[ sketch - 27 ]

1.5K 14 3
                                    

"DENISE?! IKAW BA YAN?!" What the? Pati ba naman ikaw Brix, hindi ako nakilala?


"What? You know this bi-" 


"Sige, subukan mong ituloy yang sasabihin mo at baka makalimutan kong kapatid kita!"


"Tss. So mas kinakampihan mo sya kaysa sa akin? Alam mo bang sya ang sumira sa maganda kong mukha kaya sya nakickout sa St. Anne's?" 


Aba, nagsumbong pa sa Kuya huh?

"Serves you right. Nakahanap ka din ng katapat mo."

"Ganun? No wonder, pareho kayong troublemakers kaya kayo nagkakasundo. Magsama kayo!"

Umalis na si Melanie kasama ang mga dakila nyang alagad.

"Pasensya na Brix ha? Siya naman kasi nauna." 

Nakatingin lang si Brix sa akin. Hoy, nakakakita ka ba ng multo?

"Uy Brix! Ano't nakatulala ka dyan" Winave ko ang kamay ko sa harap ng mukha nya.

"Ah, sorry. Haha. Wala lang. Kakaiba ka kasi ngayon. Anyway, naku, wag mo na lang pansinin yung kapatid ko. Bratinella talaga. Spoiled kasi sa magulang. Pero hindi sya spoiled sa akin ha!"

Aba, gwapo ni Brix ngayon ah. Pero gwapo naman talaga sya. Hindi ko lang masyadong napapansin. Ang cute nya sa lavender nyang long sleeves at black na suit. Haha. 

"Oo, nagmana lang no?"

"Haha! Siguro nga. Ikaw pala yung nakaaway nya kaya sya nasuspend no?"

"Ah..Oo..Pasensya na din dun ah?"

"Wala kang dapat ipagpasensya dun. Tama lang yun sa kanya. Alam ko namang hindi mo sya sasaktan kung wala syang ginagawa sayo. Alam mo bang dahil sa ginawa mo, nagbago na si Melanie? Oo, minsan maldita sya at maarte pero hindi na sya yung katulad ng dati na nangaapak ng ibang tao."

"Talaga? Haha! Nadala na nga ata!"

"Siguro nga! Haha!"

"Hoy Brix! Ikaw ha, nangchichicks ka nanaman dyan! Sino ba yang kasama mo? Ipakilala mo naman sa amin!" Aba, si Jojo! Isa pa itong kumag na ito! Hindi ako nakilala!

"Hi Miss! Wag ka na dyan kay Brix, babaero yan!"  -mikee

"Ahem, ako nga pala si Alfred-"

Biglang lumabas si Xylan mula sa likuran nila.

"Mga gunggong! Si Denise The Menace yan!"

Wow, sya lang ang nakakilala sa akin. Talo nya pa mga Kuya ko ah!

Nakapink din si Xylan? Haha! Nakakatuwa naman silang magtrotropa! Puro pastel colors ang suot! Hindi bagay sa kanila!

"Denise? Ikaw ba yan?!"
 Okay, 'Denise Ikaw Ba Yan?' Count : 3 times

Biglang namatay ang ilaw at ang tanging bukas ay yung nasa stage.

"Sorry for the waiting! I'm happy to tell you that the long wait is now over! Our debutante, Miss Diana Lyn Buenavista has now arrived!"

Lumabas mula sa backstage si Diana. Ang ganda nya talaga! Nakapink din syang gown na may halong violet at may tiara pa sa ulo. Lahat ata napatulala sa ganda nya! Tinignan ko ang reaksyon ni Xylan, blangko parin ang expression nya sa mukha. Lagi ba talaga syang ganyan?

Maya-maya, nagumpisa na yung toast para kay Diana. Magkakasama kami nig tropa nila Xylan sa isang table nun. Pagkatapos nun, Welcome Remarks naman ng parents nya. Nagulat kami sa huling pahayag ng Papa nya,

SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon