Chapter 13

574 11 3
                                    

Update! :)

Para mas mafeel niyo ang pagbabasa play niyo din yung video sa side >>>>

Medyo natagalan ang update ng lola niyong maganda dahil sa dami ng trabaho. Hehehe! 

Pwede magsorry? Maraming salamat po sa mga nagbabasa, nagvote at sa mga nag-add nitong story ko sa mga library nila. I love you all! :*

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*JANNEA'S POV*

Inalis ni Harold ang pagkakahalik niya sa akin. Nanatili lang akong nakayuko dahili hindi ako makatingin sa kanya. Hindi ko alam kung paano ako titingin sa mga mata niya.

Hinawakan ni Harold ang mukha ko atsaka niya ako tiningnan. Pilit kong iniiwas ang tingin ko sa kanya pero pilit akong hinaharap ni Harold sa kanya.

"Jannea, look at me." Sabi ni Harold.

At tiningnan ko ang mga mata niya na wari'y bintana mula sa kanyang puso at nagpapakita kung gaano niya ako kamahal.

"Listen Jannea, lahat ng narinig mo kanina, totoo yun. Mahal kita. Mahal na mahal na mahal kita. Hindi ko kayang nakikita kang nasasaktan. Hindi ko kayang nakikita kitang umiiyak. Hindi ko alam kung bakit pero simula nung nakita kita nung high school palang tayo, hindi kana naalis sa isip ko." Paliwanag ni Harold.

"But... Harold... Parang hindi tama ito." Sagot ko sa kanya.

"Bakit? Anong mali dito Jannea?" Tanong niya.

"Kakambal mo ang lalaking minahal ko... Ang lalaking pinipilit ko paring kalimutan hanggang ngayon." 

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak nalang ako at niyakap niya ako. "Alam ko yun Jannea. Naiintindihan ko ang lahat. Handa akong maghintay hanggang sa dumating ang panahon na matutunan mo rin akong mahalin." 

Umalis ako sa pagkakayap ko kay Harold. "Hindi ko maintindihan Harold, kung paano at kelan mo ako minahal? All this time akala ko kaya ka nasa tabi ko palagi ay dahil kaibigan kita." Tanong ko sa kanya.

"I'll explain eveything to you, Jannea."

*FLASHREWIND*

*HAROLD'S POV*

1st day ng class noon, uwian na kaya naghihintay ako sa may parking area dahil wala pa si Allen. Habang hinihintay ko siya nakita naman kita na papatawid papunta sa parking. Nung mga oras na yun parang huminto ang lahat, ang oras, ang mga naglalakad na tao, at ang mga puno at halaman ay para bang nakikinig sa tibok ng puso ko.

Nakatitig lang ako sa'yo noon hanggang sa dumaan ka sa harapan ko. Gusto sana kitang lapitan noon at tanungin ka kung ano ang pangalan mo pero natakot ako dahil parang ang sungit mo at pakiramdam ko any moment na kausapin kita ay mapapahiya ako, kaya naman nakuntento nalang ako na titigan ka.

Isang araw habang nasa mall ako nakita ko kayo ng kakambal ko na magkasama. Lalapitan ko sana kayo pero pinanghinaan ako ng loob. Kaya naman hinintay ko nalang na umuwi ng bahay si Allen at kwinento niya sa akin na nililigawan kana niya. Nalungkot ako nung nalaman ko yun. Iniisip ko na, sana nung una palang nakipagkilala na ako sa'yo.

Pinaubaya na kita sa kanya kahit alam ni Allen na mahal din kita. Dahil ako ang kuya at dahil siya ang nauna sa'yo, pinabayaan ko nalang na ipagpatuloy niya ang panliligaw niya sa'yo. Wala naman akong magagawa dahil hindi mo ako kilala. Masaya na ako na nakikita kitang masaya kasama ang kakambal ko.

Lumipas ang mga panahon at naging masaya nalang ako para sa inyo ng kapatid ko. Nakuntento nalang ako na napapansin mo ako at nakakausap kita. Masaya rin ako kapag nakakasama ako sa date niyo ni Allen. 

Nung nagcollege na tayo pinilit kong baguhin ang sarili ko. Mula sa pagiging nerd ay binago ko ang sarili ko bilang isang napormang lalaki. Nagbaka sakali ako na bigla mo akong mapansin. Tinuloy ko ang pagpipinta ko hanggang sa makilala ako at magkaroon ng sarili kong gallery.

Nagkaroon din ako ng girlfriend. Si Valerie. Siya yung first girlfriend ko. Pero kahit na may girlfriend na ako, ikaw parin ang iniisip ko.

Madalas din kitang subaybayan noon ng hindi mo alam. Minsan kapag nagpupunta ka sa bar kasama ang mga kaibigan mo sumusunod ako para tingnan kung magiging okay ka lang at kung makakauwi ka kapag nalalasing kana, at kapag nalalasing kana binubuhat na kita at hinahatid na kita sa bahay niyo.

Natutuwa din ako kapag humihingi sa akin ng tulong para sa mga assignments mo lalong lalo na kapag drawing ang kailangan mo. Naiisip ko noon na sana palaging kayong may assignment na drawing para kahit sandali lang makasama kita.

After graduation naghiwalay kami ni Valerie. Nalaman niya kasi na ikaw talaga ang mahal ko. Nakita niya yung mga paintings mo na ginawa ko. Nagtalo kami at inamin ko sa kanya na mahal kita.

At nung nakita kitang umiiyak sa may elevator, hindi ko na pinalampas ang pagkakataon para icomfort kita at para maging close tayo. Pero hindi ko inisip na agawin o sulutin ka sa kakambal ko.

Masaya ako na naaalagaan kita at naging magkaibigan tayo. Pero, hindi nawawala ang pagmamahal ko sa'yo.

*END OF FLASHREWIND*

"Hindi ko alam at hindi ko napansin na ganun mo pala ako kamahal." Niyakap ko si Harold.

"Hindi mo talaga dapat malaman yun dahil ayaw kong guluhin ka at ang nararamdaman mo. Kaya pinili ko nalang na mahalin ka patago." Sabi ni Harold.

Hindi ko mapigilan ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko. Iniisip ko na sana si Harold nalang yung minahal ko. Siya nalang si Allen at kung siya si Allen, siguradong hindi ako masasaktan ng ganito.

"At ngayon na binigyan na ako ng oras at panahon ng pagkakataon, hindi ko na pinalagpas. Pero kung hindi ka pa handa, maghihintay ako Jannea." Hinawakan ni Harold ang kamay ko at hinalikan niya.

"Maraming salamat sa pagmamahal mo. Sa patago mong pagmamahal para sa akin." Yan lang ang mga huling salita na nasabi ko kay Harold dahil inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at saka ako umalis at tumakbo palayo sa lugar kung saan niya ako dinala. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sweet Discovery (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon