Chapter 18

556 7 6
                                    

*JANNEA'S POV*

Ilang araw narin akong walang communication kila Harold at Allen. Mabuti narin 'to para naman makapag-isip ako ng maayos at ng makalimutan ko na ang lahat ng hindi magandang nangyare sa akin.

Palagi akong tinatawagan at tinitext nila Harold at Allen pero pinipigilan ko ang sarili ko na sagutin ang cellphone ko. Kapag naman tumatawag sila sa bahay, palagi kong pinapasabi sa maid namin na umalis ako.

Nagpaalam ako kay daddy na magbabakasyon muna ako sa rest house namin sa may Ilocos.

Pinayagan naman ako ni daddy, kaya eto, nagmamaneho na ako papunta ng airport para sumakay sa private plane ko papuntang Ilocos.

Pero bago ako dumiretso sa airport ay naisipan kong puntahan si mommy sa puntod niya para magpaalam dahil ilang araw din akong hindi makakadalaw sa kanya.

"Hello mommy! Kamusta na po kayo? Ako po, eto papunta na po ako ng airport ngayon. Pupunta po kasi ako doon sa rest house natin sa Ilocos para magmuni-muni at makapag-isip. Mamimiss kota mommy, kasi ilang araw din akong hindi makakadalaw sa iyo dito. Pero promise ko po sa inyo na pagbalik ko dito ay hinding hindi na po ako iiyak. Magiging matatag na po ako. Sige po mommy, alis na po ako. Bye! I love you po."

Pabalik na sana ako sa kotse ng bigla nalang sumakit ang ulo ko. Sobrang sakit na para bang hinahati ang ulo ko. Bata palang ako ay nararamdaman ko na ito.

Sa tuwing sumasakit 'tong ulo ko ay si mommy lang ang nakakaalam kung ano ang dapat gawin para mawala ito. Sa sobrang sakit ng ulo ko ay bigla nalang nagdilim ang paningin ko at hindi ko na alam ang mga sumunod na nagyari sa akin.

Nagising nalang ako na nakahiga sa kama. Biglang may lumapit na lalaki sa akin. Ang tantsa ko ay halos kasing edad ko lang siya, matikas ang katawan, pormal ang suot niya, nakasalamin at hindi ko maikakaila na may itsura siya.

"Miss, mabuti naman at gising kana." Nginitian niya ako at saka siya lumabas para tawagin ang nurse.

Linapitan ako ng nurse at inobserbahan ako at binigyan ako ng gamot. Pinilit ko ng tumayo para makaalis na ako papuntang airport pero bigla akong hinarang nung lalaki. "O miss, teka lang, hindi ka pa daw pwedeng umalis ng ospital sabi nung doktor."

Tiningnan ko siya at sabay taas ko ng kilay sa kanya. "Huwag mo nga akong pakialaman, pwede? Ano 'to, simpleng sakit lang ng ulo babawalan na akong umalis? Saka pwede ba, kung sino ka mang tambay sa kanto, please lang pabayaan mo na ako at umalis ka diyan sa harapan ko!" Pagtataray ko.

Hindi parin siya umalis at pinilit niya parin akong ihiga sa kama."Huwag ka ng makulit, Miss. Kung hindi mo pa ako kilala, sige magpapakilala ako. Ako nga pala si Kenneth Velasco at hindi ako tambay sa kanto kagaya ng sinasabi mo kanina. Anak nga pala ako ng may-ari ng Velasco Realtors Inc., ang pinaka sikat na real estate company dito sa Asia. May I know your name Ms. Beautiful?" Nagsmirk siya at inabot ang kamay niya sa akin.

Tiningnan ko lang ang kamay niya at saka ako bumulong. "Mamatay na nagtanong..."

Tiningnan niya ako. "May sinasabi ka?"

Ngumiti lang ako at sabay sabi, "...wala, wala akong sinasabi. Ang sabi ko lang wala akong pakialam kung ano pa yang pagmamay-ari niyo. Hindi ko din naman kasi tinatanung at wala akong balak malaman. Kung gusto mong malaman kung sino ako, ako si Jannea Rodriguez, I think I don't have to tell you what we've got because everyone knows it." Binigyan ko siya ng isang develish smile.

Napatakip siya ng bibig at biglang nanlaki ang mga mata niya. "I-i-ikaw yung sikat na model, designer, endorser at pati rin ang pinaka sikat na make-up consultant dito sa Asia, Paris at New York at kung hindi ako nagkakamali, kayo rin ang may-ari ng world's #1 airport at kayo rin ang may-ari ng #1 mall dito sa Pilipinas. Grabe! Nice meeting you, Ms. Rodriguez. Tama nga sila, mala-dyosa ang kagandahan mo. Kaso sayang kasi ang sungit mo naman."

"Haha! Who cares? I don't ask for your opinion. Anyway, thank you nga pala for helping me." Nagsmirk ako sa kanya.

Tumawa siya at naupo sa upuan na malapit sa kama ko. "Haha! Mabait ka din naman pala. Marunong ka din naman palang mag-thank you. Akala ko kasi nakalimutan mo narin kagaya ng sakit mo..." Napatakip siya ng bibig. "Oopps. Sorry, nadulas ako."

Kumunot ang noo ko at tiningnan ko siya ng seryoso. "Anong sinasabi mong sakit ko? Sa huling pagkakaalam ko, wala akong kahit anong sakit. Ano 'to, pinagtitripan mo ba ako? Okay na sana na tinulungan mo ako e. Kung biro man to, hindi siya nakakatuwa."

Naramdaman ko na nangingilid na ang luha mula sa mga mata ko. Nagsisimula narin akong makaramdam ng takot. Kailangan ko si mommy, kailangan ko ng kasama, kailangan ko ng taong yayakap sa akin at magcocomfort sa akin ngayon.

Wala si daddy, nasa Paris, wala rin si Valerie, ang best friend ko dahil nasa US siya. Nanginginig kong hinanap ang cellphone ko sa bag at saka ako nagdial ng number.

Nagring ang phone, mukhang wala yatang sasagot. Pero bago ko iend ang call ay may biglang nagsalita. "Hello. Hello. Hello. Jannea, are you there? Where are you? What happen? Hello?"

Napapikit ako at naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha dahil sa boses na narinig ko mula sa kabilang linya.

Pinilit kong magsalita kahit na nanghihina na ako. "He-he-hello, Ha-ha-harold?"

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*KENNETH VELASCO'S PICTURE ON THE SIDE :) >>>>>>*

AYAN HA, UPDATE KAAGAD. HEHE! BUMABAWI LANG AKO. :D

PABITIN MUNA ULIT PARA ABANGAN NIYO PARIN YUNG SUSUNOD NA CHAPTER. HEHE!

SALAMAT PO SA LAHAT NG NAGBABASA NG STORY KO.

SOBRANG NATUTUWA PO TALAGA AKO LALO NA KAPAG NAGREREACT PO KAYO SA STORY.

IBIG SABIHIN DAW KASI NUN MAGANDA. HAHAHA! ^_^v peace.

MAS LALO PO AKONG NAIINSPIRE DAHIL SA INYO. SALAMAT TALAGA!

DAHIL DIYAAAAN! SISIMULAN KO NANG MAGDEDICATE SA BAWAT CHAPTER KO. ;)

GUSTO NIYO YUN? HIHI. <3

LOVE,

THEGIRLINWHITEDRESS

Sweet Discovery (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon