Chapter 17

494 9 2
                                    

*HAROLD'S POV*

Nagdadrive na ako ngayon pabilik sa bahay galing sa art gallery ko. Doon kasi ako dumiretso pagkagaling ko sa condo ni Allen kanina. Hindi parin ako makapaniwala na nakita ko ulit si Valerie pagkatapos ng mahabang panahon. 

Nalungkot lang ako nung nakita ko siyang buntis at mas nalungkot nung nalaman kong iniwan siya nung lalaki na nakabuntis sa kanya. Napakawalang puso naman nung lalaki na nakabuntis sa kanya. Pagkatapos siyang buntisin ay saka naman siya iiwan.

Gusto ko pa sana siyang kausapin kanina pero parang wala siya sa mood. Parang nakakita rin siya ng multo nung nakita niya akong nakatayo sa may pinto kanina. 

Hindi rin maipinta ang mukha ni Allen nung makita niya ako. Parang may mali nung mga oras na yun. Parang hindi nila inaasahan na makikita nila ako sa labas ng pintuan ng condo. Parang may tinatago silang dalawa. Nung tanungin ko si Allen kanina para bang hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.

Pagdating ko ay tinanung ko kaagad ang maid namin nakarating na sa bahay si Allen. "Ah, manang, dumating na po ba si Allen?"

"Opo sir. Kararating niya lang po, halos magkasunod lang po kayo." Sagot ni manang.

"Manang, wala po bang bisitang dumating ngayong araw?" Tanong ko ulit kay manang.

"Meron po sir. May babae pong nagpunta dito kanina."

"Sino po manang?"

"Bisita po ni sir Allen. Maganda po yung babae kaso po sayang kasi buntis na po." Sagot ni manang habang nagpupunas ng mga gamit.

"Buntis po?" Gulat na tanong ko kay manang.

"Opo sir. Tapos po hinihintay niya kanina si sir Allen, tapos po nung dumating na si sir bigla din po silang umalis. Nagmamadali pa nga po sila e. Hindi niyo po ba nakita kanina pagdating niyo?"

"Pagdating ko po kanina? Magkasama na po sila nun? Pero si Allen lang po yung nakita ko sa kotse niya e."

"Nagkasama na po sila nun sir. Baka po hindi niyo lang napansin."

"Siguro nga po manang. Baka hindi ko lang sila napansin. Sige po manang, akyat na po ako." Paalam ko kay manang.

"Sige po sir. Good night po." 

Umakyat na ako sa kwarto ko. Nag-ayos na ako para matulog pero hindi ko parin maalis sa isip ko kung bakit dito nagpunta si Valerie para humingi ng tulong at bakit kailangan sa kapatid ko pa. 

Tumayo ako sa kama at kumatok ako sa kwarto ni Allen. Binuksan ni Allen ang pintuan. "Oh Kuya, bakit? May kailangan ka ba?"

"Wala naman. Pero pwede bang pumasok na kwarto mo? May gusto lang sana akong itanung e." Pakiusap ko kay Allen.

Pinapasok niya ako sa kwarto niya at naupo ako sa gilid ng kama niya. "Gusto ko lang sanang malaman kung anung nangyare kay Valerie at bakit dito siya nagpunta par humingi ng tulong?" Tanong ko kay Allen.

"Ah yun ba, ano kasi... hmm. Kasi Kuya wala na daw siyang ibang mahihingan ng tulong kaya dito na siya nagpunta. Alam mo ba, ikaw nga yung hinahanap niya kanina e. Sayo nga siya dapat hihingi ng tulog e. Diba nagkaroon kayo ng relasyon dati." Sagot ni Allen.

"Pero bakit hindi mo man lang ako tinawagan para sabihin sa akin na hinahanap niya ako?" 

"Ah-ah-ano kasi, alam kong busy ka kaya hindi na kita tinawagan. At saka walan naman akong ginawagawa kanina kaya di na kita inistorbo at tinawagan."

"Ah ganun ba. Eh wala din naman akong ginagawa kanina e. Sana tumawag ka. Pero teka, sino nga pala yung tatay nung anak ni Val? Kilala mo ba?"

"Hindi ko din alam kung sino ang tatay nun e. Hindi ko naman tinanung si Val at hindi rin yun magkukwento. Hindi naman kami close nun e. Diba alam mo yan." 

"Ah okay. Kawawa naman pala siya. Sige Bro. balik na ako sa kwarto. Dadalawin ko nalang si Val sa condo mo bukas ha. 'Ge!" Nagpaalam na ako at bumalik na ulit ako sa kwarto ko.

Parang may mali sa kwento ni Allen. Ang sabi ni manang kanina si Allen ang hinihintay ni Val at ngayon naman sabi ni Allen ako ang hinihintay ni Val. 

Kinabukasan ay maaga akong umalis para puntahan sa condo si Valerie.

Pinindot ko ang doorbell sa condo ni Allen. Agad naman itong bumukas at ang bumungad sa akin ay si Valerie. Pumasok ako at naupo sa sofa. Inalok ako ng makakain o maiinom ni Valerie pero tumanggi na ako.

"Bakit yata ang aga mong nagpunta dito? May problema ba?" Tanong ni Valerie sa akin.

"Wala naman. Gusto lang kitang kamustahin, matagal din tayong hindi nagkita e." Sagot ko sa kanya.

Habang pinagmamasdan ko si Val ay nakikita ko sa mga mata niya ang malalim na lungkot nararamdaman niya. Parang may kung anong awa ang naramdaman ko para sa kanya dahil sa sitwasyon niya ngayon. Pansin ko kasing stressed siya at parang wala pa siyang tamang tulog.

Nilapitan ko si Val at hinawakan ko ang kanyang kamay at tinitigan ko siya. "Val, sabihin mo sa akin ang totoo, sinong ama niyang dinadala mo? Bakit ka niya iniwan?"

Iniwas ni Val ang tingin niya sa akin at tinanggal niya ang kamay niya mula sa mga kamay ko. "Hindi na importante yun, Harold. Kung malalaman mo ba, may magagawa ka?"

Tiningnan ko ang mata niya. "Oo, Val may magagawa ako. Hahanapin ko ang walang hiya na yun para panagutan ka."

Ngumiti si Val at saka umiling. "Imposible na yang sinasabi mo Harold. Sabi ko nga sayo diba, umalis na siya. Pumunta na siya ng ibang bansa. Kaya hayaan mo na ako. Kaya ko na 'to!" Tinalikuran niya ako at naglakad papunta sa kitchen.

Hinabol ko siya at pinigilan ko siya. "Hindi kita pwedeng pabayaan. Hindi man nagtagal ang relasyon natin pero minahal kita Val, at hanggang ngayon at mahalaga ka parin sa akin bilang kaibigan ko. Kaya please, hayaan mo akong tulungan kita." Pagkatapos kong sabihin yun sa kanya at bigla nalang siyang umiyak, nilapitan ko siya at niyakap ko siya.

"I'm sorry, Harold. I'm sorry. Nagmahal lang ako ng taong may mahal ng iba. Bakit ganun? Lahat nalang ng minamahal ko ay may mahal ng iba? May mali ba sa akin?" Pagsusumamo ni Valerie.

"Walang mali sa'yo Valerie. Maganda ka, matalino ka, halos nasa iyo na lahat ng hinahanap ng mga lalaki. Sadyang pagdating sa pag-ibig kailangan natin ng tamang timing at matyagang paghihintay para sa taong binigay sa atin." Sagot ko.

"Ang pagkakamali ko lang ay sinira ako ang isang magandang relasyon na meron sila Allen at Jannea." Sambit ni Valerie.

Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa narinig ko mula kay Val. Tiningnan ko lang siya ng may halong pagkabigla at hindi ako makapaniwala.

Bigla akong nanlambot. nabitawan ko ang kamay ni Val at napaupo ako sa sahig. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga oras na yun.

Naramdaman ko nalang ang pagyakap ni Val sa akin at ang tanging naririnig ko lang ay ang paghingi niya ng tawad sa lahat ng nangyare.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

MGA BEBE! ITO NA PO ANG UPDATE KO. PASENSYA NA NATAGALAN. :(

ANG LOLA NIYO KASI MARAMING INAASIKASO.

ABANGAN ANG IBA PANG MGA REVELATIONS! 

LALO NA ANG NAKAKAPANLAKING MATA NA REVELATION.

ABANGAAAAN! :D

THANK YOU SA SUPPORT! LOVE. LOVE. LOVE! <3

Sweet Discovery (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon