Chapter 11

578 13 0
                                    

N/A: SOOOORRY TALAGA, NGAYON LANG AKO NAKAPAG-UPDATE. 

MADAMI KASING GINAGAWA E. :(

O WELL, ETO NA PO ANG PAMBAWI.

YEHEY! HEHE! :*

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*JANNEA'S POV*

Pagbukas ko ng pintuan ng kuwarto kung saan ako dinala ni Allen ay nakita ko si Harold. Nakita niyang umiiyak ako at agad-agad niya akong nilapitan at niyakap.

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Hinawakan niya ang aking mukha at pinunasan ang aking mga luha. Umiling ako para sabihin na walang nangyare.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinatid niya ako sa kwarto ko. Habang naglalakad kami papunta sa kwarto ko, pinagmamasdan ko lang siya iniisip ko kung bakit sa tuwing may nangyayaring hindi maganda sa akin palaging nandyan si Harold para tulungan ako at pasayahin ako. Bakit nga ba hindi nalang siya yung minahal ko? Bakit hindi nalang siya si Allen? Ang daming tanong at hiwaga ang tumatakbo sa isip ko.

Hindi ko namalayan na nasa kwarto na pala kami. Namalayan ko nalang na nasa kwarto kami nang tinapik ni Harold ang mga pisngi ko.

"Aray! Bakit mo ako sinampal?" Pagalit kong tanong sa kanya.

"Hahahaha! Hindi kita sinampal. Paano, nagsasalita ako dito tapos hindi pala nakikinig yung kinakausap ko kasi tulala pala siya." Natatawang sagot ni Harold sa akin.

Biglang naging seryoso ang mga mukha niya at tinitigan niya ako. "Bakit tulala ka kanina? Hindi ako naniniwalang walang nangyari kanina sa'yo doon sa kwarto. Hindi ka iiyak ng ganyan kung wala lang." 

"Okay lang ako Harold, walang nangyare. Naalala ko lang si mommy kaya ako umiiyak." Pagsisinungaling ko at agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya para hindi niya makita na hindi ako nagsasabi ng totoo.

Nginitian niya ako at hinawakan niya ang mukha ko hinalikan niya ang noo ko. "Sige na, matulog kana. Magpahinga kana, alam kong pagod ka. Good night, Beautiful." Hiniga na niya ako sa kama at saka siya lumabas ng kwarto.

Nag-init ang mga pisngi ko, alam kong namumula ako. Mabuti nalang wala na siya. Nakakahiya kung makikita niya akong ganito. Pinikit ko ang mga mata ko at dinala na ako ng antok.

Paggising ko may breakfast na nasa side table ko. May bacon and egg at dalawang toasted bread at orange juice sa tray at may isang white rose at note sa gilid. Kinuha ko ang rose at ang note para tingnan ko kanino galing yung breakfast.

I'm sorry about last night. I was being carried away by my feelings for you.

I love you so much, Honey. 

Love,

Allen

Tumayo ako sa kama, kinuha ko yung tray at itinapon ko lahat sa basurahan. Ang kapal ng mukha niya para dalhan pa ako nang ganito. 

Naligo na ako at inayos ko na ang sarili ko para sa libing ni mommy. Bumaba na ako sa sala para harapin ang mga taong naghihintay ng libing ni mommy. 

Nilapitan ako ni Allen na nakangiti na para bang walang nangyare kagabi. "Nagustuhan mo yung hinanda ko para sa'yo? Diba favorite mo yun?" 

Tinitigan ko lang siya at ngumiti ako. Nilapitan ko siya at binulungan. "Nilalangaw na nga yung basurang hinanda mo e. Tinapon ko kasi, hindi dapat siya kinakain ng isang taong kagaya ko dapat ang kagaya mong hayop ang kumakain nun." at saka ko siya sinampal ng malakas.

Napatingin ang mga tao sa ginawa ko at lumapit sila Daddy, Harold. Tita Vanessa at Tito Arnold.

Nilayo ako ni Daddy at nilabas niya ako sa may garden. "Anak, bakit mo yun ginawa kay Allen? Nababaliw ka na ba? Ang daming nakakita sa ginawa mo. Hindi mo na ginalang ang mommy mo. Ano bang nangyayari sa'yo?"

Tiningnan ko lang si daddy habang patuloy parin ako sa pag-iyak. "Daddy, tinangka niya akong halayin kagabi! Ayan, ngayon alam niyo na kung bakit ko yun ginawa sa kanya." Pasigaw kong sagot kay daddy. 

Nung narinig ni daddy ang sagot ko nanlaki ang mga mata niya at bigla niya akong niyakap. "Hindi ko akalaing kayang gawin ni Allen yun. Hayop siya!" Inalis ni daddy ang pagkakayakap niya sa akin at pumasok siya para harapin si Allen. Pero pinigilan ko siya.

"Please dad, not now. Igalang natin si mommy." Hinawakan ko si daddy sa braso niya para pigilan siya.

Tuloy-tuloy na pumasok si daddy sa bahay at hinarap niya si Allen. Kinwelyohan niya si Allen. "Hayop ka! Umalis ka sa pamamahay ko ngayon din!"

Tumingin siya kay Tito Arnold. "Kumpare, alang-alang sa katahimikan ng libing ng asawa ko, umalis na kayo at ilayo mo yang anak mo sa anak ko." Galit na galit si daddy at nakikita kong nanginginig siya sa galit.

Agad namang umalis sila Allen kasama sina Tito at Tita. 

Pagkatapos ng libing ni mommy umuwi na kami ni daddy at nagpunta ako kaagad sa kwarto ni mommy, namimiss ko na si mommy ng sobra. Kinuha ko ang picture frame ni mommy at niyakap ko ito hanggang sa makatulog ako.

Sweet Discovery (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon