CHAPTER 57: The Last Resort

28.7K 443 45
                                    

********

'Balae...' Min calls Karla as Kath sleeps inside her hospital room. Halata ang lungkot sa boses nito.

'Yes Ate Min?' Lumabas muna si Karla mula sa kwarto ni DJ na kasalukuyang kinakausap ng isang Psychotherapist.

'Kamusta na si DJ?'

'Ok naman na sya Ate Min. Pagkatapos nitong session niya with a Psychotherapist, pwede na daw umuwi. Observe na lang namin siya sa bahay kung magsusuka o manlalabo ang mata o biglang matutumba kasi medyo hindi nga maganda yung tama ng noo nya dun sa bathtub nya.'

Tumatango tango lamang si Min habang pinakikinggan ang kausap.

'Nalaman na nga pala ni Kath.' Sundot niya habang pinupunasan ang luhang unti unti nang dumadaloy sa kanyang pisngi.

Naalarma naman ang ina ni DJ sa narinig.

'Naku Ate...'

'Nagbukas ng IG e. May mga nag-comment. May bumanggit na nag-suicide daw si DJ.'

Napailing na lamang si Karla.

'Andito kami sa ospital ngayon. Isinugod din namin si Kath kanina.' Patuloy ni Min.

Namutla si Karla.

******

Matapos ng psychotherapy session ni DJ ay agad na bumalik si Karla sa loob ng kwarto nito. Hawak pa rin ang cellphone, umupo siya sa tabihan ng panganay at pinisil ang balikat nito.

'Uwi na tayo Ma. Facetime ko na si Kath. O kaya, ngayon na lang. Kaso mahina ang signal dito e.' Sabi nito sa ina. 'Sabi nung doctor kanina, nakita daw niya yung post nung asawa ko sa IG. DJ II daw yung tawag kay baby. Oha! May junior na ako Ma.'

'Anak.'

'Yes Ma? Magaan na yung loob ko ngayon. Ang sarap palang makipag-usap sa mga ganun? Akala ko kasi dati pang-baliw lang yun e. Kada oras ang bayad tap---.'

'DJ, isinugod sa ospital si Kath kanina.'

'Po?' DJ blinks, trying to comprehend what his mother just said.

'Nakarating sa kanya yung tsismis na you've committed suicide. Sumama daw yung pakiramdam sabi ni Ate Min.'

Parang sinuntok sa dibdib si DJ dahil sa narinig. Sa lahat ng kinatatakutan niya, yun ang pinakaayaw niyang mangyari. Inihanda niya ang sarili sa sagot na maaaring kanyang marinig sa kanyang sunod na tanong.

'Kamusta na po si Kath?'

'Ok naman na si Kath.'

'Yu-yung baby namin?'

********

'At sa Star News, Teen King Daniel Padilla, nakalabas na sa ospital.' The female showbiz anchor of a primetime news show announces as compiled file videos of DJ flash to the screen.

'Dalawang araw matapos makabalik ni Daniel from Alaska kung saan kasalukuyang nakabase ang girlfriend nyang si Kathryn Bernardo who is 6 month pregnant with his child, isinugod sa ospital ang Teen King. Kwento ng ina niyang si Karla Estrada, nakita niya si DJ na walang malay sa loob ng banyo nito at may sugat sa may bandang noo. Dagdag pa ni Karla after DJ receives 12 stitches sa naging sugat, nadulas ang anak sa loob ng banyo at tumama sa edge ng kanyang bathtub ang kanang bahagi ng noo ni DJ. Taliwas ito sa pumutok na balitang nagtangkang mag-suicide ang Teen King dahil diumano ay nagkakalabuan na ito at si Kathryn.

Pinabulaanan ni Karla lahat ng issue at kinuwentong masayang masaya ang anak dahil lalaki ang magiging panganay nito. Naikwento din ni Karla na may napili na ding pangalan for their first born ang Royal Teen couple.'

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Where stories live. Discover now