Chapter 16

569 10 4
                                    

*ALLEN'S POV*

Nabitawan ko ang mga hawak kong gamit ng makita ko si Valerie na nakaupo sa may sala. Bigla siyang napatingin sa akin at agad na lumapit at niyakap ako.

"I missed you, Allen. I missed you so much." Sabi niya.

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin at agad ko siyang tinanong. "Anung ginagawa mo dito? Diba usapan natin na hindi tayo pwedeng magkita ng basta-basta."

Naglakad siya papunta sa kinauupuan niya kanina at doon ay bigla nalang siyang umiyak. "Pinalayas ako sa bahay ni daddy. Hindi niya matanggap na ganito ang nangyare sa akin."

 

Nagulat ako sa sinabi niya. "Akala ko ba alam na 'to ng pamilya mo? Bakit pinalayas ka?" Tanung ko.

"Hindi alam ni daddy. Hindi na pinasabi ni mommy dahil ang akala ni mommy ay matatagalan pa bago bumalik si daddy dito sa Pilipinas. Pero nasurpresa kami nung bigla siyang umuwi at nakita niya ako." Kwento ni Valerie.

"Pero bakit dito ka nagpunta? Bakit hindi ka nalang doon sa mga kaibigan mo nagpunta?." Itinayo ko siya sa upuan at dinala palabas ng bahay.

"A-a-ano ba Allen, nasasaktan ako..." Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kanya. "Alam mo bang malapit na akong manganak? Sa susunod na buwan manganganak na ako. Kaya ko pinili na dito pumunta dahil alam kong sa dulo nito ay ikaw parin ang kakailanganin ko kapag manganganak na ako." Sabi ni Valerie.

Napahawak ako sa batok ko at napapikit. "Fine! Pero please naman Valerie, huwag dito sa bahay namin. Hindi ka pwedeng makita ni mommy at ni daddy at lalong-lalo na si Harold. Ihahatid nalang kita doon sa condo ko. Doon ka nalang magstay."

Kinuha ko ang mga gamit na dala niya at sinakay sa kotse. Pinapasok ko narin si Valerie sa loob ng kotse para ihatid sa condo ko. 

Pero bago pa man ako pumasok sa kotse ay biglang bumukas ang gate at dumating si Harold.

Hindi ko alam kung ano at kung paano ang gagawin ko para hindi niya makita si Valerie. Para akong aso na hindi matae dahil hindi ako mapakali kung saan at kung paano ko itatago si Valerie. 

Lalong bumilis ang tibok ng puso ng nakababa na ng kotse si Harold at papalapit siya sa akin. Agad akong pumasok sa kotse at hindi ko siya pinansin. Mabilis kong inatras ang kotse at  nagdrive palabas ng bahay. 

Nakarating na kami sa condo, inayos ko na ang mga gamit ni Valerie at nagpaalam na ako para umuwi. Biglang hinawakan ni Valerie ang kamay ko. "Wait Allen, thank you. Thank you kasi hindi mo kami pinabayaan ng anak mo." Umiiyak na sabi ni Valerie.

Inupo ko siya sa may kama at hinawakan ko ang mukha niya. "Makakasama sa baby natin ang pag-iyak mo. Tama na yan."

"Alam kong si Jannea talaga ang mahal mo. Alam kong hindi ko na mababago kung ano man ang nasa puso mo. Pero gusto ko malaman mo na mahal na mahal kita. Wala akong pinagsisihan sa lahat ng nangyare sa ating dalawa." Napayuko siya at napaluha.

Sweet Discovery (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon