Chapter 7

669 15 2
                                    

*JANNEA'S POV*

"Nakakainis! Nakakainis talaga! Ang tanga tanga naman ng waiter na yun." Nagsasalita ako mag-isa habang papunta ako sa cr. Paano naman, tama bang tapunan ako ng spaghetti sa damit ko. 

Dali-dali akong pumasok sa cr para tanggalin yung mantsa ng sauce. Binuksan ko yung gripo atsaka ko kinuskos ang panyo na may tubig sa damit ko. 

"Naku, matatanggal pa kaya ito. Aish! Ito pa naman yung paborito kong dress. Nakakahiya naman sa mga clients ko kung lalabas akong ganito." 

*HAROLD'S POV*

Nasa Le Meurice restaurant ako ngayon. Well, sabihin na nating may makaka-date na naman akong babae. Routine ko na ata 'to everyday. Hindi ko naman masisisi ang mga babaeng nakikipagdate sa akin dahil narin siguro sa kagwapuhan ko. Halos lahat ng babae na nakakadate ko ay yung mga nagpupunta rin sa gallery ko. 

Hindi ko narin itatanggi na babaero talaga ako. Parang hindi ko narin kasi kayang magseryoso sa babae dahil sa nangyari sa akin 8 years ago. Ayoko na ulit masaktan.

Wala pa naman yung date ko kaya nagpunta muna ako sa cr para mag-ayos.

Nagulat ako paglabas ko ng cubicle, hindi ko inaasahan ang nakita ko. What the! Bakit may babae dito? Mali ba yung napasukan kong cr? Pero hindi e, tama naman yung napasukan ko.

"Excusez-moi la madame, que faites-vous ici? (Excuse me ma'am, what are you doing here?)" Tanong ko sa babae.

Hindi siya sumagot kaagad. Parang may tinatanggal siya sa damit niya. Kaya naman kinalabit ko siya atsaka ko siya tinanong ulit.

"Excusez-moi la madame, que faites-vous ici? (Excuse me ma'am, what are you doing here?)" 

Vous êtes aveugles ou que? Ne pouvez pas vous voir que j'essaie d'enlever cette tache dans ma robe. (Are you blind or what? Can't you see I'm trying to remove this stain in my dress.)" Naiinis na sagot nung babae.

"Je suis la madame désolée, mais vous devez savoir que vous êtes dans la pièce de confort fausse. (I'm sorry madam, but you have to know that you are in the wrong comfort room. )" sagot ko sa babae.

"Que? (What?)" Sabay harap nung babae.

Nanlaki ang mga mata ko at napaturo naman sa akin yung babae.

"Jannea?"

"Harold?"

"Ikaw pala yan, bakit kasi dito ka pumasok sa cr naming mga lalaki? Buti nalang walang ibang lalaki dito. Ang swerte mo pa at ako lang ang nakakita sa'yo." Sabay tawa ko ng malakas.

Bigla niya akong hinampas.

"Aba, ikaw ba naman ang matapunan ng spaghetti sauce sa damit, hindi ka ba maiinis?" Sabay irap niya sa akin.

"Pero bakit dito ka napunta sa cr namin? Ikaw pa may ganang mainis diyan ah." Inis ko sa kanya.

"Dahil nga sa sobrang inis ko kaya hindi ko na namalayan kung saan man ako mapasok. Sorry ha? Pwede?" Pagtataray na naman niya.

"Ang init naman ng ulo mo. Tara na nga lumabas na tayo." 

Hinila ko na yung kamay niya pero inalis niya.

"Teka lang pwede? Hindi pa nga naaalis yung mantsa, tingnan mo o." Sabay turo niya sa mantsa ng damit niya.

"Kahit anung mantsa pa yan, maganda ka parin." Bulong ko.

"Yes? May sinasabi ka? Baka gusto mong ishare? 'Wag kang selfish."

"Ah, wala. Sabi ko 'wag mo dito gawin yan, may sarili naman kayong cr diba?"

Hinila ko na siya palabas. Mabuti nalang walang nakakita sa paglabas namin sa cr.

"Anu nga palang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Kumakain. Ikaw lang ba pwedeng kumain dito?" Pamimilosopo ni Jannea.

"Hindi. May sinabi ba ako?"

"Wala naman. Serioulsy, may meeting kasi ako ngayon dito sa clients namin. Ikaw, why are you here?" 

"Alam mo naman dahil sa appeal ko na 'to maraming nagkakandarapa sa akin. May date ako ngayon. Naaya ng babae e. Nakakahiya naman kung tatanggi ako, diba?" Pagmamalaki ko.

"Wow! Ang gwapo mo naman Mr. Harold Villegas. Sarap mo ibaon sa lupa." Sabay kurot ni Jannea sa pisngi ko.

"Aray naman! Kawawa naman yung gwapo kong mukha."

Hahahampasin niya sana ako pero nakailag ako. Nagulat nalang ako sa susunod na nangyare. 

Na-out of balance si Jannea at natumba kami pareho. Ang awkward ng pwesto naming dalawa. Nakapaibabaw sa akin si Jannea at sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Konti nalang mahahalikan ko na siya.

Bigla siyang tumayo at bumalik sa table nila.

Nakita kong namula si Jannea. Ang ganda ganda niya talaga kahit nasa malayo o kahit nasa malapit. 

Bakit parang may mali? Yung puso ko biglang tumibok ng mabilis. Napa-iling ako bigla, hindi ito pwede. Hindi.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Upadate. Yey! :) namimiss ko na yung best friend ko. After 2 years ko pa siya makikita. :(

Well anyway highway, enjoy reading po! 

Yung picture po ng Le Meurice restaurant is on the side. :)

Sosyal diba? Hahaha! Taas e. :D

Sweet Discovery (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon