[ sketch - 39 ]

1.4K 13 0
                                    

Biglang binitawan ni Xylan yung tinidor. "Sabi ko sayo Denise, kaw na lang magsubo sa sarili mo. Di naman masyadong malala yang sugat mo sa kamay!"

"May sugat si Denise? Sige, ako na lang magsusubo sayo. Xylan, diba may trabaho ka?"

"Oo nga pala. Hapon na. Sige, aalis na ako. Magpapadeliver na lang ako ng-"

"Hindi na kailangan! Ako ang magluluto!"

"Marunong ka?" 
Aba, sabay pa sila. 

"Oo naman! Kaya wag kayo magalala! Kaw Xylan, magtrabaho ka na. Tapos ikaw Diana, magrelax ka lang dyan. Feel at home okay?"

Umoo naman sila. Si Xylan, umalis na. Si Diana, bumalik sa kwarto. Kaya sinumulan ko na ang pagluto. Naku, sa sarap ng luto ko, ewan ko na lang kung hindi nila malimutan ang mga pangalan nila. Naalala ko sila Kuya, sa sobrang sarap ng luto ko, ang dami nilang tinira. Tinitipid daw nila para kinabukasan. Kaso, napanis nga lang. Nakakapagtaka lang dahil hindi na nila ako pinagluto ulit. 

Nilaga ang naisip kong lutuin. Nagsaing na din ako. Buti na lang, namalengke ako bago pumunta dito. Alam ko naman hindi ako magsusurvive ng noodles lang ang kinakain.

Makalipas ang ilang oras, natapos din ang niluluto ko at nagpahinga ako saglit. Maya-maya dumating na si Xylan. Ako sana ang magbubukas ng pintuan kaso inunahan ako ni Diana.

"Ako na! Maghain ka na lang!" Wow, ayos. Ako talaga ang dakilang alalay sa bahay na ito. 

Nagdabog ako papasok ng kusina at hinanda na yung nilaga ko. 

Umupo si Xylan at tumabi si Diana sa kanya. Naku, nagpipigil lang ako dahil may pinagsamahan kami ni Diana. Grrrrrr!

Dahil mukhang gutom na yung dalawa, agad nilang tinikman yung nilaga ko. Tapos, parang hindi maipinta yung mukha nila.

"Sinigang ito diba?" -xylan

Huh? Sinigang ka dyan?!

"Nilaga yan! Ano ka ba?" -ako

"Bakit maasim?" -xylan

Tinikman ko yung luto ko. Oo nga no! Ano bang nailagay ko dito? 

"Denise, next time, ako na lang magluluto. Xylan likes pork and not beef..Diba Xylan?"

Ngumiti lang si Xylan. Naku, sige! Ikaw na magluto! Para may magawa ka naman dito!

Mabilis na kumain si Diana. Diet daw sya. Naku, halata naman sa mukha nya na hindi nya nagustuhan ang luto ko. Buti pa si Xylan, naubos nya lahat. Isang patunay lang na talagang nagustuhan nya ang luto ko. 

Habang naghuhugas ako ng pinggan, narinig ko si Xylan at Diana na naguusap.

"Hindi ako makatulog..Samahan mo muna ako sa kwarto..Pwede?"

Aba, hindi ka makatulog? Gusto mo ng storybook? Hindi kita babasahan, ihahampas ko lang sa ulo mo ng deretso tulog ka na agad!

"Ha..Ah..Sige.." Aba, magaling. Hindi man lang ako tinatanong kung payag ako o hindi.

Pagkatapos maghugas ng pinggan, andun lang ako sa labas ng kwarto ni Xylan at palakad-lakad dun. Hindi ako mapakali. Ano kaya pwede kong gawin para maistorbo sila?

"Xylan..Remember what I told you? I came back to keep my promises.."

"Ha? Yun..Kalimutan mo na yun..Ikakasal ka na diba?"

"Anong kalimutan? Bakit, kinalimutan mo na ba yun? Kaya nga hindi ako pumayag na magpakasal kay Kelvin diba?"

"Diana.."

"Xylan...I..."

Naku, hindi na ako makakapayag pa!

Pumasok ako at...

"DIANA!"

"Denise?!" Napatingin silang pareho sa akin.

"Gusto mong gatas? Narinig ko kasing hindi ka makatulog. Eto, dinalhan kita."

"Aw..How nice of you Denise..But next time, try to knock first ha?"

Linapag ko sa mesa yung gatas. Haha. Ayos timing ko. Alam ko na motibo mo Diana. Pero hindi kita mapapayagang gawin ang gusto mo.

"Sige, lalabas na ako. Baka nakakaistorbo ako eh." Pagkatapos, inirapan ko si Xylan.

Lumabas na ako ng kwarto. Hindi ka makuha sa tingin ha Xylan? Bahala ka!

May natirang konti sa luto ko. Naisip kong ipakain ito kay X-Rae. Hindi pa kasi ito kumakain simula kanina.

Pumunta ako sa tent ko at dinala ko yung linuto kong nilaga.

LOKONG ASO ITO! Matapos amuyin, inapak-apakan lang yung luto ko! Aba, maswerte nga sya at binigyan ko pa sya nung nilaga ko!

"Nakakainis ka X-Rae! Parehong-pareho kayo ng amo mo! Magsama na kayo! Kainin mo yan!"

Tinalikuran lang ako ni X-Rae.

"Ah ganun? Sige, ibibigay na kita dun sa Diana na yun! Baka mas magustuhan mo luto nya! Gusto mo ba yun ha? ha?"

"Hoy! Ano ka ba? Kinakausap mo na ang aso ngayon?" Lumingon ako, aba sinundan ako ni Xylan.

"Yung aso mo kasi! Nagiinarte! Ayaw kainin luto ko! Sabihin mo nga yung totoo, masama ba ang lasa ng luto ko?"

Tumahimik saglit si Xylan. Huminga ng malalim at saka sumagot.

"Oo. Ang sama ng lasa. Hindi nakakapagtakang kahit si X-Rae, hindi makayanang kainin yan."

Ang sakit naman nya magsalita! Kung ganun pala, bakit nya pa kinain yun? Ang dami nya kayang nakain kanina!

"Bakit mo pa kinain kung masama pala yung lasa?"

Umupo si Xylan sa tabi ko.

"Syempre, luto mo yun."

"So ibig sabihin, pagnagluto kaming pareho ni Diana, mas gugustuhin mo yung luto ko?" 

"Kahit papano, naappreciate ko ang effort mo sa pagluluto.Kaya kahit ikamatay ko pa ang pagkain nyan, kakainin ko parin kasi luto mo yun."

PAK!

Natouch ako na nainis. Sa sobrang sama ng luto ko, nakakamatay daw? Tama ba yun! 

"Naalala mo yung sa seafood? Kahit may allergy ako sa seafood kinain ko pa rin kasi yun ang binigay mo sa akin."

Awww..Oo nga. Naalala ko yung kumain kami sa restaurant dati. Haha! Kaya kahit mas masarap magluto si Diana, yung akin parin pipiliin nya! Yehey!

"Pero pabayaan mo na na si Diana ang magluto ha? Okay lang?"

PAK!

-0-0-0-

Maganda ang gising ko. Ang sarap pala matulog sa tent. Haha. Ayos. May pasok na pala ngayon! Masosolo ko na si Xylan ngayon dahil magkasabay kami sa pagpasok!

"Good Morning!" Bati sa akin ni Diana pagpasok ko ng apartment.

"Good morning din!"

"Nagluto ako ng breakfast para sayo! Andun sa table. Si Xylan, umalis na. Sabi nya aantayin ka daw nya dahil sabay daw kayo papasok pero pinauna ko na sya kasi baka malate sya."

Grrrrr! Uminit nanaman ang ulo ko. Ano ba yan, pati pagpasok ni Xylan, pinapakialaman nya! Hindi tuloy kami magkasabay ngayon!

"By the way, agahan mo paguwi ha..May pupuntahan tayo.."

Umupo ako sa upuan at nagsimula ng kumain. Aba, masarap nga magluto si Diana!

"Saan?"

"Sa mall..Bibili tayong regalo para kay Xylan.."

"Anong okasyon?"

"It's his birthday on friday.."


SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon