[ sketch - 26 ]

1.5K 19 2
                                    

Tapos na pala ako ayusan ni Diana nung natapos na rin ang kwento nya. 

"Dahil sa pangyayaring yun, tuluyan ng inalila nila Tito ROman si Xylan. Wala naman magawa ang Tita Xandra nya dahil nagtratrabaho ito sa ibang bansa. Pag pinapadalhan sya ng allowance ng tita nya, kinukuha ito ni Tito Roman. Kaya nagtatrabaho sya para may makain. Kung mapapansin mo, lagi syang tulog sa klase dahil sa gabi-gabi nyang pagtatrabaho kung saan-saan. Buti nga at scholar sya sa CSDA kung hindi, baka di na sya nagaaral ngayon. Pati nga pagtira nya kila Tito Roman, pinagtatrabahuhan nya pa. I tried to help him before, pero ayaw nya naman tanggapin ang tulong na inooffer ko."

Ngayon alam ko na kung bakit ganun ang kilos at ugali ni Xylan. Dahil pala ito sa mapait nyang nakalipas. Medyo naawa ako sa kanya pero hindi ako nahabag sa pagpapaalila nya dun sa Roman na yun. Hindi ba't matapang sya? Bakit nagpapaapi sya mga kumag na yun?

"Teka, ang pagkakakilala ko kay Xylan, palaban sya. Pero bakit ganun? Bakit pinapabayaan nya na ganun ang trato sa kanya ng pamilya nya?"

"It's because..." Huminto sya ng saglit at.. "He thinks that he deserves to be treated that way.."

"Ha? Hindi ata kita maintindihan.."

"Sinisisi nya ang sarili nya sa pagkamatay ng Ate nya. Nararapat lang daw sa kanya yun dahil sya ang may kasalanan kung bakit namatay ang ate nya at sa pagiging isang illegitimate child nya."

Napatingin si Diana sa gown ko, at tinignan ito ng mabuti.

"Sa Ate ni Xylan ito ah.. Pinahiram nya sayo ito?"

Kaya pala, sa Ate nya pala yun. Kaya pala sabi nya, hiram lang daw yun.

"Oo..Mapilit kasi..Wala rin naman akong masusuot kaya tinanggap ko na.."

"You know? I think that what Xylan feels for you is more than a feeling meant for a bestfriend.."

Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko..

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"I think that he sees you as his...."

Tatapusin na sana ni Diana ang sasabihin nya ng may pumasok sa kwarto na bading na may hawak na gown. 

"Oh My God Diana! Debut mo ba ngayon? Hindi ka pa nakaayos! Bruhang ito! At sino yang babaeng yan? Naku, kung sino-sino ang pinapapasok mo dito!"

"Denise, dun ka na sa bathroom ko magpalit ng damit okay?" Tinulak ako ni Diana papasok sa bathroom nya.

Nakakahiya naman kay Diana, ako pa inuna nyang ayusan kaysa sa sarili nya. Nagpalit na ako ng damit. Habang nagpapalit ako ng damit, hindi ko maialis sa isip ko ang kwento ni Diana tungkol sa nakalipas ni Xylan.

Sinuot ko na yung sandals na bigay ni Brix at lumabas na ako ng bathroom. Aba, paglabas ko, wala na sila!

Lumabas ako ng kwarto ni Diana. Grabe, paano ako makakalabas ng bahay na ito? Ang laki-laki pa naman nito! Bumaba ako ng hagdan at napansin kong konti na lang ang nagkakagulong staff at maids dun. Maya-maya nakalabas na rin ako sa malaking bahay nya.

Binasa ko yung invitation. Malapit lang daw dito yung hotel. Wala naman akong matanaw na hotel dito! Naglakad-lakad ako hanggang sa sumakit na ang paa ko. Nakahighheels ba naman ako tapos ang haba pa ng gown ko! Saan ba yung bwiset na hotel na yun! Wala na akong pamasahe para sumakay papunta dun!

Nagulat ako ng may sumabay sa aking kotse. Mukhang pamilyar sa akin yung kotse kaso hindi ko ito masyado makita dahil sa madilim na.

Bumukas yung bintana ng kotse. 

"Excuse me Miss, naliligaw ka ba? Do you need our help?" Teka, parang kilala ko itong boses na ito ah..

"Wow! Ang ganda nung babae!"

"Maganda? Saan? Saan?"

SILA KUYA ITO AH! Sinabi ko na nga ba't parang kilala ko ang approach nila sa babae.

"Kuya Dave! Ako ito! Si Denise! Ano ba naman kayo!"

"Denise? Ikaw nga ba yan?" Lumabas si Kuya Dave mula sa kotse.

"Aba! Ikaw nga!" -kuya dexter

Dumungaw sa bintana si Kuya Dave at Kuya Dexter.

"Para kayong mga tanga! Nagayos lang ng konti, hindi nyo na nakilala!"

"Naks naman! Our brother is finally a SISTER!" -kuya denver

Nagtawanan sila Kuya Dexter at Kuya Denver.

PAK! PAK! Binatukan ko nga yung dalawa. Mga lokong ito. Mangaasar pa.

"Puro kayo kalokohan, pumasok ka na ng kotse Denise." Pinagbuksan ako ni Kuya Dave ng pinto ng kotse.

Nung umaandar na kami, nagsimula na kami magkwentuhan ng tungkol sa kung ano-ano.

"Bakit iniwan ka ni Diana? Hindi ba kayo sabay na pupunta sa hotel?" -kuya dave

"Hindi pa kasi sya naayusan. Nawala na lang sya bigla sa kwarto nya." -ako

"Pero di nga Denise, You look wonderful tonight." -kuya dexter

"Kanta yun diba?" -kuya denver

Tinignan ko ng masama sila Kuya Dexter at Kuya Denver, alam kong may kasunod na pangaasar yun.

"Ito naman, minsan na nga lang kami magseryoso ayaw mo pang maniwala!" -kuya dexter

"Magseseryoso lang kasi kayo, hindi pa kapani-paniwala." -ako

Habang nagkwekwentuhan, hindi namin napansin na nasa Buenavista Hotel na pala kami. Grabe, akalain mo yun, may sariling hotel ang pamilya nya. Grabe ha.

May malaki pang banner sa entrance hall. 'Happy 18th Birthday Diana Lyn Buenavista'

Pagpasok namin ng Dining Hall, wala pang isang iglap, nawala na agad sila Kuya! 

"Kuya! Hintay!" Tumakbo ako para habulin sila ng may mabangga ako ng di ko sinasadya.

"What the...Watch where you're going!" Lumingon yung babaeng nabangga ko, 

SI MELANIE?! Ang babae na syang dahilan kung bakit ako nakick out sa St. Anne's! As usual, kasama ang mga alagad nya!

"Well, look who's here.. The troublemaker!" Inirapan ako ni Camilla. 

"I can't believe that Diana invited someone like you here!" Tinaasan naman ako ng kilay ni Krissy.

"And she's wearing pink like us! The nerve!" Humirit nanaman si Melanie.

"Bakit? Kayo lang ba may karapatan magsuot ng color pink dito?"

"Oh My God! She's mad na..Baka mapadala nanaman tayo sa ospital nyan!" Nagtago sila Krissy at Camilla sa likod ni Melanie. Aangas angas tapos duwag din pala.

"Duh...You guys are afraid of this girl?" -melanie

"Aba...Mukhang di ka pa nadadala ah..Gusto mo ulit ng sakit ng katawan?" -ako

"Nanghahamon ka ba?" -melanie

May pumagitna sa amin na lalake.

"Melanie! Nangugulo ka nanaman ha! Naku Miss, pasensya ka na sa kapatid ko ha!"


BRIX?!


SI BRIX AT MELANIE MAGKAPATID?!

SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon