Chapter 6

743 14 10
                                    

*JANNEA'S POV*

Nandito na ako sa office ngayon. Bawat cubicle na nadadaanan ko nag-gogood morning sa akin.

"madame de bonjour (good morning ma'am)"

"bonjour (good morning)" sagot ko sa kanila.

Pinatawag ko kaagad ang secretary ko para dalhan ako ng coffee at ng news paper. Habang nagbabasa ako napunta ako sa lifestyle section ng news paper. May nakita akong isang article about sa isang bagong bukas na gallery. Pinakita sa news paper ang ibang painting na gawa nung may-ari ng gallery. 

Kakaiba yung mga paintings niya, parang may kakaiba akong naramdaman habang tinitingnan ko yung mga paintings. 

*HAROLD'S POV*

Malapit na magbukas ang galley ko. Nakakatuwa nga kasi nafeature yung gallery ko sa isang news paper kahit di ko pa talaga binubuksan sa public.

Iba kasi ang inspirasyon ko sa mga paintings ko ngayon. Pinipaint ko yung babae na palaging nasa panaginip ko na nakatayo sa may balcony. Tuwing lalapitan ko yung babae sa panaginip ko para tingnan kung sino siya biglang nagbblur yung paningin ko. 

Ang weird talaga ng panaginip ko, palaging nandun yung babae. Simula nung napunta ako dito sa Paris tuwing gabi ko na siya napapanaginipan. Pero kahit nung nasa Manila pa ako nananaginip narin ako nung tungkol sa kanya. Yung painting na tinitingnan ni Jannea nung nasa gallery kami, yun yung babaeng nasa panaginip ko.

Tuwing may bago akong panaginip tungkol sa babae na yun, agad-agad kong pinipaint yung huling scenario na kasama ko siya. Minsan malungkot yung babae at umiiyak, minsan naman masaya siya pero hindi ko talaga nakikita yung mukha niya.

Nagpipaint ako ulit ngayon, pinipaint ko yung napanaginipan ko kagabi. 

Kasama ko na naman yung babae, nakaupo kami sa may beach at magkahawak ng kamay habang pinapanuod namin ang paglubog ng araw. Habang palubog ang araw ay ang dahan-dahang pagakawala ng babae sa tabi ko. Nakaramadam ako ng sobrang kalungkutan kaya naman nagising ako bigla. 

"Monsieur, c'est le temps. La presse et les gens vous attendent d'ouvrir votre galerie. (Sir, it's time. The press and the people are waiting for you to open your gallery.)" Tawag sa akin ng secretary ko. Ilang oras nalang kasi magbubukas na ang gallery ko. 

Bago pa ako bumaba nagring ang phone ko.

Calling: Mommy

"Hello Mommy."

'Anak, ngayon na pala magbubukas ang gallery mo. I'm so happy for you. Proud kami ng Daddy mo sa'yo."

"Salamat Mommy. Kelan po kayo pupunta dito para naman po makita niyo yung gallery at mga bagong paintings ko." Tanong ko kay Mommy. Miss na miss ko na kasi sila.

"I'm not sure, Harold. We have so many things to do here for our company. Wala naman kaming ibang pwedeng asahan dito."

"How about Allen, Mom? I think he's already capable of helping you."

"Sana nga anak, but that's not the case. Sana nga kagaya ka nalang ng kakambal mo ngayon." Naramdaman ko ang lungkot ni Mommy sa kabilang linya.

"Why Mom? Anu pong nangyayare kay Allen? I thought he's doing fine. Pero I felt sorry about my brother, ngayon ko lang po nalaman na naghiwalay na pala sila ni Jannea at hindi na natuloy ang kasal nila."

"Yes, anak. Enough of that, you should be happy today your dream has come dahil may sarili ka ng gallery dyan sa Paris. I love you and your Dad said that he's very very proud of you. Bye anak. See you soon."

"I love you Mom. I miss you."

Pagkatapos namin mag-usap ni Mommy ay bumaba na ako at nagpunta na sa opening ng gallery ko.

Habang nag-oobserve ako sa gallery ko at habang tumitingin din ako sa mga paintings ko, nagulat ako nang may biglang nagsalita sa tabi ko.

"Les peintures sont si stupéfiantes. Je peux sentir la blessure, l'amour et le grand désir du peintre pour cette fille. (The paintings are so amazing. I can feel the hurt, the love and the longing of the painter for this girl.)" sabi nung babae habang nakatitig siya sa mga paintings ko. Hindi ko nakita kung sino siya dahil nahaharangan ng scarf ang mukha niya.

"Je crois qu'il aime vraiment cette fille mystérieuse dans son rêve et il veut vraiment savoir qui elle est un de ces jours. (I think he really love this mysterious girl in his dream and he really wants to know who she is someday.)" sagot ko doon sa babae. 

Biglang humarap sa akin yung babae at pagkatapos kong makita kung sino siya ay bigla akong napangiti.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Here's the update na po. I hope you enjoy it. :)

Nasa side po yung picture ng gallery ni Harold sa Paris. <3

Sweet Discovery (KathNiel)Where stories live. Discover now