CHAPTER 53: Those First Three Days

30.9K 473 44
                                    


***********

Mabigat ang loob na iminulat ni DJ ang mga mata kinaumagahan. Agad na hinagap ang tabihan sa kamang tinulugan upang yakapin ang asawa. Ilang oras na lamang ay tutulak na patungong Alaska si Kath at ang kanyang Tita Min. Ilang oras na lamang ay maghihiwalay na sila.

***FLASHBACK***

'Ba, di ko na ba talaga kayo mapipigilan?' Tanong ni DJ matapos nilang makauwi mula sa Tagaytay kung saan nakatayo ang nabili niyang bahay.

Tiningnan lamang siya ni Kathryn. Saka ito umiling.

'Mas okay na muna siguro na ganito DJ.' Sabi niya.

Sinubukan ni DJ na magpakatatag sa panahong iyon. Pero bigo siya. He slumps down on the bed and buries his face on his palms. Maya maya pa ay yumugyog na ang mga balikat nito.

'Ba, hindi ko talaga kaya.' He cries like that of a 4 year old kid who was deprived of his favorite something.

Napaluha na lamang din si Kathryn bago tumabi sa asawa.

'Nasanay na ako na araw-araw nandito ka sa tabi ko. Tatlong taon Ba, tatlong taon na tayong dalawa ang laging magkasama. Ba, hindi ko talaga kaya.' Iling niya.

'Pero kakayanin mo diba?' Kath holds his hand and presses it on her lips. 'Please Babe, kayanin mo. Kasi ako, pipilitin ko.'

DJ sniffs and looks at Kath. Basag na basag ang puso ni Kathryn sa nakikita. It was very rare for him to tear up. But in that moment, he was weeping. He was wailing. He looks hopeless.

'Napag-usapan na natin 'to diba?' Kath cups his face and stares at him, trying with all her might not to give in with the emotions. 'Diba bibisitahin mo naman ako? Diba pag lalabas na si Baby, nandun ka rin sa tabi ko? Tapos babalik kami dito. Tapos forever na natin diba? Babe naman... Tama na please.' Try as she may, her eyes gave up as well as she bursts out into tears.

Hindi na muling nagsalita si DJ. Ikinulong na lamang niya sa bisig ang asawa.

And they fell asleep like that.

***END OF FLASHBACK***

'Ba...' Tawag ni DJ matapos di madatnan ang asawa sa tabi. 'Ba, Mahal. Love...' Ulit niya.

Napangiti siya ng bumukas ang pintuan ng toilet. Ngiti ang isinalubong sa kanya ni Kath pagkalabas nito.

'NagCR lang sandali.' She murmurs, crawling back to bed and settling herself beside him.

'Ba, I've changed my mind.'

'Huh?'

'Pagkalabas ni baby, wag na muna natin sundan.'

'Ano na namang naiisip mo Daniel John Ford?'

'Kasi pag nabuntis ka uli agad, paano na kita maa-araw araw?' Pilyong tanong nito bago kumindat.

'Hay nako. Yan ka na-- AHHHHHH!' Tili ni Kathryn.

Nakapagtalukbong na ng kumot si DJ at kasalukuyan na siya nitong pinupupog ng halik sa lahat ng parte ng katawan na naaabot ng kanyang labi.

'DJ! Hahaha! Wag dyan! Hahahaha!' Hagikgik ni Kath dahil hinahalikan na nito ang kanyang tyan.

*********

'And in our CinemaScoop's Headlines...'

A female host starts in one cable channel's showbiz news program.

'Did Kathryn Bernardo and Daniel Padilla really tie the knot? Our CScooper Marian Lazaro has a special report on that.'

A special video report is being shown. The 'CScooper's' voice over starts.

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon