[ sketch - 24 ]

1.5K 15 0
                                    

Friday na! Aba, record ito. Dalawang araw akong walang ginawang kalokohan sa school. Not to mention na, hindi ako late at lalong hindi ako nagcutting nung dalawang araw na yun. Wala naman masyadong happenings. Maybe it's just that everyone's looking forward to Diana's debut. Ako lang ata ang hindi. Hindi talaga ako excited. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga events na tulad nito.

Pagkauwi ko sa amin, aba sila Kuya mga ready to go na agad. Nakasuot na ng mga semi-formal long sleeves at panay na ang porma sa harap ng salamin.

"Ano pa ang tinutunganga mo dyan Denise? Alas singko na?! Alas siyete ang umpisa ng debut! Magaayos ka pa! Anong balak mo sa buhay mo?" Hinagis sa akin ni Kuya Dexter yung gown ko.

"Teka, asan ba si Mama? Sya daw magaayos sa akin diba?"

"Naku patay, kaalis lang. Nakalimutan ata na aayusan ka nya!"

Sinong magaayos sa akin ngayon?! HUWAAAAAAAAAA!!!

DING DONG

May nagdoorbell! Sino naman kaya yun? Lumabas si Kuya Dave para tignan kung sino ang nagdoorbell..

SI DIANA?!

Nakita nila Kuya Denver at Kuya Dexter na andun si Diana sa gate at dala-dala pa ang kanyang kotse. Kumaripas sila ng takbo papunta sa gate.

"Diana naman..Nakakahiya naman sayo. Hindi mo na dapat kami sinundo!" - kuya dexter

"Sya nga naman! May kotse naman kami dito at hindi ba't napakaaga pa?" -kuya denver

Napangiti si Diana.

"Asa pa kayo. Andito sya para ayusan si Denise. Tamang tama! Walang magaayos sa kanya! Ikaw na bahala sa kanya Diana ah!" -kuya dave

Napahiya sila kuya sa sinabi ni Kuya Dave. Haha. Buti nga. =))

"Oo ba! Pagagandahin ko lalo yan si Denise!"

"Swerte mo naman Denise! O eto na gown at sapatos mo! Pati yung regalo mo eto!" -kuya denver

Inabot sa akin ni Kuya ang mga kailangan ko at hinatak na ako ni Denise papunta sa kotse nya.

Maya-maya nakarating na kami sa bahay nila. Doble ang laki nito sa bahay nila Xylan. Grabe, napakayaman nga ni Diana!

Ang dami ng tao sa loob! Ang busy ng mga tao sa loob. Asikasong asikaso si Diana.

"O, bakit hindi ka pa nakabihis? May pictorial ka pa! Ano ka ba naman?"

"Yung giveaways naiayos na po namin Miss Diana."

"Miss Diana! Yung gown mo nasa taas na!"

Tumakbo na kami ni Diana paakyat sa kwarto nya, halatang natataranta na sya sa mga tao sa paligid nya.

"Hay..This is so tiring..I never wanted a debut like this..Atleast not as extravagant as this.."

"Ha? Di mo ito ginusto?"

"Mapilit kasi sila Dad. Gusto nyang ipakita sa mga kaibigan nya na maganda at engrande ang debut ng kaisa-isa nyang anak."

"Here..Take a seat.." Pinaupo ako ni Diana sa harapan ng salamin nya. Tinanggal nya ang cap ko at ang tali ko sa buhok.

"Teka..Kailangan ba talagang tanggalin yan?!"

"Haha..Nakakatuwa ka talaga..Nakasuot ka ng gown tapos may suot ka pang cap?"

Oo nga naman. May point sya dun. Mukha akong tanga nun.

"So...Musta naman kayo ng bestfriend mo?" Sabi ni Diana habang linalabas ang mga set ng make-up nya.

SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon