Chapter 20

470 16 7
                                    

JANNEA'S POV

*AFTER 1 MONTH*

Isang buwan na rin ang nakakalipas simula nung nalaman ko na mayroon akong amnesia. Patuloy parin ang pagpapagamot ko, madalas akong nasa doktor kasama si Harold para mapabilis ang paggaling ko.

Pagkatapos malaman ni daddy ang nangyare sa akin ay umuwi kaagad siya galing sa business trip niya. Tinanung ko siya kung alam niya ang nangyare at sinabi niya sa akin ang lahat ng dapat kong malaman.

Nalaman ko na ang daddy na kinikilala ko ngayon ay hindi ko totoong daddy. Namatay na daw ang totoong daddy ko sa aksidente, ang aksidenteng nagdulot din ng amnesia ko. 

Tinanong ko si daddy kung bakit hindi sinabi ni mommy sa akin ang lahat. Ang sabi lang ni daddy ay:

"Ayaw na kasi ng mommy mo na madoble yung sakit na nararamdaman mo. Ayaw na niyang maguluhan ka pa. Mahal na mahal ka ng mommy mo kaya ayaw na ayaw niya na makita kang nasasaktan. May mga panahon noon na gusto na niyang sabihin sayo ang lahat pero napanghihinaan siya ng loob kapag nakikita niya kung gaano kabigat ang mga pinagdaraanan mo."

Hindi ko nagawang magalit kay mommy ang tanging nagawa ko nalang ay umiyak dahil sa bigat ng mga nalaman ko.

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga. Inaya kasi ako ni Harold na maglakad lakad sa park. Sabi niya makakabuti daw sa akin yun para marefresh ang utak ko.

Sinundo niya ako sa bahay at nagdrive na siya papunta sa park. Pagdating namin sa park ay inalalayan niya ako pababa ng kotse at hinawakan niya ang kamay ko atska kami nagsimulang maglakad.

"Salamat nga pala ha. Pero bakit mo pala akong biglang niyaya maglakad lakad ng ganito kaaga?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.

Napatingin sa akin si Harold at napangiti siya.

"Tinatanung kita, hindi ko sinabing tingnan at ngitian mo lang ako." Sabay palo ko sa braso niya.

"Aray ko naman! Sasagot palang kasi ako." Napahawak siya sa parte na pinalo ko.

"Sorry. Ano na, sagutin mo na yung tanong ko." Nakakunot noo tanong ko.

Huminto kami sa paglalakad at hinarap niya ako sa kanya. Hinawi niya ang buhok ko atska niya hinawakan ang mukha ko at tiningnan ako sa mata. "Simple lang. Ginagawa ko to kasi importante ka sa akin. Kasi mahal kita. Mahal na mahal." Nilapit niya lalo ang mukha niya sa mukha ko at hinalikan niya ako sa noo.

Naramdaman kong nag-init ang mukha ko at alam ko na nagba-blush na ako kaya naman iniwan ko na siya at bigla akong naglakad papalayo para hindi niya makita ang namumulang pisngi ko.

"Jannea! Teka lang, dahan dahan sa paglalakad!" Paghabol ni Harold sa akin. "Bakit mo ba ako iniwan? Di mo ba nagustuhan yung sinabi ko? Sorry na."

"Wala, wala. Mamaya kasi may araw na, tapos mainit na yun habang naglalakad tayo. Diba? Kaya binilisan ko yung paglakad ko." Palusot ko.

Hinawakan niya ulit ang kamay ko at naglakad lakad na kami habang nagkukwentuhan. Pagkatapos namin maglakad ay niyaya ko siya na magcoffee sa coffee shop na malapit sa subdivision namin.

Umorder ako ng hot choco at nagcoffee naman si Harold habang umiinom kami ay bigla akong napatingin sa may pintuan ng shop at saktong nakita ko sila Lolo Ben at Lola Anna.

Agad ako tumayo at sinalubong ko sila. "Lolo Ben! Lola Anna! Kamusta na po kayo? Ang tagal ko po kayong hindi nakita." Sabay yakap ko sa kanila ng mahigpit.

"Ikaw ba yung nakausap namin noon dito? Ano iha, nahihirapan ka parin ba sa nararamdaman mo para sa magkapatid?" Tanong ni lolo Ben sa akin.

Napatango ako at hinawakan ni lola Anna ang kamay ko. "Iha, sa tingin ko ay hindi kana nahihirapan ngayon. Nakikita ko sa mga mata mo na masaya ka ngayon." Nakangiting sabi ni Lola Anna.

"May ipapakilala nga po pala ako sa inyo. Kaibigan ko po siya. Tara po." Inalalayan ko sila at nagpunta kami sa table namin ni Harold. "Lolo Ben, Lola Anna, si Harold po pala, siya po yung kaibigan ko na gusto kong ipakilala sa inyo." Tumayo si Harold at agad na nagmano.

Nagtinginan sila Lola Anna at Lolo Ben at bigla kinindatan ako ni Lolo Ben at nginitian naman ako ni Lola Anna.

Naupo sila Lolo Ben at Lola Anna sa table namin at doon narin sila kumain. Habang umiinom ako ay biglang nagsalita si Lolo Ben. "Alam niyo, bagay kayong dalawa." Bigla akong napatigil sa pag-inom ko at muntikan ko ng maibuga ang iniinom ko.

Napatawa ng malakas si Harold at biglang tumingin sa akin. "Dahan-dahan lang kasi sa pag-inom, muntik mo pang mabugahan sila Lolo. Hahaha!"

Tiningnan ko siya ng masama at tumingin ako kay Lolo Ben. "Si Lolo naman kasi. Bakit po kayo biglang nagsasabi ng ganun? Ayan tuloy."

"Bakit iha? Wala namang masama sa sinabi ko diba?" Sagot ni Lolo Ben habang nakangiti.

"Oo nga naman iha, totoo naman yung sinabi ni Ben na bagay kayong dalawa. Nakikita ko sa mata ninyong dalawa na masaya kayo pareho kapag kasama niyo ang isa't-isa." Nakangiting sabi ni Lola Anna.

"Si Lola Anna naman e." Nahihiya kong sabi.

"Totoo naman yung sinasabi nila Lolo e. Masaya ako kapag kasama kita. Bakit? Hindi ka ba masaya kapag kasama mo ako? Nakakalungkot naman. Hahaha!" Pang-iinis ni Harold.

"Nakakatuwa kayong dalawa. Ganyang ganyan kami ng Lola Anna niyo noong araw. Naaalala ko tuloy yung kabataan namin sa inyo." Nakangiting sabi ni Lolo Ben.

Sabay sabay kaming napatingin sa may pinto ng bigla itong tumunog dahil may pumasok. 

Isang magandang babae na nakasuot ng magandang damit. Mukha siyang isang manager ng companya. Matangkad siya, maputi, manipis ang mga labi at maganda ang pangangatawan. Lumapit siya sa table namin at saka siya nagtanggal ng shades at nagmano kila Lolo Ben at Lola Anna.

"Ma, Pa, mukhang nakahanap kayo ng kakwentuhan dito ha." Tiningnan niya kami ni Harold at sabay abot ng kamay niya. "Ako nga pala si Angela Velasco, ako ang anak nila. Nice to meet you."

"Hi, Hello po! Ako po si Jannea Rodriguez at siya naman po si Harold Villegas. Nice to meet you din po, ma'am." Pagpapakilala ko.

"Sige ha, we have to go. May importante lang kaming pupuntahan. Salamat ha. Sige, bye Jannea and Harold." Paalam ni Angela.

"Sige mga apo, mag-iingat kayo pag-uwi. Iho, ingatan mo siya." Bilin ni Lolo Ben kay Harold.

"Sige po Lo! Ako pong bahala. Ingatan niyo din po si Lola Anna. Ingat po kayo." Sagot ni Harold at sabat kaming kumaway habang papalabas sila ng pintuan.

Pag-alis nila Lolo ay hinatid narin ako ni Harold sa bahay. Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Pahiga na sana ako sa kama ng bigla na namang sumakit ang ulo ko. 

May mga bagay akong nakikita at naaalala. Pero hindi ko makita kung sino yung mga taong kasama ko. Bigla nalang nagdilim ang paningin ko at hindi ko na naramdaman kung ako ang mga sunod na nagyare,

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

YEHEY! UPDATE AFTER 1000 YEARS. HAHAHA!

NAMISS KONG MAGSULAT! 

HAPPY READING. SANA PO MAGUSTUHAN NIYO.

SALAMAT PO SA LAHAT NG NAGBABASA :">

MAY BAGO NA NAMANG TAUHAN! HEHE! EXCITING TO! :)

LOVE. LOVE. LOVE <3

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 27, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sweet Discovery (KathNiel)Where stories live. Discover now