[ sketch - 41 ]

1.3K 14 0
                                    

Nagmadali akong pumunta sa park. Medyo madilim na nga at konti ang tao. Ngayon, malinaw na sa akin ang lahat! Ngayon ang birthday ni Xylan at aalis dapat kami. Dahil hindi ako nagising ng maaga, nilagyan nya na lang ng message yung refrigerator. Kaso naunahan ako ni Diana sa pagbasa nito kaya pinaghanap nya ako ng isang bagay na hindi naman nageexist para sya na lang ang pumunta sa park!

Pagdating ko dun konti na lang ang tao. Wala sila sa may fountain. Pumunta rin ako sa playground pero wala sila. Nagtanong-tanong na din ako pero walang nakakita sa kanila sa park. Asan kaya sila?

"Tulong! Tulong!" 

Boses ni Diana yun ah! 

SInundan ko yung narinig kong ingay at sa bandang madilim na parte ng park nakita ko na may kalaban si Xylan na dalawang lalake. Mukhang eto yung mga tauhan ni Kelvin! Sinasabi ko na nga ba! Hindi titigil ang mga humahabol kay Diana!

"Ibigay mo na kasi sya sa amin para hindi ka masaktan!" Sabi nung lalake.

"Kung ayaw nyang sumama sa inyo, wag nyo syang pilitin!" 

Yinakap ng mahigpit ni Xylan si Diana at hinampas sya ng kahoy nung dalawang lalake. Ayaw nya talagang ibigay si Diana kahit anong mangyari. Nakabagsak na sila pareho sa lupa pero hindi parin binitawan ni Xylan si Diana.

"Tama na! Tama na!" Napasigaw ako. Bugbog na bugbog na kasi si Xylan. 

"At sino ka naman?"

"Ako lang naman ang lumigpit sa isa nyong kasamahan!" -ako

"Ano? Sya ba yun? Tara! Umalis na tayo!"

"May araw ka din sa amin!" Nagtakbuhan an agad yung dalawang lalake. Mga duwag!

Lumapit agad ako kay Xylan. Saka nya lang binitawan si Diana. Duguan ang kanyang mukha at marami syang pasa.

Nakatayo lang si Diana at nakatulala. Halatang nangongonsiyensya sya sa nangyari.

"Xylan? Ok ka lang?"

"Bakit hindi ka dumating? Hinintay kita..At sa halip, si Diana ang dumating.."

Nainis ako. Tama nga ang hinala ko. 

Tumayo ako at hinarap si Diana.

"I'm so-"

PAK!

Sinampal ko ng malakas si Diana.

"Alam mo, okay lang sa akin yung panlolokong ginawa mo! Kahit na yung paglalandi mo kay Xylan! Alam mo kung ano ang hindi ko matanggap?"

Hinawakan ni Diana ang pisngi nya. Nasaktan sya sa sampal ko.

"Ang masaktan si Xylan dahil sa kapabayaan mo! Hindi ba't sinabi ko na sayo na mag-ingat ka at baka hinahanap ka ng tauhan ni Kelvin! O ano tuloy ang nangyari ngayon ha?"

"De-Denise...Di-Diana.." 

Napalingon kaming pareho ni Diana. Nawalan ng malay si Xylan!

-0-0-0-

Dinala namin sya sa ospital. Wala akong alam kung ano ang nangyari kay Xylan at kung bakit sya nagkaganun. Si Diana kasi ang kausap ng doktor. Marahil dala na rin ito ng sobrang pambubugbog sa kanya nung mga lalakeng yun. Nakakapagtaka lang dahil hindi ganun ang pagkakakilala ko kay Xylan. Kahit na sobrang bugbog na sya, hindi sya nawawalan ng malay. Hindi ko na ito masyadong pinagtuunan ng pansin at binantayan ko na muna si Xylan.

Lumabas muna ako ng kwarto at nakasalubong ko si Diana na kakausap lang sa doktor.Panahon na para makapagusap kami ng maayos. 

"Siguro panahon na para magkalinawan tayo diba?" Sabi ko kay Diana.

"Everything's clear to me Denise. Baka ikaw ang hindi naliliwanagan." Ako? Hindi naliliwanagan? Saan?

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"I know everything Denise. Alam kong boyfriend mo si Xylan. Hindi ako manhid para hindi mapansin yun. I tried to act na hindi ko alam para magawa ko kung ano ang gusto ko." Alam nya na pala! Bakit nya pa nilalandi si Xylan?

"Kaso, hindi mo nagawa. Ako na ang mahal ni Xylan nga-"

"Mahal ko si Xylan Denise! Mahal na mahal ko sya!" Naiipon na ang mga luha sa mata ni Diana.

"Talaga? Bakit hindi mo sinabi yan nung nasa hotel tayo? Bakit sumama ka pa kay Kelvin sa ibang bansa?"

"Alam mo naman ang sitwasyon ko diba? Alam mo namang hindi ako makakatanggi sa parents ko! But I really loved Xylan!"

"Alam mo Diana, hindi sapat na mahalin mo lang ang isang tao. Kung mahal mo talaga sya, dapat pinaglaban mo sya! I'm sorry Diana, pero akin na si Xylan ngayon at hinding hindi ko sya ibibigay sayo! Ikaw na rin naman ang nagsabi sa akin dati diba? Hindi lang bilang bestfriend ang pagtingin sa akin ni Xylan?" Naalala ko kasi yung sinabi sa akin ni Diana dun sa bahay nila dati.

"Hindi pa nga malinaw sayo ang lahat Denise..."

"You remember Xyrene right? Yung kapatid ni Xylan?"

"Nasabi ko na ba sayo that you and Xyrene had a very close resemblance? Hindi lang sa ugali kung hindi pati sa itsura?"

"Indeed Xylan's feelings for you is not meant for a bestfriend..."

"It's because he sees you as his sister...."

SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon