Chapter 1

3K 27 5
                                    

*JANNEA'S POV*

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwala sa nakita ng dalawang mata ko.

Hindi ako pwedeng magkamali, si Allen may katabing babae sa kama niya. Nakahubad sila pareho at tanging kumot lang ang nakatakip sa kanilang dalawa. Magkayakap sila nung babaeng nakita ko. 

Biglang may tumulo sa pisngi ko, alam kong luha na yun. Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Sasampalin ko ba si Allen? O sasabunutan ko yung babae at kakaladkarin ko siya hanggang sa ground floor ng condo. Hindi ko na alam, gulong-gulo na ako.

Gusto ko nalang maglaho sa kinatatayuan ko sa mga oras na ito. Ilang beses na niya akong niloloko pero pilit ko parin siyang pinapatawad at iniintindi. Pero iba na ang sitwasyon ngayon dahil sobra na 'to.

Bigla akong umalis sa kwarto ni Allen. Nagmamadali akong umalis at habang hinihintay ko ang elevator, hindi parin tumitigil ang pagbuhos ng luha ko.

"Pastilan naman. Tama na ang iyak. Palagi ka nalang ganyan." Naiinis na ako sa sarili ko dahil sa kakaiyak. Napaupo ako sa sahig ng elevator. Nanlalambot ang buong katawan ko sa nakita ko. 

Ilang buwan nalang kasi ikakasal na kami ni Allen. High school palang kami na ang magkasama, hanggang college pareho rin kami ng University. Tourism ang kinuha ko, Engineering naman kay Allen.

Pagbukas ng elevator bumungad sa akin si Harold. Kakambal siya ni Allen, mas matanda si Harold ng ilang minuto sa kanya.

Bigla kong niyakap si Harold. "Anung nangyare sa'yo Jannea? Nag-away na naman ba kayo ni Allen?" Hindi ako makapagsalita sa kakaiyak ko. Ibinaon ko nalang ang mukha ko sa dibdib ni Harold. 

"Sige lang Jannea, iiyak mo lang yan hanggang sa mawala ang sakit. Nandito lang ako." Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Harold sa akin.

Pagkatapos kong mahimasmasan inaya ako ni Harold para magkape. "Tara, Starbucks tayo. You want? Tapos ikwento sa akin ang lahat ng nangyare. Okay?" Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at nagpunta kami sa sasakyan niya.

Habang papunta kami sa Starbucks hindi parin mawala sa isip ko ang mga bagay na nakita ko. Nakatitig lang ako sa labas ng bintana ng kotse ni Harold at naramdaman ko nalang na umiiyak na naman ako.

Hinawakan ni Harold ang kamay ko. "Sshh. Tama na yan, tingnan mo ang pangit mo na kakaiyak mo dyan." Tiningnan ko siya at pinipilit kong ngumiti pero hindi ko magawa. "Ang sakit kasi Harold. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko nalang mawala na parang bula kanina."

Bigla niyang hininto ang sasakyan at bigla niya akong niyakap. "Shh. Mamaya mo na yan ibuhos lahat. Promise, makikinig ako." Nagdrive na ulit si Harold. 

"Pwede bang doon nalang tayo sa lugar na wala masyadong tao? Ayaw ko kasing makita ako ng maraming tao na ganito ako. Parang kawawa naman ako." Napangiti si Harold sa request ko.

"Gusto mo ba doon nalang tayo sa gallery ko?" Tumango ako at nagpatuloy sa pagdadrive si Harold.

Painter kasi si Harold kaya may sarili siyang gallery. Kung saan-saan na nga siya napupuntang lugar dahil sa galing niya magpaint at madalas siyang nananalo sa ibang bansa. Nakarating na kami sa gallery, kahit madalas akong pumupunta dito kasama si Allen sa tuwing may exhibit si Harold parati parin akong namamangha sa mga paintings na gawa ni Harold. Nakakagaan ng loob.

Lumapit ako sa isang painting, mukhang bago lang 'to. Ang ganda. Isang babaeng nakatayo sa terrace na over looking sa buong city. Ang ganda talaga. "Bago 'to no?" Sabay turo ko sa painting. 

"Ah, oo. Kakatapos ko lang gawin yan kagabi." Sabay ngiti ni Harold at tumabi siya sa akin habang nakatingin ako sa gawa niya. Pareho kaming hindi nagsasalita. Siguro hinahayaan niya lang muna akong mag-isip.

"Ahm. Ha-a-Harold?" Nauutal kong pagtawag sa kanya. "Salamat nga pala ha." Bigla siyang humarap sa akin. Nabigla ako sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Parang napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw. Unti-Unting nilalapit ni Harold ang mukha niya sa akin, napapikit ako at naramdaman ko ang paglapat ng mga labi ni Harold sa akin.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

I hope you like it po :) Yung title po ng story na ito ay nakuha ko sa isang song. The video is on the side po. Have fun! Comment naman po diyan. Itutuloy ko pa po ba? Hehehe! Open po ako to any comments and suggestions :) Vote. Vote. Vote <3

Sweet Discovery (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon