[ sketch - 35 ]

1.5K 15 1
                                    

Ano? Tama ba ang narinig ko? 'sketch LANG ni Diana'? 

Bumaba si Xylan papunta sa kwarto nya. Sumunod ako sa kanya. Nagtataka parin kasi ako sa kakaibang reaksyon nya.

"Promise? Hindi ka galit?"

"Kailangan ko bang ulitin ang sinabi ko?" Kumuha si Xylan ng t-shirt at maong na pantalon mula sa closet nya.

"Hindi..Pero..Wala lang....Kakaiba lang talaga ang reaksyon mo.."

Lumapit si Xylan sa table nya at kinuha yung sketchpad na dapat ay titignan ko kanina.

"Pasalamat ka at hindi ito ang ginalaw ng magaling mong alaga. Kung hindi, ewan ko na lang kung anong nagawa ko diyan."

"Ah..Bakit? Ano bang laman nyan?"

Binuksan nya ang isang page nung sketchpad. Aba, mas magagandang sketches ni Diana! Mas maganda compared sa laman ng nasirang sketchpad ni Xylan!

Hay, akala ko, nalimutan nya na si Diana. Yun, pala..Drafts lang ang nasira ni X-Rae. Ewan ko ba kasi dito kay X-Rae at napagtripan pa ang sketch ni Diana!

"O ano? Panonoorin mo ba ako habang nagbibihis? Lumabas ka na diyan."

"Sorry ha? Malay ko ba!" Padabog akong lumabas ng kwarto. Makalipas ang ilang minuto, lumabas na si Xylan mula sa kwarto.

"Umuwi ka muna sa inyo. Tapos pupuntahan ka nila Brix dun. Papabakunahan niyo yang si X-Rae. Delikado kasi baka may rabies yan."

"Talaga? Yehey! Nga pala, salamat sa paggawa ng kama ni X-Rae! Kita mo na, magugustuhan mo din pala sya!"

Tahimik lang si Xylan habang paakyat kami sa sala.

"Dahil magkasundo na kayo, mula ngayon, tayo ng dalawa ang may-ari ng asong ito!"

"Hoy, sumosobra ka na..Ayoko nga.."

"Dali na! Ngayong week na ito, akin muna si X-Rae tapos next week, ikaw naman! Tapos tuwing sunday, sabay natin syang ipapasyal! Para malaman nya yung mga lugar dito! Para di sya maligaw!"

"Hindi ba't ikaw ang nangangailangan nun? Ikaw ang laging naliligaw diba?"

PAK!

"Basta sumunod ka na lang pwede?"  -ako

"Nga pala, bakit hindi ka sasama? May gagawin ka ba?" -ako

"May trabaho ako kapag gabi..Baka sumunod na lang ako.." -xylan

Onga. Naalala ko nga palang may trabaho si Xylan tuwing gabi. Ilang araw na din syang absent.

"Lika, hahatid na kita sa inyo."

"Ha? Wag na.."

Hinawakan na ni Xylan ang kamay ko at hinila ako palabas ng bahay nila. Itong si Xylan, mapilit din sa mga gusto nyang gawin no?

Nung nasa tapat na kami ng bahay ko. Nagpaalam na si Xylan. At umalis na. Pumasok na ako sa loob at sinalubong ako nila Kuya.

"Saan mo naman nakuha ang asong yan? Bigay ng boyfriend mo?" -kuya dave

"Hindi. At ilang beses ko bang dapat sabihin na wala akong boyfriend?"

"Pero gusto mo sya maging boyfriend diba?" -kuya denver

EWAN!

-0-0-0-

Galing na kaming pet clinic nila Brix. Kawawa nga si X-Rae, takot sa injection. Naisip namin na ipasyal muna si X-Rae sa park dahil maaga pa naman. Nagtataka ako dahil kanina pa kakaiba ang kilos nila Mikee,Jojo at Alfred. Lalo na si Brix.

"Uy, aalis na kami ha?" -Jojo

"Ako din! Aalis na! Magagalit na Mama ko!" -Alfred

"Masarap daw ang ulam ngayon! Kailangan ko umabot kundi, mauubusan ako." -Mikee

"Ha? O, sige. Kami na lang ni Brix ang pupunta sa park. Ingat ha? Salamat sa pagsama sa akin!"

Umalis na agad sila at sabay kami ni Brix na pumunta sa park. Hindi lang si Brix ang kakaiba ang kinikilos ngayon. Kundi pati na din si X-Rae. Mukhang di sya komportableng kasama si Brix. Pero hindi naman mukhang bothered si Brix at bumili pa sya ng softdrinks at chichiria para sa aming dalawa. Umupo kami sa may gilid ng fountain. Yung fountain kung saan nabasa kaming pareho ni Xylan.

"Denise, may itatanong sana ako. Pero wag ka sana magagalit o magiisip ng kung ano?"

"Well, depende sa tanong mo.." 

"Kamusta naman kayo ni Xylan kagabi? Inalagaan mo ba syang mabuti?"

Sus, yun lang pala ang itatanong. Ano naman ikagagalit ko dun? 

"Ayos naman. Pasaway nga lang. Ang tigas ng ulo kahit may sakit na! Naks!! Concerned sa friend ha!"

"Saan ka natulog? Magkatabi ba kayo?"

"Galing ah! Paano mo nalaman?" Nagulat ata si Brix sa casual na reaction ko at muntik nya ng maibuga yung softdrinks na iniinom nya.

"Ha ganun?! Wala ba syang sinabi o inamin sayo?"

"Sinabing ano? Hindi kita maintindihan." tinapon ko sa malapit na basurahan yung plastic ng softdrinks.

"Ah. Wala. Kalimutan mo na lang yung tanong ko. Ibahin na lang natin yung pinaguusapan natin. Uh..May nanliligaw ba sayo ngayon?"

Napatawa naman ako sa tanong nya. Kay Denise Buendia, may manliligaw? 

"Wala! Haha! Nakakainsulto yang tanong mo ha! Joke!" Naalala ko si Diana na sobrang daming manliligaw nung schoolmate ko pa sya.

"Siguro kay Diana, pwede pa. Sa ganda ba naman nya! Ang dami tuloy nagmamahal sa kanya! At isa na dun si Xylan..Swerte nya no? Minsan, hindi mo rin mapipigilang mainggit eh no?"

"Hindi ka dapat mainggit..Mas maswerte ka.." Biglang naging seryoso ang mukha ni Brix. Anong maswerte ang sinasabi nya? Hindi ko ata sya maintindihan?

"Huh? Hindi kita magets?"

"Kung tutuusin nga, I find you prettier than Diana.."

"Haha! Bolero ka din minsan no!"

"Tama ka. Alot of people loves Diana coz she's beautiful."

"But you're the exact opposite.." 

Aray! Sakit naman magsalita nito! Parang sinabing napakapanget ko! Alam ko naman yun! Hindi nya na dapat sabihin pa!

"A lot of people find you beautiful..Coz they love you.." 

HUWAT?! Teka lang ha, lalim ata nun Brix.  Diba kapareho lang yun nung sinabi mo kanina? Hindi ko maintindihan.

'Grrrrrrr Grrrrrrrr'

Naku, kanina pa sinusumpong itong si X-Rae ha! Bakit ba sya ganyan kay Brix? Hindi naman sya inaano nung tao!

"Behave X-Rae! Ang kulit mo ah!"

"Hayaan mo na sya Denise..Balik na tayo sa pinaguusapan natin..Uhmmm..Denise..May itatanong sana ako.."

"Naku, ano nanaman yang tanong na yan?"

Bago pa makapagsalita si Brix, napasigaw na sya dahil kinagat ni X-rae yung dulo ng sleeves nya!

"X-Rae! Stop it! Ano ka ba!"  - brix

Dahil ayaw bumitaw ni X-Rae kay Brix, naout of balance si Brix at bumagsak sa fountain. Napahawak sya sa dulo ng shirt ko kaya pati ako ay nahulog na din sa fountain.

Langyang aso ito! Bumitaw nung nahulog na si Brix sa fountain! Ayan tuloy! Sya lang ang hindi basa ngayon! 

Nagkatitigan kami ni Brix at maya-maya sabay kaming tumawa ng malakas.

"Haha! Ang kulit ng aso mo no? Basa na tuloy taong pareho!"

"Onga! Hahaha!"

"Excuse me, baka nakakaistorbo ako sa pagsasaya nyo dyan dalawa. Ako na ang maguuwi dito kay X-Rae dahil mukhang may ibang inaasikaso ang amo nya ngayon."

"XYLAN?" Oo nga pala, sabi nya susunod sya pagkagaling nya sa trabaho!

Umahon agad kaming dalawa ni Brix mula sa fountain. Si X-Rae naman lumundag papunta kay Xylan at binuhat sya ni Xylan.

"Pasensya na, ang kulit kasi ni X-Rae kaya ayan, nahulog kami ni Brix sa fountain."

"At sisihin mo pa yung aso? Ganun?" - xylan

"Teka, bakit ba ang sungit mo? Ako ang nakatoka na maguuwi kay X-Rae ngayon kaya akin na sya!" 

"Wag na, dyan na lang kayong dalawa."

Hindi umimik si Xylan at tumalikod na sya sa amin at lumakad palayo.

"Bakit nga ba Xylan? Sabihin mo nga, nagseselos ka ba?" -brix

Lumingon si Xylan. Mukhang nagulat sya sa sinabi ni Brix. Ano ba kasing sinasabi nitong si Brix. Saan magseselos si Xylan? Hanlabo naman!

"Huh?" -xylan

"Alam mo naman na may pagtingin ako kay Denise at may balak akong ligawan sya diba? Nagseselos ka ba dahil kami lang ni Denise ang magkasama ngayon?" -brix

HUWAT?! Pagtingin? Ano? May pagtingin sya sa akin? Ligaw? ANO?

"Pakialam ko sa nararamdaman mo sa kanya. Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin sa kanya. Ligawan mo sya kung gusto mo. Wala akong pakialam."

Onga naman, ano nga bang pakialam ni Xylan sa akin diba?

Tumalikod na ulit si Xylan sa amin.



"Ako nagseselos?"

"Ewan ko. Hindi ko din alam kung ano talagang nararamdaman ko eh."

SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon