Chapter 12

677 14 11
                                    

*JANNEA'S POV*

Nagising ako sa ring ng cellphone ko. Nakakainis dahil sa nakatulog ako kaagad kagabi hindi ko na-isilent ang phone ko. Super Bass pa naman ang call tone ko. 

Calling: Harold Villegas

Ano na naman kaya ang kailangan ni Harold. Sigurado magtatanung na naman siya kung ano ang nangyari kahapon at nagalit nang ganun si daddy sa kakambal niya.

Hinawakan ko ang phone at sinagot ko ang tawag niya. "Hello. Ang aga mo naman mambulabog."

"Are you free today? As in for this whole day?" Tanong ni Harold.

"And what's with today? Are there any special occasion?" Pagtataray ko.

"Chill, Jannea. I just..."

"You just what? You just want to ask me things about what happen yesterday. Am I right?" Pinutol ko ang pagsasalita niya.

"No. Magpapasama kasi ako sa'yo ngayon. May gusto akong ipakita sa'yo." Pag-yaya niya sa akin.

"Fine. Meet me at the coffee shop outside our village. Bye." Magsasalita pa sana siya pero binaba ko na yung phone. Saan na naman kaya ako dadalhin ni Harold, kung makapag-aya agad-agad.

Naligo na ako at nagbihis. Nagsuot ako ng floral na dress at ang Charles and Keith ko na wedge. Sapat na porma lang para sa isang biglaan na lakad. Nagpaalam na ako kay daddy at nagpahatid na ako sa driver ko sa may coffee shop.

Naghintay ako sa may table outside the coffee shop. Ilang sandali lang ay dumating na ang sasakyan ni Harold. Ang buong akala ko siya ang bababa para sunduin ako pero nagtaka ako nang ang driver niya lang ang bumaba at lumapit sa akin.

"Ma'am Jannea, tara na po. Pinapasundo po kayo ni Sir Harold." Bati sa akin ng driver.

"Pero teka, nasaan po siya manong?" Tanong ko.

"Sabi po kasi sa akin ni Sir 'wag ko daw po sasabihin sa inyo. Basta dalhin ko lang daw po kayo doon. Pasensya na po ma'am. Tara na po." Paliwanag niya.

Sumama na ako at sumakay sa kotse. Kinuha ko ang phone ko sa bag para tawagan si Harold pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko at ang mga text ko. 

Nakarating na kami sa venue. Isang art gallery. Nagtataka ako kung bakit kami nandito at bakit hindi nalang sa gallery niya.

Pumasok ako sa gallery. Nakapatay ang ilaw at pagbukas ko ng pinto ay biglang bumukas ang mga ilaw. Nakita ko ang mga paintings na nasa dingding. Parte ng mukha ng isang babae. Ang mata, ilong, labi at ang ngiti at ang pagluha ng babae, lahat yun ay parte ng mukha ko. 

Nakaramdam na naman ako ng koneksyon sa mga paintings kagaya ng naramdaman ko nung pumunta ako sa gallery ni Harold sa Paris at nang nakita ko si Harold sa tabi ko at kausap ko. Siya yung may-ari nung gallery na nakita ko news paper sa Paris at siya yung kausap ko habang nakatitig ako sa painting ng isang babae na nakatayo at nakaharap sa sunset sa may beach.

Napahinto ako sa isang malaking painting, isang malaking painting ng sarili ko habang nakangiti. Nagulat ako ng biglang lumabas si Harold mula sa likod ng painting at lumapit siya sa akin.

"Nagustuhan mo ba?" Nakangiti niyang tanong sa akin.

Napatango nalang ako habang naiiyak dahil sa tuwa at pagkaflattered ko sa ginawa niya.

Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan niya ang luha ko. "Bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba nung mga ginawa ko? Pangit ba?"

"Nakakainis ka! Bakit mo ginawa lahat 'to? Ako ba talaga ang mga yan? Bakit ang ganda ko diyan?" Biro ko habang pinupunasan ko ang mga luha ko.

"Maganda ka naman talaga, Jannea. Noon pa man maganda kana. Magandang maganda." Nakangiti niyang sabi sa akin at niyakap niya ako.

"Tara, may susunod pa tayong pupuntahan." Tinakpan niya ang mga mata ko gamit ang kamay niya.

"Saan ba tayo pupunta, Harold? Ang dami mong pauso ha. Baka madapa ako."

"Wag kang mag-alala, hindi ko hahayaang masaktan ka."

Naglakad kami hanggang sa maramdaman ko nalang na nakatapak na kami sa isang madamong lugar. Tinanggal ni Harold ang mga kamay niya sa mga mata ko at nasurpresa ako sa nakita ko. 

Nasa isang magandang hardin kami. May fountain, puno ng mga magagandang bulaklak na humahalimuyak sa bango at sa gitna ay may nakalatag na kulay pulang tela at may basket sa gitna.

Hinawakan ni Harold ang kamay ko at lumapit kami sa lugar kung nasaan ang tela at saka kami umupo.

"Nagustuhan mo ba, Jannea?" Tanung ni Harold.

"Anong meron? Birthday mo?" Biro ko sa kanya. Pero hindi ko maitatanggi na ang ganda ng ginawa ni Harold.

"Hahahaha! Hindi. Ano, nagustuhan mo ba?"

"Oo. Maganda yung mga bulaklak este yung ito, lahat ng ginawa mo dito." Sagot ko.

"Tara, kumain na tayo." Binuksan niya yung basket. "May cake dito, yung favorite mo. Yung Choco Truffle cake."

"Paano mo nalaman yung favorite ko? Hindi ko naman yan sinasabi sa'yo ha?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi mo na kailangan sabihin sa akin. Naaalala mo ba noon kapag kumakain kayo ni Allen sa labas napansin ko lang na yan ang palagi mong inoorder at kahit nung nasa Paris tayo yan parin yung inorder mo nung niyaya kita na kumain. Kaya naisip ko na favorite mo talaga yan." Nakangiti niyang sagot sa akin.

"Bakit ka ganyan Harold? Bakit alam mo kahit mga simpleng bagay sa buhay ko? Napansin ko lang na parang mas kilala mo pa ako kesa kay Allen." 

"A-a-ano? Ah-eh-wala lang. Observant lang talaga ako." Palusot ko.

Kumain na kami ni Harold at nagkwentuhan kami pagkatapos namin kumain. Aaminin kong nagiging masaya ako ngayon kapag nakakasama ko si Harold. Pakiramdam na hindi ko naramdaman kay Allen kapag kasama ko siya.

Umalis sandali si Harold dahil pupunta daw siya sa rest room. Nagulat ako nang pagbalik niya ay may hawak na siyang isang bouquet ng tulips at agad niya itong inabot sa akin.

"Tulips. Favorite flower ko 'to. Paano?..." Pinutol niya ang pagsasalita ko.

"You don't have to ask. Basta, alam ko. Okay?" Sabi niya.

"Eh bakit may flowers pa? Hindi pa naman ako mamamatay diba?" Biro ko.

"No. Of course. Matagal ka pang mabubuhay."

Lumapit siya sa akin at hinawaka niya ang mga kamay ko. Sobrang lapit na halos naamoy ko na kung gaano siya kabango. Bigla siyang lumuhod sa harapan ko.

"Ms. Jannea Rodiguez, hindi ko na kayang itago. Sasabog na ako kapag hindi ko pa 'to nasabi sayo... Jannea, I love you..."

Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa mga oras na ito. Pero isa lang ang alam ko. Parang gustong lumabas ng puso ko mula sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok nito.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin at hinalikan niya ako. Isang matamis na halik na naging dahilan para manghina ako. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Uy kilig. Mga kinikilig. Hahaha!

Kay sweet naman ni Harold, no?

More twists and turns coming SOON! 

Kaya po stay put lang po kayo mga readers. 

Feedback naman po diyan. Hehehe! :)

Salamuch po! Mua! :*

Sweet Discovery (KathNiel)Where stories live. Discover now