamanan ha? Sige, wala na talagang pakialamanan! 

Kinabukasan, pagpasok ko sa eskwelahan, wala sila. Hindi na nila ako hinintay sa gate. Siguro nga, dito na nagtatapos ang pagkakaibigan naming lahat. 

Pagpasok ko sa classroom,

"Hi Denise! Pasensya na, di ka na namin naantay. Nagmamadali kasi itong si Xylan! Tara kumain tayo sa rooftop!"

Natuwa ako ng marinig ko yun mula kay Mikee. Akala ko, pati sila, galit na sa akin..

Tumayo na silang lahat mula sa kinauupuan nila at tanging si Xylan lang ang nakaupo at nakayuko.

"O, di ka ba sasama?" -jojo

"Kung kasama nyo ang babaeng yan, wag na lang..Kayo na lang.." 

"Teka, bakit ka ba ganyan kay Denise?!" Naku, mukhang napikon na ata si Brix.

"Wala ka ng pakialam dun!"

Bago pa lumala ang tensyon sa pagitan nilang dalawa, nagsalita na ako.

"Sige..Hindi na ako sasama..Kung ayaw nya akong kasama, mas ayaw ko syang kasama!"

"Tara na.." TUmayo na si Xylan sa upuan nya at lumabas na ng classroom..

"Bakit ba? Nagaway ba kayo?" -jojo

"Ano bang ginawa mo at nagkakaganyan sya?" -alfred
 
"Ah...Kasi.." -ako

"Ano kasi..Nagkatampuhan lang yung dalawa..Wag kayo magaalala..Maayos din yan! Diba Denise?" -brix

Buti na lang pinagtakpan ako ni BRix. Kinabahan ako dun ah..

"Sana nga." Umupo na ako sa upuan ko at hinayaan ko na silang umalis.

Pythagoras Theorem ang lesson namin ngayon. Madali naman intindihin, kaso nga lang sadyang wala ako sa sarili ko ngayon. Nakakainis talaga. Kailangan kong ituon ang atensyon ko sa ibang bagay. 

"Denise, tapos na ang klase..Break na natin..Ano't nakatulala ka pa dyan?" Sabi sa akin ng katabi kong si Arvin.

Ano ba yan! Tapos na pala ang klase! Hindi ko pa alam!

"Ah..Oo nga..Hehe..Salamat ah.." Tumayo na ako at lumabas ng classroom.

"Madeng! Madeng! Sabay na tayo kumain!" May sumigaw mula sa likuran ko. Mukhang boses ni Collin yun ah!

Lumingon ako at well, sya nga.. Halata nga naman dahil 'Madeng' ang tawag nya sa akin.

"Hoy ikaw ah! Tigil mo na pagtawag sa akin ng ganung pangalan!" Sinigawan ko nga si Collin..

"Sorry ah..Pero teka, nabalitaan mo na ba?" Sabi ni Collin habang naglalakad kami papuntang cafeteria..

"Ang alin?" Kumuha ako ng sandwich na nakadisplay sa counter at binayaran ito pagkatapos.

"Yung gulo nung debut nung Diana ba yun? Yung nagiisang anak ng mga Buenavista?" Naku, chismoso talaga itong si Collin. Nakuha nya siguro sa Papa nya na bagong empleyado sa Buenavista Hotel.

"Oh? Andun ako. Ano ka ba, schoolmate ko yun dati." Umupo ako sa upuan at nakita kong manghang mangha si Collin ng malaman nyang andun ako sa debut ni Diana.

"Talaga? Ang swerte mo naman! Alam mo ba kung bakit sila nagkagulo? Kwento mo naman!" Linapag ni Collin ang dalawang coke in can sa mesa.

"Naku, hindi ko alam kung bakit. Bakit ba gusto mo malaman?" Kumagat na ako sa sandwich ko. Gutom na rin kasi ako nung mga oras na yun..

SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon