Chapter 4

1K 14 2
                                    

Pinag-isipan ko ang update na ito habang nasa Starbucks kami kanina ng friend ko at umiinom ng Chocolate Cream Chip with Choco Dipped Donut. Nakakatuwa, ang dami kong gustong mangyare sa istorya kong 'to. Hehehe! Buti nalang tinulungan ako ng friend ko na magaling din magsulat at mag-imagine. Hahaha! Enjoy reading po :) I'll be happy to hear something from you readers. Comment naman dyan. :D

So, eto na ang dulot ng pagtambay ko kanina sa Starbucks SM North. Hahaha! :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*JANNEA'S POV*

Papunta na ako ng airport ngayon para sa flight ko papuntang Paris. Napagpasyahan kong doon nalang muna ako para makalimot at para maka move-on ako kaagad sa nangyari sa amin ni Allen. Alam kong magiging mahirap pero alam kong kakayanin ko basta hindi ko siya nakikita.

Nakarating na ako sa Paris, agad akong dumiretso sa bahay namin dito. Kailangan ko na magpahinga dahil bukas na bukas din papasok na ako sa kompanya namin. Aasikasuhin ko na ang Make-up Company namin dito. Kailangan kong magpakabusy para hindi ako mabaliw.

*After 6 months*

Ang bilis lang ng panahon, 6 months na akong nandito sa Paris. Masasabi kong nakamove-on na ako kahit papaano. Madami kasi akong pinagkakaabalahan dito.

Kakatapos ko lang magsimba, papunta ako ngayon sa may Eiffel Tower para mag-unwind ng konti at para maghappy-happy narin.

Nakatayo ako sa harap ng Eiffel Tower, nagmumuni-muni saglit. Paalis na sana ako para pumunta sa isang Coffee Shop dito ng may nakita akong lalaki na parang kinuhanan ako ng picture.

Agad kong nilapitan ang lalaki. "Excusez-moi, essayez-vous de prendre une photo de moi? (Excuse me, are you trying to take a picture of me?)" Tanung ko kaagad doon sa lalaki.

Bigla siyang tumawa at bigla ko siyang tinulak. Nagulat ako ng biglang nagsalita yung lalaki. "Miss, hindi ikaw ang kinukuhanan ko ng picture, huwag kang magfeeling dyan." 

Nagulat ako. Aba, marunong palang magtagalog 'tong unggoy na 'to. Nagfrench pa tuloy ako ng wala sa oras.

"Kung hindi ako, e sino? Wala naman ibang tao sa harapan mo e." Pasigaw kong sabi sa kanya.

"Hahahaha! Edi yung Eiffel Tower. Ang taray mo parin Jannea, hindi ka parin nagbabago. Walang kakupas kupas." at sabay smirk nung lalaki.

Tama ba yung narinig ko? Kilala niya ako? "Paano mo ako nakilala? Stalker ka 'no? Tatawag na ako ng Police." Pasigaw na sana ako ng  bigla niyang tinakpan ang bigbig ko.

"Ano ka ba naman Jannea, 3 taon lang tayong hindi nagkita hindi mo na agad ako kilala. Nakakalungkot naman."

Napatitig ako sa mukha nung lalaki. Hindi ko talaga siya makilala o mamukhaan man lang. Tinanggal niya yung shades niya at nagulat ako sa nakita ko. "Oh my gosh." Yan lang nasabi ko sa sobrang gulat ko.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sorry, Maikli lang ang update. 

Hmm. Sino kaya yung lalaki? :D pabitin muna ako. Hahaha!

Sweet Discovery (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon