[ sketch - 14 ]

1.6K 15 0
                                    

Ok naman ang gising ko, buti walang hangover. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan nagbabakasakaling tulog pa silang lahat. Pagdating ko sa kusina, andun si Mama at Papa. Si Mama, nagluluto ng almusal habang si Papa ay nagbabasa ng dyaryo. Tinignan ako ni Papa mula ulo hanggang paa at bumalik sa pagbabasa ng dyaryo.

“Good Morning! Asan sila Kuya?” Pasweet effect ako nun.

“Nasa higaan pa. Di daw sila papasok ngayon. Masasakit ang katawan.” -mama

Nyak. Grabe siguro ang pagkakapalo ni Papa sa kanila. Wawa naman sila. Kasalanan kong lahat ito!

"Aba, Denise, parang nakakalimot ka ata." -papa

Naku, patay na. Naalala na ni Papa ang nangyari kagabi. Akala ko, nakalimutan nya na.

“San ka nga ba galing kagabi?” Tanong ni Mama.

“Ha? Ano po…Naginuman kami…Nung mga classmates ko..”

Binaba bigla ni Papa ang dyaryo nya.

“NG PURO LALAKE LANG KASAMA MO?”

“Ha…Opo…” Nangingig ang mga labi ko nun.

Bago pa gumawa ng kahit anong violent reaction ni Papa. Pinakalma nya na agad si Mama.

PAK!

Pinalo nya ng dyaryo si Papa sa ulo.

“Parang di mo kilala ang anak natin. Kilala ko yan si Denise. Hindi yan gagawa ng kahit anong kalokohan. Diba Madeng?”

"Ah! Oo nga po!" Bait talaga ni Mama, pinagtanggol ako!

“One of the boys naman yan eh. At naalala mo ba? Naliligo pa sya sa ulan kasama ang mga kalaro nyang lalake ng walang sa-“

“Ma naman! Wag mo ng ipaalala!”

"Kahit na! Dalaga na yang anak mo ano! Hindi ka man lang nagaalala!" -papa

"Dalaga ka dyan! Binata kamo! Mas lalake pang kumilos kaysa sa mga kuya nya!" -mama

Hmp. Akala siguro talaga ni Mama, obit ako. Nakakainis.

"May point ka nga dyan." Sumangayon naman itong si Papa. "Pero sa susunod, magpaalam ka!"

"Opo! Opo!" Ngumiti na ulit ako.

"Teka, unfair ata na hindi kita parurusahan. Napalo ko pa mga kuya mo dahil sayo. Kaya wala ka munang baon ngayon." 

"Pa naman!"

Hindi ako pinansin ni Papa at umalis na sya at pumasok ng banyo.

Naglakad ako papuntang school. Ang tinding parusa naman nito. Nakakainis. At dahil naglalakad lang ako, napadaan ako sa 4th Ave. Banda dito nakatira si Xylan diba? Alcantara Street ba yun? Teka, di ko naman sya pupuntahan ah. Nako, bilisan ko na nga at baka mahuli nanaman ako sa klase.

Teka......................

SABADO NGAYON! WALA NAMANG PASOK! ANO BA YAN! KAYA PALA HINDI AKO BINIGYAN NG BAON NILA PAPA! Nakakabadtrip naman! Tamang trip sila!

Naisip ko na lang bumalik ng marealize ko na parang naliligaw ako. Teka, Alcantara Street? Nabasa ko sa sign. Naku, malas naman ng araw na ito! Makikita ko pa ata si Xylan!

Habang naglalakad sa kung saan na di ko naman alam kung saan papunta, may nadaanan akong malaking bahay. Ang ganda! Higante ang gate! Sino kaya ang nakatira dito? 

Bumukas ang pintuan ng gate at guess who kung sino ang lumabas.

Si Xylan!

Ibig sabihin, hindi sya natulog kila Diana. Teka, bakit puro pasa sya? Hindi naman siguro dahil sa away kahapon dahil hinampas lang naman sya sa likod nung senior. Saan kaya sya pupunta? Masundan nga!

Di ako nagpahalatang sinusundan ko sya. Pero parang ang lakas ng pakiramdam nya! Laging lumilingon! Para bang alam nyang may sumusunod sa kanya! 

Kung saan-saan na sya lumiko, maya-maya napansin kong wala na pala akong sinusundan! Siguro alam nyang may sumusunod sa kanya kaya't linigaw nya ako! Nakakainis naman!

Sinubukan kong bumalik kung saan ako nangaling, pero nalimutan ko na kaya nakarating na ako sa isang looban. Paglabas ko, may nakita akong mga lalakeng teenager na nagkakagulo at nakapalibot sa isang bilog. Ang lakas ng sigawan nila! Parang may sabong!

"Ang galing! Hindi man lang pinagpawisan!"

"Astig ka talaga!"

"Wohooo!"

Ng medyo kumalma na ang madla, natanaw ko na kung ano ang pinagkakaguluhan nila.

Si Xylan nakatayo habang ang isang lalake ay nakabulagta sa harapan nya.

"Bilib talaga kami sayo! Bugbog sarado ka pa ng lagay na yan! O eto.."

Inabutan sya nung isang lalake ng tatlong daang piso.

Ano ito? Parang pustahan? Ganun? Nakikipaglaban sya para magkapera? Ang laki-laki ng bahay tapos makikipaglaban pa sya para lang magkapera? Hanlabooo!

Pero naiinis ako sa ginagawa nya. Kawawa naman yung kalaban nya! Kung gusto nya magkapera, bakit sa paraan pa kung saan makakasakit sya ng tao? 

Naku! Dadaan sya pabalik ng looban! Nagtago muna ako sa isang kariton na nakita ko at pinabayaan muna syang dumaan. Saka ko sya sinundan ulit. 

Bumalik sya sa bahay nya. Gusto ko talaga syang konprontahin. Naiinis kasi ako sa ginagawa nya. Kaya paglabas nya, talagang babatukan ko sya!

Wala pang ilang minuto, lumabas na ulit si Xylan na ayos na ang porma. Mukhang may lakad sya. Lalapitan ko na sya ng biglang, may dumaan na kotse. Kotse ni Diana! Lumabas si Diana ng kotse at sinalubong si Xylan.

"Hindi ka na dapat pumunta pa sa amin."

"Ano ka ba. Okay lang yun. Kaysa mahirapan ka pa sa pagpunta sa amin no."

"Teka.." Hinawakan ni Diana ang mukha ni Xylan.

"Sinaktan ka nanaman ba nila?"

Hindi umimik si Xylan.

"Sabi ko sayo, sa amin ka na lang muna umuwi. Nalagyan na ba yan ng gamot? Teka, daan muna tayo sa bahay para malagyan ko yan ng gamot."

"Hindi na. Tara na. Umalis na tayo."

"Saan nga ba tayo pupunta?"

"Kakain tayo sa labas. Treat ko." Ngumiti si Xylan. Ngayon ko lang sya nakitang ganun kasaya, I mean, ngayon ko lang sya nakitang masaya. Para bang excited sya sa lakad nila ni Diana. Siguro yung napanalunan nya sa laban ang ipangtre-treat nya kay Diana.

"Treat mo? Himala! Joke lang! Sige, tara na. Magcar na lang tayo para matipid!"

Sumakay na sila sa kotse ni Diana na nakapark sa harap ng bahay nila. 

Ang daming tanong sa isip ko.

Sinong nanakit kay Xylan?

Bakit kailangan nyang sumali don sa pustahan na yun para lang magkapera lang?

Ano ba talaga sila ni Diana?

Bakit kinailangan nya pang lumaban para lang itreat sa labas si Diana?

Habang patuloy akong ginugulo ng mga katanungang ito ang isip ko, napansin ko na lang.

May tumulong luha mula sa mga mata ko.

SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon