CHAPTER 32: Of Shifts and Gossips

42.7K 434 19
                                    


******
'TENEN!'

DJ beams as he presents Kath the perfect grilled cheese he must have made his entire life.

'Di lang full of cheese yan. Full of love pa.' Ngiti niya habang tinatanggal ang suot na apron. 'Maya ng onti mo kainin ha. Medyo mainit pa.'

'WOW! Pwede na mag-asawa ang tatay ko.' Kath exclaims as she rubs her palms together. 'Tikman ko na babe. Excited na ako e.'

'Mainit pa. Baka mapaso ka nung cheese sa loob pag kinagat mo.'

Ngumuso si Kathryn bago isinubsob ang ulo sa counter top.

'Gutom na gutom na si baby.' She murmurs while rubbing her stomach.

'Hay naku!' Kamot ni DJ sa ulo bago kumuha ng tinidor. 'Sige na nga.'

Pumiraso siya sa tinapay at hinipan ito.

'O baby, say Ah na!' Sabi niya matapos palamigin ang piraso ng grilled cheese.

Iniangat ni Kathryn ang ulo at tumingin kay DJ. Saka to umiling.

'Ayoko na.' Sabi nito na tila nagtatampo. 'Wala na akong gana.' She stands up after and stomps her way out of the kitchen.

'Ang labo!' DJ annoyingly says.

It was a wrong move though. Ipinaling ni Kathryn ang kanyang tingin kay DJ at napansin agad ng binata ang namumuong mga luha sa mga mata ng kasintahan.

'Eto na naman tayo...' He murmurs as he follows her walking back to her room. 'Baby naman o...'

Nagulat si DJ nang pagbagsakan siya ni Kathryn ng pinto.

'Kath...' Katok nya sa pintuan. 'Baby naman o.' And he raps on the door again. 'Yung cellphone ko! Pakilabas!'

Ngunit bago bumukas ang pinto ng kwarto ni Kathryn ay ang pinto naman ng katabing silid ang bumukas.

'Hindi pa nga kayo kasal tol, outside the kulambo ka na agad.' Pang-aasar ng kakalabas pa lamang na si Kevin.

'Sorry kuya. Nagising ka ba namin?' Nag-aalalang tanong ni DJ.

'Hindi naman. Nauhaw lang ako. Baba lang ako sandali.'

Tumango lamang si DJ at patuloy nang kumatok sa pinto ng kwarto ng kasintahan.

'Eto na ang cellphone mo.' Padabog na sabi ni Kathryn nang buksan ang pinto. Ibinato pa nito kay DJ ang iPhone at sapol naman sa dibdib ang boyfriend.

'Masakit yun ha!' Inis na sabi ni DJ matapos damputin ang bumagsak na telepono sa sahig. 'Kathryn, lumabas ka dyan.' Katok niyang muli dahil nagkandado na naman sa loob ang dalaga.

'Nakakainis ka Daniel Padilla! Umalis ka dyan! Umuwi ka na! Iwanan mo na lang kami dito. Hayaan mo na lang kami magutom ni baby! Bahala ka!'

'Ba naman...' Halos nagmamakaawa na ang tono ng boses ni DJ. 'Please. Buksan mo na ang pinto o! Di na mauulit! Kung gusto mo kumain kahit masugatan ang dila mo, ok lang! Hindi na kita pipigilan!'

'A ewan! Tsehhh!'

'Ano ba naman to...' Naiiyak na bulong ni DJ habang papalakad sa may terrace. 'Hello Ma!' Bati niya sa tinawagan ilang sandali pa.

'Punyeta Danilo! Ang aga aga mo a!' Imbyernang sagot ng kanyang ina sa kabilang linya.

'Good morning din sa'yo Karla!'

'Isa Danilo! Ibababa ko 'to.'

'Ma waitttt...'

'Ano nga?' Karla asks, sleep still evident in her voice.

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon