CHAPTER 37: Out In The Open (Part 1)

40.2K 444 36
                                    


************

Katatapos lamang ayusin ang studio kung saan ite-tape ang interview ni Kathryn with Boy Abunda para sa The Buzz nang dumating doon sina DJ at Kathryn. Nakasunod naman sa kanila si Min.

'Hi Kathryn, hija!' Bati ni Boy sa kanya bago siya niyakap. 'DJ, Mama Min.' He also acknowledges the presence of the two.

'Eto po pala yung flow nung interview.' Sabi ng isang staff matapos iabot kay Min at Kathryn ang ilang sheets of paper.

'Magsabi lang kayo if you need anything. I think, we'll be rolling after 30 minutes. May titingnan lang ako sandali.' At tumalikod na sa kanila si Boy.

Naupo sina Kathryn sa isang sulok ng studio at binasa nila ang nilalaman ng mga papel na iniabot sa kanila kani-kanina lamang.

'Patingnan.' Sabi ni DJ kay Kathryn bago ito sumilip sa papel na binubuklat ng nobya.

Iniabot ni Kath kay DJ ang papel at binasa iyon ng binata.

'Kinakabahan ka?' Nag-aalalang tanong ni DJ kay Kathryn habang hawak hawak ang kamay nito.

Umiling si Kath bago ngumiti.

'Wala ng urungan 'to.' She mumbles.

*************

The Buzz titlecard.

Tito Boy's voice over. Tabloid articles flashed onscreen.

'Nagsimula sa mga blind items. Diumano, isang sikat na sikat na teen actress ang nagdadalang tao. Naglabasan ang mga clues. And all clues lead to the name of a young actress who just turned 18.'

A blurred picture appears and then clears up.

'Teen Queen Kathryn Bernardo, nagdadalang tao nga ba? Dito lang sa The Buzz!'

Kathryn is sitting on a couch while Boy was on a wooden chair.

'Hello Kathryn.'

'Hi, Tito Boy.' She smiles, slightly fidgeting on her seat.

'Ah, hindi ko na 'to patatagalin no, Kath. Para sa confirmation, just for the record, are you pregnant?'

Napaigtad muli si Kathryn sa kinauupuan. Halatang kinabahan siya sa tanong.

Isang munting tango kaakibat ang tatlong salita ang pinakawalang sagot ni Kathryn sa tanong ng host.

'Yes, I am.'

'How many months? Months na ba?'

'Seven weeks na po sya, going to eight so 2 months na po.' Kathryn smiles.

'Aw, congratulations. You seem so happy. At gumanda ka lalo ha?'

'Hahaha! Tito Boy talaga.' She giggles. 'Masaya po talaga ako. As in. A baby is a blessing po so talagang with open arms, tanggapin po natin.'

'How did your parents react with the news?'

A smiling Min with DJ on her side was suddenly shown onscreen. Both of them standing on one corner of the studio.

'Syempre nagulat po talaga sila sa simula. Akala ko po nung una, si Papa yung mahihirapang tanggapin yung nangyari. Turns out na mas chill pala sya. Si Mama, medyo naeskandalo.' Natatawang kwento ni Kathryn. 'Pero ok na ngayon. Diba, okay na Mama?' Kath turns to her mom who was shown onscreen again as she smiles and nods, with DJ still by her side.

'Si Mama, nakasmile na banda dun. Supportive talaga eversince. At si DJ, di talaga umaalis dun o.' Nakangiting sabi ni Boy. 'Kinikilig ako.' He gushes out.

Tawang tawa si Kathryn. Hindi niya akalaing magiging ganun kagaan ang interview.

'May mga pinaglilihian ka ba Kath?'

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon