Chapter 10

633 13 4
                                    

*JANNEA'S POV*

"Jannea, condolence."

Agad akong yumakap sa kanya ng walang pagdadalawang isip. Si Harold, nandito siya sa tabi ko. Nandito para damayan ako. "Dumating ka. Salamat."

Magkasama kami ni Harold nung tumawag si Daddy sa akin para ipaalam na nasa ospital si Mommy. Agad akong sinabihan ni Harold na umuwi ako ng Pilipinas. Kaya kinabukasan ay umuwi ako.

Tiningnan ako ni Harold at hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang kanyang kamay. Nakapikit lang ako hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak. "Nandito na ako, 'wag ka nang umiyak. Hindi kita papabayaan." Hinalikan niya ang noo ko at niyakap niya ako ulit.

Naging kalmado ako simula nung dumating si Harold. Hindi niya ako pinabayaan, siya ang nag-aalaga sa akin kapag nagbebreakdown ako kakaiyak.

4th day ng burol ni Mommy ngayon at bukas ililibing na siya.

Dumating sila Tita Vanessa at Tito Arnold kasama si Allen. Nang pumasok si Allen sa pintuan ay nagtagpo ang mga mata namin, agad akong tumayo at pumasok sa kwarto ko. Sinundan ako ni Harold pero hindi ko siya pinapasok sa kwarto ko.

Akala ko pagkalipas ng 3 taon mawawala na ang nararamdaman ko para kay Allen, pero nung nakita ko siya kanina hindi ko parin maiwasan ang masaktan. Tama nga si Mommy nung sinabi niya sa akin na hindi magiging solusyon ang pag-alis ko para makalimot. Ang kailangan ay harapin ko ang lahat ng nangyari sa amin ni Allen.

Nakita ko sa mga mata ni Allen kanina ang pagdurusa niya. Pero hindi ako pwedeng maawa sa kanya. Kailangan kong ipakita sa kanya na nagbago na ako at hindi ko na siya mahal.

Bumaba ako para harapin sila at si Allen. Habang pababa ako ng hagdan nakita kong magka-usap si Daddy at si Tito Arnold. Nakatingin naman si Tita Vanessa kay Mommy. Wala si Harold at si Allen si loob ng bahay kaya dali-dali akong lumabas para hanapin sila. Tiningnan ko sila sa may garden pero wala sila. Umikot ako para tingnan sila sa may gazeebo pero wala parin. Pumunta ako sa may pool at nakita kong nagsasagutan silang magkakambal.

Nagtago sa may gilid malapit sa sliding door na papunta sa pool. Narinig kong nagsisigawan sila at nag-aaway.

"Bakit ka nandito ha? Bakit pumapapel ka kay Jannea?" Sigaw ni Allen na galit na galit.

"Hindi ako pumapapel kay Jannea, hindi ko kailangan magpaliwanag sa'yo dahil wala na kayo diba?" Sagot ni Harold sa kakambal niya.

"Ang kapal din ng mukha mo, no? Sarili mong kapatid inaahas mo!" Kinwelyuhan ni Allen si Harold. Galit na galit siya nakikita kong nanggigil siya sa kapatid niya.

Tinulak ni Harold si Allen natumba ito. "Alam mong hindi ko magagawa yung sa'yo, Allen. Alam mong handa akong magparaya para sa'yo, para maging masaya ka lang. Pero anong ginawa mo? Nawala siya sa'yo."

Tumayo si Allen at sinuntok niya si Harold. "Ga** ka ha! Ang yabang mo na magsalita ngayon. Babasagin ko yang pagmumukha mo!" Susuntukin pa sana ni Allen si Harold pero nakatayo agad si Harold at sinuntok din pabalik ang kakambal niya.

Tumakbo ako para awatin sila. "Ano ba, tama na yan! Para kayong mga bata!" Tiningnan ko sila pareho at pareho sila nakatingin nang masama sa isa't-isa. "Hindi ka inahas ni Harold, okay. Ikaw ang ahas at wala kang kwenta, Allen. Kaya pwede ba tumigil kana at lumayo kana sa akin." Hinawakan ko sa braso si Harold at niyaya ko na siyang umalis pero bigla akong hinawakan ni Allen.

"Mag-usap tayo, Jannea. Patawarin mo na ako." Lumuhod siya sa harapan ko. Tiningnan ko lang siya at tunalikuran ko na siya.

Dinala ako ni Harold sa may veranda at doon kami nag-usap. "Pasensya kana kanina sa nakita mo. Hindi dapat namin ginawa yun kanina lalo na't sa burol pa ng Mommy mo..." pinigilan ko siyang magsalita. "Wala kang kasalanan. Nakita ko, si Allen ang nagsimula." Nagulat si Harold nang sabihin kong nakita kong si Allen ang nagsimula. "Bakit, Harold? May problema ba?" Hinawakan niya ako sa balikat. "Kung nakita mo lahat, ibig sabihin narinig mo rin lahat?" tumango ako.

Pagkatapos kong tumango ay niyakap ako ni Harold at bigla siyang umalis. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa kanya. 

Pabalik na ako ng sala ng makasalubong ko si Allen. Lumapit siya sa akin at hinila niya ako sa isang kwarto. Nagpumiglas ako pero mahigpit ang hawak ni Allen sa braso ko

Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako. Tinulak ko siya palayo sa akin pero lumapit siya ulit at tinulak ako sa kama at saka siya pumaibabaw sa akin. Hinalikan niya ako at ibinaba niya ang mga halik niya sa leeg ko.

"Bitawan mo ako!" Kumakawala ako sa kanya pero ang higpit nang hawak niya sa akin. "Tulong! Haroooold!" Sigaw ko.

Napahinto si Allen at tiningnan niya ako ng matagal. Tumulo ang luha niya sa pisngi ko, tumayo siya at lumabas ng kwarto.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Umiinit ang mga eksena. Oh no! Hehehe! :)

Pasensya natagalan po ang update, busy kasi sa work e. Patawad.

Sana naman po natuwa kayo kahit paano, bumabawi ako kaya hinabaan ko. Hihi. :)

Sweet Discovery (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon