Chapter 15

583 12 7
                                    

*JANNEA'S POV*

Nandito ako ngayon sa harap ng puntod ng mommy ko. Umiiyak habang sinasabayan ng mga patak ng ulan ang mga luhang pumapatak mula sa aking mga mata.

Magulo ang isipan at ang puso ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin sa mga oras na ito. "Mommy, umiiyak na naman ako. Alam kong ayaw mo na makita akong umiiyak pero ang bigat na po kasi sa dibdib e." Sabi ko haban nakatayo sa harap ng puntod ni mommy.

"Nahihirapan na po ako. Nagtapat na po si Harold sa akin kanina na mahal niya ako. Alam mo mommy, mahal ko na rin naman po siya e. Pero hindi ko parin po nakakalimutan si Allen." Pinunasan ko ang naghalong luha at tubig ulan na naiipon sa mga mata ko.

"Hindi ko po alam kung ang puso o ang isip ko ang hindi makalimot kay Allen. Naguguluhan na po ako. Hindi ko po alam kung sino ang dapat. Sana po nandito kayo ngayon para alam ko kung ano ang gagawin ko." Pagkatapos ko itong sabihin humangin ng malakas kasabay ng ulan. Ang mga puno ay tila nagsasayawan sa lakas ng malamig na hingin na para bang pumalibot sa akin para ako'y yakapin.

Basang basa na ako ng ulan kahit na nakapayong na ako. Pagkatapos kong kausapin si mommy ay nagpunta ako sa isang coffee shop. Nakaupo ako sa may bandang bintana sa may right side ng coffee shop habang pinapanuod ko ang mga taong naglalakad sa ilalim ng ulan.

Habang nagmumuni-muni ako ay may pumasok na isang lolo at lola kasama ang 9 years old nilang apo. Napangiti ako sa pagpasok nila. Ang cute kasi ng entrance nila. Nakapagitna ang bata kila lolo at lola at nagiisway yung bata na parang nagduduyan na nakapagitna na lolo at lola niya.

Pagkatapos nilang omorder ay naupo sila malapit sa kung saan ako umupo. Pinagmamasdan ko lang ang matandang mag-asawa, iniisip ko kung sino ang makakasama ko hanggang sa tumanda na ako, kung sino ang mag-aalaga sa akin kapag matanda na ako, ang makakasama kong uminom ng kape kagaya ngayon kahit kulubot na ang balat namin, at ang taong hahalikan at yayakapin parin ako sa kabila ng mga puti kong buhok at kahit na nakapustiso nalang kami.

Napatigil ako sa pag-iisip ko ng biglang magtanong ang bata. "Lolo, how much do you love my lola?" Tanong ng bata.

"I love your lola more than my life." Sagot ng lolo.

Humarap ang bata sa lola niya at saka nagtanong. "Lola, why you love lolo?"

Napatingin si lola kay lolo at sabay ngiti sa apo niya. "Because your lolo is patient enough to wait for your lola to love him." Sagot ni lola.

Napakunot ang nuo ng apo nila at tinanung ulit ang lola niya. "Why lola? You don't love lolo before? I think that hurts a lot for lolo."

Natawa si lola at pinisil ang pisngi ng apo niya. "No apo. Akala kasi ng lola mo ay mas love niya yung isang guy, but all those times your lola already knew that your lolo is the one." Sabay hawak ni lola sa kamay ni lolo.

"Your lolo is the correct love of your lola, and the other guy was just the great love of your lola that time." Sabi ni lolo sa apo niya.

Sweet Discovery (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon