Chapter 9

625 15 6
                                    

*JANNEA'S POV*

Pauwi na ako ngayon sa Pinas. Nagmamadali akong umuwi dahil nasa ospital daw si Mommy, inatake daw siya ng sakit niya sa puso.

Nag-aalala ako, ayaw ko pang mawala si Mommy sa amin. Kailangan ko pa siya.

Pagdating ko sa Pilipinas dumirecho ako sa ospital at nakita ko si Mommy na nasa ICU. Hindi ko na napigilan na umiyak .

Tinanong ko si Daddy kung ano na ang kalagayan ni Mommy, ang sabi ni Daddy lumalaban daw si Mommy at pinipilit daw siyang isurvive ng mga doctor.

Pinagmamasdan ko si Mommy mula sa labas ng ICU.

"Mommy, nandito na po ako. Lumaban ka mommy. Kaya mo po yan. Diba malakas ka? Diba lagi mong sinasabi sa akin na maging matatag ako. Sana Mommy maging matatag ka din. Hindi mo pa ako pwedeng iwan. Hindi pa." Habang bumubuhos ang mga luha ko.

Niyakap ako ni Daddy at  umiyak lang ako ng umiyak. 

"Your Mom will get through this. Hindi niya tayo iiwan, mahal na mahal niya tayo." Sabi ni Daddy at nararamdaman kong umiiyak din siya.

"Daddy, magpahinga na po muna kayo ako nalang po ang magbabantay kay Mommy. You need to rest Dad, baka pati ikaw mapaano pa, hindi ko na kakayanin yun." niyakap ko ng mahigpit si Dad.

"Sige anak. Basta gisingin mo ako kapag may balita o may hindi magandang nangyari. Pagkatapos ko ikaw naman ang magpahinga, alam kong may jetlag ka pa." hinalikan ako ni daddy sa noo at umalis na siya para pumunta sa sleeping quarters.

Binantayan ko lang si Mommy magdamag at pinagdarasal ko na sana makarecover na siya. Naupo ako sa upuan katapat ng ICU at kitang kita ko si Mommy sa may salamin. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako ng mga bandang 4am, sinilip ko kung okay pa ba si Mommy. 

Pero maya-maya lang ay nataranta ako. Si Mommy nagsiseizure siya. 

Agad kong tinawag ang doktor at ang nurse, tinawagan ko din si Daddy para papuntahin siya dito.

Agad dumating ang doctor para tingnan si Mommy, maya-maya din ay dumating na si Daddy. Niyakap ko kaagad si Daddy hindi ko kayang nakikita si Mommy na nagkakaganun.

Lumabas ang doctor sa ICU at agad namin siyang nilapitan ni Daddy. 

"I'm sorry, pero hindi na naminn siya narevive. Ginawa namin ang lahat. Sorry." umalis na ang doctor at tinapik niya sa balikat si Daddy.

Dali-dali akog pumasok sa ICU. Niyugyog ko si mommy, baka sakali kasing magising pa siya. Hinalikan ko si mommy at niyakap ko siya.

"Ang daya mo mommy. Ang daya daya mo. Sabi mo hindi mo ako iiwan, sabi mo magiging matatag ka pero bakit ka bumitaw bakit hindi ka lumaban? Mommmmmmmmmmyy!" sigaw ko sa loob ng ICU.

Nagbreakdown na ako. Hindi ko na kinaya ang nararamdaman ko. 

Paggising ko nasa bahay na ako. Nagmadali akong bumaba, nagbabakasakali ako na buhay pa si mommy at panaginip lang ang lahat.

Pagbaba ko ng hagdanan kabaong ni mommy ang nakita ko. Hindi ko na napigilan ang umiyak at pumunta ako kaagad sa kabaong ni mommy. 

 Nakatitig lang ako kay mommy, hindi ako nagsasalita, nakatulala lang ako. Ilang tao na ang lumapit sa akin pero hindi nila ako makausap ng maayos.

"Jannea, condolence."

Napalingon ako sa nagsalita, isang pamilyar na boses. 

Niyakap ko siya kaagad at umiyak ulit ako ng umiyak.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Who the who is that familiar voice?

ABANGAN. 

MORE TWISTS AND TURNS. :)

Sweet Discovery (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon