Chapter 14

558 10 4
                                    

*ALLEN'S POV*

Nagdadrive ako ngayon papunta sa bagong gallery ng kakambal ko. Bigla niya kasi siyang nagtext sa akin kanina. So umalis ako kaagad sa office.

Hininto ko na ang kotse ko sa tapat ng gallery ni Harold. Pababa na sana ang kotse ng may nakita akong babae na lumabas sa gallery niya. 

Umiiyak yung babae at pinupunasan ang mga luha niya. Nagmamadali siyang maglakad. Pilit kong tinitingnan kung sino yung babae na galing sa gallery ng kakambal ko. And to my surprise, it was Jannea.

I huriedly open the door of my car para sundan si Jannea. Nang maabutan ko siya ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Umiiyak ka na naman. Ano ba kasing ginagawa mo doon sa gallery ng kapatid ko?" Tanong ko sa kanya.

"Magulo Allen, ang gulo-gulo. Simula nung umuwi ako dito sa Pilipinas gumulo ulit ang buhay ko. Ayoko na... Sana ako nalang ang nawala at hindi si Mommy... Wala na akong matakbuhan, wala na akong kakampi... Lecheng buhay 'to! Ayoko na!" Sabi ni Jannea habang hinahampas niya ako.

"Sige, saktan mo lang ako. Sampalin mo ako, suntukin mo ako, sabunutan mo ako, bugbogin mo ako--kung yan lang ang paraan para mawala ang lahat ng sakit na nararamdaman mo dahil sa akin." Hinawakan ko ang mga kamay niya at pinipilit ko siyang sampalin at saktan ako.

"Napakatanga ko kasi. Ang tanga, tanga, tanga." Habang sinasampal sampal ni Jannea ang sarii niya.

Pinilit kong hawakan ang mga kamay hanggang sa umiyak nalang siya ng umiyak at napaupo sa daan. 

Parang dinudurog ang puso ko habang nakikita kong nagkakaganun si Jannea. Hindi ko alam kung ano at bakit siya nagkakaganun. Itinayo ko siya at dinala sa sasakyan ko. Naupo lang kaming dalawa sa loob hanggang sa mahimasmasan siya.

Sinabi sa akin ni Jannea ang tungkol sa pag-amin ng kapatid ko sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Agad akong lumabas sa kotse at dali dali akong pumasok sa gallery.

Naabutan ko siyang nakaupo sa upuan malapit sa isang painting, sa painting ni Jannea. Nilibot ko ang mga mata ko sa buong gallery --- mata ni Jannea, ngiti ni Jannea, labi ni Jannea, mukha ni Jannea, si Jannea sa Paris, Jannea na masaya, Jannea na umiiyak --- lahat ng paintings sa gallery, puro si Jannea.

Nagdilim ang paningin ko at agad kong nilapitan si Harold. Kwinelyuhan ko siya at saka ko siya pinagsusuntok.

"Anong ibig sabihin nito, ha? Hayop ka!" Suntok sa kaliwang pisngi.

"Ahas ka talaga!" Suntok sa kanang pisngi.

Nanggigil ako sa kapatid ko. Pakiramdam ko ay sinusulot niya sa akin si Jannea. At dumagdag pa ang nakita kong pag-iyak ni Jannea kanina.

"Ano!? Lumabasa ka ga** ka!" Paghahamon ko.

"Balak mo pa talagang agawin si Jannea sa akin ha! At ano, aamin ka nalang bigla sa kanya na mahal mo siya?" Tanong ko sa kanya.

Tinulak ako ni Harold at napaupo ako. "Wala akong inaagaw at mas lalong hindi ko siya sinusulot sa'yo. Ikaw ang sira ulo at ga** dahil na sa'yo na siya pero anong ginawa mo? Inuna mo yang kati mo sa katawan." Sagot ni Harold sa akin na duguan ang labi dahil sa mga suntok ko sa kanya.

Tumayo ako tinitigan ko siya ng masama. "Anong gusto mong palabasin? Na nagpaubaya kana noon kaya ngayon aangkinin mo na siya? Ganun ba magaling kong Kuya?"

"Oo Allen. Sapat na ang 8 taon na nagtiis akong tingnan lang kayo habang ako iniisip ko nalang na balang araw mamahalin din ako ng babaeng mahal ko pero mahal ang pinakamamahal kong kapatid." Sagot ni Harold sa akin.

"Hindi ko na problema yun kung nagpa-ubaya ka. Sa akin lang si Jannea at walang makakaagaw sa kanya. Kahit ikaw pa. Dahil kapag nangyari yun, magkakalimutan tayong dalawa." Tinitigan ko siya ng masama at umalis na ako.

Binalikan ko si Jannea sa sasakyan pero wala na siya. Tinatawagan ko siya pero hindi niya ako sinasagot. Pinuntahan ko siya sa bahay nila pero ang sabi ng maid nila ay wala siya doon. Wala na akong ibang alam na lugar kung saan siya pwedeng pumunta kaya napagpasyahan ko nalang na umuwi.

Pagbaba na pagbaba ko sa kotse ay agad akong sinalubong ng maid namin. "Sir, me naghahanap po sa inyo kanina at nandyan po siya sa loob hinihintay kayo."

"Sino daw siya manang?" Tanong ko sa maid.

"Hindi po niya sinabi kug sino siya, pero babae po. Maganda pero buntis po siya, sir Allen." Sagot ni manang sa akin.

Bigla bumulis ang tibok ng puso ko at nanghina ang mga tuhod ko na para bang maya-maya lang ay tutumba na ako. Napalunok at napapikit ako bigla nang marinig ko ang salitang "buntis" mula kay manang.

Pumasok ako sa bahay para masigurado kung sino ang naghihintay sa akin. Pagkabukas ko ng pinto ay nahulog ang mga envelopes at mga galit na hawak ko sa sahig ng makita ko si Valerie. Nakaupo sa sofa ng sala namin. Umiinom ng juice at hawak ang kanyang tyan.

Si Valerie, ang ex-girlfriend ng kapatid ko, ang babaeng naging dahilan ng pagkasira ng relasyon namin ni Jannea at ang babaeng katabi ko sa kama nung araw na makita kani ni Jannea.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

UPDATE UPDATE DIN. :D

Dapat nung Linggo pa 'to e, kaso umalis kami kaya patawad po. 

Oh. Nagsisimula na ang mga twist and turns ng mga eksena. Masaya to!

Sana po magustuhan niyo. :) <3

Sweet Discovery (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon