CHAPTER 58: The Final Wave (Part 1)

30.7K 503 38
                                    


********

Nasa kalagitnaan ng pagre-record si Daniel ng bagong kanta para sa kanyang pang-apat na album nang pumasok sa studio ang isang hindi niya inaasahang bisita.

'Mr. M!' Bati nya sa kapapasok pa lamang. Tinapik naman siya ng huli sa kanyang balikat.

'Kamusta ang daddy to be?' Tanong ng starmaker.

'Masaya po. Masaya.'

'DJ, pwede ba tayong mag-usap lang sandali?' At bumaling ito sa lalaking nakaupo sa may couch. 'Rox, pahiram muna kay DJ, pwede ba?'

Nag-thumbs up naman ang tinanong at tumango.

'Saan po tayo?' Magalang na tanong ni DJ.

'Magkape tayo sa labas.' At agad na itong lumabas mula sa studio, kasunod si DJ.

They ended up in a cafeteria near the vicinity. Nag-request ng isang private area si Mr. M at dun sila nag-usap ni DJ.

'So...' Panimula nito habang hinahalo ang isang tasang brewed coffee na in-order.

Nasa harap naman ni DJ ang isang tasa ng mainit na tsaa.

In that moment, gustong dugtungan ni DJ ng 'what' ang sinabi ng kaharap. Napangisi sya.

'Anong nginingisi ngisi mo dyan?' Nakakunot noong tanong ni Mr. M.

'Wala po.' Iling ni Daniel.

'Sabi ni Luz, nanghihingi ka daw ng bakasyon?'

'Opo.'

'Gusto mo daw manatili sa Alaska hanggang sa makapanganak na si Kath. Tama ba?'

'Opo. Konting panahon na lang din naman po yun. 2 and a half months na lang. Kung pwede po sana akong mag-leave hanggang 6 months, ikakasaya ko po talaga yun.'

'E kung hindi ako pumayag?'

'Magwawala po ako.' DJ half-kiddingly says.

Tumango lamang si Mr. M bago muling nagsalita.

'DJ, what would you say kung sabihin kong papayagan kita sa gusto mo.'

'Po?' His eyes widened in surprise.

'You can go back to Alaska to be with Kath hanggang sa makapanganak sya. Pwede ka ring mag-stay dun after para makapag-spend ng time with your baby.'

Hearing all those things were like music to DJ's ears. However...

'Ano pong catch? Uunahan ko na po. Ayaw ko po ng bagong loveteam.' He tried to sound as if he's joking. He meant business, nonetheless.

Mr. M laughs heartily. DJ decided that the old man took it as a joke.

'Alam ko namang hindi ka papayag. Kaya nga inuuna na lang natin yang mga singing singing mo na 'yan.' Sabi sa kanya ni Mr. M.

'So ano nga pong catch?' Napakamot na siya sa ulo. Aligaga sa kung anong pwedeng ihaing options sa kanya ng matandang lalaki.

'Let's schedule you for an interview sa The Buzz.' Nagseryoso bigla si Mr. M. Pinagsuklob nito ang dalawang kamay.

'Live po?'

'Bakit hindi?'

'Tungkol po saan?'

'Let's tell everyone about your wedding. Para mawala na ang negative impressions sa inyo ng mga tao after your 'alleged' suicide and Kath's 'false' miscarriage.'

Parang nabunutan ng tinik si DJ dahil sa narinig.

*************

'Mga kaibigan, this afternoon, kasama muli natin ang Teen King na si Daniel Padilla.' Boy announces as he, Kris Aquino and Toni Gonzaga huddle around that small and tall table on the center of the platform. Behind them was a huge LED screen where The Buzz title card flashes.

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon