Chapter 3

791 18 3
                                    

Eto na po yung chapter 3. Hahaha! Halatang wala akong ginagawa kundi ang magsulat dito. Nag-eenjoy ako. Basa lang po ng basa ah. Pero gusto ko rin po sanang makarinig ng any feedback. Pero sana po hindi po masyadong harsh. Hehehe! Thank you po sa lahat ng nagbabasa nito. Mua! Mua! Tsup! :* 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*JANNEA'S POV*

Nagising ako sa katok ni Mommy sa pinto. Ang sarap pa naman ng tulog ko. Ngayon lang ako ulit nakatulog ng mahimbig.

"Jannea, bumangon kana dyan. May bisita ka sa baba."

May bisita ako? Sino naman kaya yun? "Sino po Mommy?"

"Basta anak, bumaba ka nalang. Bilisan mo."

"Sabihin niyo nalang po wala ako. May sakit. Wala po ako sa mood."

"Hindi pwede anak, kailangan mong bumaba."

"Aish. Istorbo naman. Oo na po, bababa na po ako mag-aayos lang po ako."

Napilitan akong bumaba, si Mommy kasi ang kulit. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Si Allen nakatayo sa may hagdan habang inaabangan ako may hawak siyang isang bouquet ng tulips. Alam niya talaga kung ano ang gusto ko.

Ngumiti ako sa kanya at dahan-dahan akong bumaba ng hagdan at lumapit ako sa kanya. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at tinitigan ko siya sa mata at sabay sampal ng malakas.

"Thanks for the flowers, saksak mo yan sa baga mo." Sabay bato ko ng bulaklak sa mukha niya.

Paakyat na sana ulit akong hagdan ng biglang hinawakan ni Allen ang braso ko para pigilan ako. Bigla niya akong niyakap pero nagpumiglas ako. Lalo niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin.

"Sorry hon. Let me explain everything to you. Please. Alam mong ikaw lang ang mahal ko, diba?" Paliwanag niya sa akin.

Hindi ako nagsasalita pero alam kong umiiyak na si Allen. Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "Gagawin ko ang lahat para bumalik ka sa akin. Patawarin mo na ako, please, hon."

Hindi ko na napigilang umiyak, pero pinipilit kong magmatigas sa harap ni Allen. Ayaw ko na siyang makita ulit, ayaw ko na ituloy ang kasal, ayaw ko ng masaktan ulit ako ni Allen.

"Niloloko mo ba ako Allen? Bakit, may pagkukulang ba ako sa'yo? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Nagtiwala ako sa'yo. Tapos bigla ko nalang makikita na may kasiping kana na ibang babae sa kama mo? Ano to, naglolokohan nalang tayong dalawa? Inip na inip ka na ba dahil hindi ko pa maibigay sayo ang sarili ko? Nangangati kana ba Allen? Ano!? Sabihin mo, sino yung babae na yun?" Nanginginig ako habang nagsasalita ako sa sobrang galit ko sa kanya.

"I'm sorry Jannea, sorry."

"Yan lang ang sasabihin mo? Mabuti pa itigil na natin 'to Allen. Wala ng kasal na mangyayari." Inalis ko ang engagement ring na binigay niya sa akin at ibinalik ko sa kanya. 

Sweet Discovery (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon