[ sketch - 16 ]

1.6K 15 0
                                    

"Xylan?" Sabay pa kami nun.

Lumapit si Brix kay Xylan at binati ito.

"Uy Pare! Anong ginagawa mo dito?"

Linagpasan lang sya ni Xylan at lumapit sa akin.

"Panyo mo." Yun yung panyo na pinunas ko sa kanya nung nasa fountain kami! Pumunta sya dito para lang ibalik ito?

Linabas ni Xylan ang panyo at inabot sa akin. 

"Salamat. Pwede mo naman ibalik ng monday."

Umalis na si Xylan ng walang imik. 

"Pare! Sabay na tayo!" 

Humabol si Brix kay Xylan at lumingon sa akin.

"Sige Denise! Alis na kami! Bye!"

"Bye!"

Nung umalis na sila, nakatingin parin ako sa panyong binalik ni Xylan. Ano kaya nangyari sa date nila ni Diana? Bakit nag-abala pa syang ibalik ito ngayon?

-0-0-0-

Kaaalis lang ni Papa. Maya-maya na kasi ang flight nya at kailangang 3 hours before the flight, andun na sya. Medyo nalungkot ako sa pagalis nya. Pero tanggap ko naman na kailangan nya talagang umalis. Malungkot pa rin ako sa nangyari kahapon. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan at nalulungkot ng ganito. Siguro, ayoko lang aminin aminin sa sarili ko pero si Xylan nga talaga ang dahilan. 

Nagkulong ako sa kwarto pagkagaling sa airport. Nagtataka sila Kuya dahil natigil daw ako sa bahay ngayong linggo. Madalas daw kasi, nasa computer shop ako o di kaya nasa basketball court kapag walang pasok.

Pumasok si Kuya Dave sa kwarto. Kasalukuyan akong nagsosoundtrip noon habang nagmememorya ng chemistry formulas.

"Denise, pwede ba tayong magusap?" Umupo si Kuya sa kama ko.

"Sige.." Pinatay ko muna ang ipod ko at itinabi ang chemistry notes ko.

"Kahapon, umalis ka ng nakauniform kahit walang pasok. Bumalik ka ng basang basa sa ulan at tahimik ka buong araw."

Tahimik lang ako at hinintay kung ano ang tatanungin nya.

"Sabihin mo ang totoo,"

Parang alam ko na ang tatanungin nya ah..

"Nagkakadrugs ka ba?"

"Kuya naman!"

"Joke lang! Ito naman, masyado kang seryoso! Parang hindi ikaw yan! Hulaan ko,"

Tumingin sya sa mga mata ko,

"Umiibig ka na no?"

May dumungaw na ulo mula sa pintuan, si Kuya Dexter!

"At nasaktan?"

Sumunod naman na dumungaw ay si Kuya Denver.

"At kaya ka nasiraan ng bait?"

"Seryoso naman tayo dito pwede? Kita nyo na ngang, heartbroken ang bunso natin, ginaganyan nyo pa!"  - kuya dave

"Hindi. Okay lang ako. Wala naman ito. Hindi ako heartbroken. Natalo lang ako sa laro ng basketball nung isang araw. Tapos talo din ako sa pustahan namin nung naglaro kami ng DOTA ng mga tropa ko."

"Tsk tsk..Sama magsinungaling Denise!" - kuya dexter

"Kilala ka namin! Kapag natalo ka sa basketball," -kuya denver

"Kakain ka ng maraming marami! Sasabihin mo, 'Kakain ako ng marami para tumangkad pa ako! Matatalo ko din sila!' tapos, dederetso ka sa basketball court para magpractice!" -kuya dave

"Kapag natalo ka sa pustahan sa computer games," -kuya dexter

"Babalik ka sa bahay para kumuha ng pera sa alkansiya mo, at lalaban ka pa ulit." -kuya denver

"Ganyan ang pagkakakilala namin sayo. Hindi sumusuko. Hindi nagmumukmok kapag may problema. Ano na nangyari sayo?" - kuya dave

"Dahil lang sa lalake nagkakaganyan ka? Wag ganun!" -kuya denver

"Wag kang susuko! Ipaglaban mo ang pagibig mo!" -kuya dexter
 
"Oo tama! Gumaya ka kay Kuya Dexter mo! Kahit ilang beses mabasted, hindi sumusuko!" -kuya denver

PAK!

Binatukan ng malakas ni Kuya Dexter si Kuya Denver.

"Kailangan pa bang ipasok yun sa usapan?" -kuya dexter

"Hahaha!" Hindi ko na napigilan pang tumawa. Nakakatuwa talaga sila Kuya. Sila lang nakakapagpaalis ng lungkot ko.

"Kuya, imposible bang may magkagusto sa aking lalake?"

"Bakit naman?" -kuya dave

"Dahil alam nyo na..Ganito ako kumilos..Ganito ako pumorma.."

"Ano ka ba Denise! Kung tutuusin, mas okay ang mga tulad mo. Naiiba ka sa ibang babae. Hindi ka gumaganda dahil sa lipgloss,pulbo o kung ano pa mang make-up.." -kuya denver

"Hindi rin sa pino ng pagkilos o sa porma.." -kuya dave

"Kundi  sa ganda ng kalooban mo..Naks naman!" -kuya dexter

"Swerte ng lalake sayo, may personal bodyguard na sila!" -kuya denver

"Pero tandaan mo Denise, wag ka magbabago para lang sa kanya. Just be yourself. Hayaan mong mahalin ka nya kung sino ka." -kuya dave

Umalis na si Kuya Dave mula sa kama.

"Sige, alis na kami ha para makapagisip-isip ka muna!"

Lumabas na sila Kuya ng kwarto.

Napaisip ako. Syempre, hindi ako magbabago para sa kanya no. At alam ko naman na kahit kailan hindi ko mapapantayan si Diana. Hindi ako magiging katulad nya. 

Teka, sa mga sinasabi kong ito,

parang inaamin ko na,

Mahal ko talaga sya?!

SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon