[ sketch - 18 ]

1.6K 17 1
                                    

Ang dating magaan na pakiramdam ay biglang bumigat. Bakit? Gusto nyang maging magbestfriends kami. Hindi ba't dapat masaya ako? Bakit parang nasasaktan parin ako?

Umalis na sya sa pagkakayakap nya sa akin at tumingin sya sa mga mata ko.

"I know you feel the same way too diba? Kaya nga sabi mo, mahal mo ako diba? You also love me as a bestfriend?"

Speechless pa din ako. 

Kung alam mo lang. 

What I feel for you..

Is greater than a love for a bestfriend.

"Tara na, ihahatid na kita sa bahay mo. Salamat sayo, naliwanagan ako. Sa debut ni Diana, ipagtatapat ko na ang nararamdaman ko para sa kanya."

Pinilit ko na lang ngumiti para hindi sya makahalata.

"Tama! Kaya mo yan!" Tinaas ko ang isa kong kamay.

"Haha. Kakaiba ka talaga..Tara na nga.."


-0-0-0-


Pagdating ko amin, nagpaalam na si Xylan. Normal na ulit sya. Masungit at tahimik. Hay nako, kakaiba talaga itong taong ito.

Pagdating ko sa bahay, pinuntahan ko agad sila kuya na kasalukuyang naglalaro ng ps2 sa may sala. Si Kuya Dave, wala pa sa bahay nung mga oras na yun.

"Kuya! May sasabihin ako sa inyo!"

Hindi man lang ako tinignan nila Kuya. Tuloy pa rin sila sa paglalaro. 

"Mamaya na yan Denise. Kita mong naglalaro kami!" Sabi ni Kuya Denver habang hindi maalis ang mata sa linalaro.

"Haha! Konti na lang, talo ka nanaman Denver!" -kuya dexter

"Wag ka ngang mayabang! Tignan lang natin!" -kuya denver

"Bahala kayo. Imbitado lang naman kayo sa debut ni Diana. Ibibigay ko na lang sa ibang tao itong mga invitations." -ako

Nilabas ko ang mga invitations ni Diana at pinaypay ko sa sarili ko.

"ANO?! TALAGA?! WAG! AKIN NA! PUPUNTA AKO!" Binitawan agad ni Kuya Dexter ang controller at kinuha sa akin ang mga invitations!

"Hah! Talo ka na Dexter! Paano ba yan?" -kuya denver

"Ang daya mo! Teka, Inimbitahan tayo ni Diana sa debut nya! Daming chicks dun pare!" -kuya dexter

"Haha! Wag ka na! Mababasted ka rin naman!" -kuya denver

Kinuha ni Kuya Denver kay Kuya Dexter yung isang invitation at binasa.

"Teka, imbitado ka din Denise?" -kuya dexter

"Oo..Ayoko nga sumama eh."

"Aba, edi kailangan mag gown ka or cocktail dress dun diba?" -kuya denver

"Ganun? Naku, lalong ayoko ng pumunta!"

"Ano ka ba naman! Alam mo namang pag mga formal events na ganito, ganun dapat ang suot!" -kuya dexter

"Naks, for the first time, magsusuot si Denise ng gown! Ano kayang itsura mo?" -kuya denver

"Tapos with matching make-up! Ayos na ayos! Ngayon di na sila magtataka kung tomboy ka..." -kuya dexter

"Kasi iisipin nila bading ka!" -kuya denver

Nagtawanan sila Kuya. Hmp. Akala nila nakakatuwa sila.

PAK! PAK!

Binatukan ko silang pareho at umakyat papunta sa kwarto ko.

Hmp. Nakakainis. Bakit pa kasi ako naimbitahan sa party na yan! Ayokong magsuot ng gown at magmake-up! Sigurado, magmumukhang tanga ako dun!

SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon