CHAPTER 7: Locked In Love

58.5K 567 12
                                    

*****************

'Ba.' Pagsisimula ni Daniel. 'Sobrang sorry sa nangyari kanina. Nadala lang ako ng emosyon.' Pagpapatuloy niya. Napansin nya ang pamumula sa may bandang collarbone ng nobya. Lalo syang nagsisi. Napayuko na lamang siya at ibinaon ang mukha sa dalawang palad.

'DJ.' Malambing na tawag ni Kathryn. 'Sorry din. May kasalanan din ako. Look. Both of us are at fault. Please look at me Pottie.'

Iniunat ni DJ ang kanyang katawan at tumingin kay Kathryn.

'Sobrang mahal kita Ba. Ayokong isipin mo na kaya kita dinala dito sa Paris ay para masolo kita at gawin natin yun.'

'Hindi ko naman yun iniisip e. Pero just always remember Pottie na I love you so much ha? Sana wag mong isipin na kaya ayaw ko ay dahil hindi kita mahal. Hindi pa lang ngayon yung tamang panahon.' She smiles at him so sweetly kaya napangiti na rin si Daniel.

'So OK na tayo? Mamamasyal na tayo?'

Tumango si Kathryn.

'Give me 10 minutes. Mag-aayos lang ako.'

Tumayo si Kathryn mula sa couch at nagtungo na sa CR para magbihis at mag-ayos.

*****

Una nilang pinuntahan ang Pont des Artes. Ang pamosong tulay kung saan inilalagay ng mga magkakasintahan ang isang lock na may mga pangalan nila.

'Ako ang maglolock. Ikaw ang magtatapon ng susi.' Suhestyon ni Daniel habang naghahanap sila ng space kung saan nila pwedeng isabit ang kanilang lock.

'Sige. Eto baby o. Pwede dito.' Turo ni Kathryn sa isang maliit na espasyo.

Kinuha ni Daniel ang lock mula sa kanyang bulsa at lumuhod upang hanapin ang itinuro ni Kathryn.

'Dito ba?' Tanong nya.

'Yes. Dyan. Wait. Kuhaan kita ng picture. Kunyari stolen.'

Napangiti si DJ bago nagkunwaring hindi nya alam na pinipicturan sya habang ikinakabit ang lock.

Click.

'Ok na, bie?'

'Wait. One more. Tingin ka dito tas pakita mo yung lock natin.'

Sumunod naman si Daniel at tumayo na ito pagkatapos. Lumapit sa kanya si Kathryn at kinuhanan naman ng picture ang lock gamit ang kanyang phone. Ginawa nya itong wallpaper pagkatapos.

'O ikaw naman. Tapon mo na yung susi. Kuhaan din kita ng picture.' Sabi ni Daniel habang kinukuha ang camera mula kay Kathryn.

Humakbang patalikod si Daniel habang hinahanap ang magandang anggulo ng larawan. Pagkakita nya dito ay agad syang nagbilang.

'Ok babe. One. Two. Three.'

She smiles before she tosses the key to the Sein River.

*****

'Long day tomorrow.' Sabi ni Kathryn kay Daniel nang ihatid siya ng huli sa pintuan ng kanyang kwarto. 'Punta tayong Disneyland bukas diba, babe?'

Ngumiti si Daniel at masuyong hinalikan ang labi ni Kathryn.

'Goodnight Ba.' Huling sambit nya bago ito tumalikod at naglakad papalayo.

'Pottie.' Kathryn calls upon DJ's retreating back.

'Hmm?' Lingon nya.

'Goodnight. I love you. Mwahhhh!' At nagflying kiss sya sa kasintahan.

Nangingising sinalo naman ni Daniel ang flying kiss at inilapat ang kamay sa labi nya.

'Oh, goodnight na. I love you! Pasok na, Ba!'

'No. You first. I'll wait until masara mo yung door mo.' Iling ni Kathryn.

'Ay naku Kathryn ka. Wag ka na nga makulit. Pasok na.'

Nasa may pintuan na rin ng room nya si DJ.

'E kung sabay na lang tayo?' Ngiti ni Kathryn.

'Sige.' Pagsang-ayon ni Daniel. 'I'll count from one to three ha?'

'Ok!'

At pumuwesto na sila pareho sa loob ng kwarto nila ngunit nakabukas pa rin ang pintuan.

'Wait, Pottie. Saktong three ba natin isasara or after three?' Paglilinaw ni Kathryn.

'Saktong three.' Natatawang sagot ni DJ.

'OK!'

At sabay na bumilang ang dalawa.

Ngunit hindi sila sabay na nagsara ng pinto.

'Sorry ule, Ba.' Bulong ni DJ sa sarili bago tuluyan ng isara ang pinto ng kanyang kwarto.

*****

Nagising si Kathryn sa mahihinang katok sa may pinto. Bumangon siya sa kama at hinagod ng mga daliri ang mahabang buhok.

'Room service, madamoiselle.'

Binuksan ni Kathryn ang pinto at isang ngiti ang sumalubong sa kanya.

'Your breakfast madame.'

Pinatuloy ni Kathryn sa loob ang hotel staff na may dala dalang tray. Ipinatong nya iyon sa table na pangdalawahang tao at agad lumabas ng kwarto.

'Merci.' Pasasalamat ni Kathryn.

Isang ngiti lang ang itinugon ng Pranses bago ito umalis.

Tinungo ni Kathryn ang mesa at napangiti. Malamang ay paandar na naman ito ng kanyang nobyo dahil sa isang dilaw na rosas na nakapatong din sa tray. Napansin nya ang nakatuping papel at kinuha iyon.

'Ba,
May pupuntahan lang ako ha. Have your breakfast na. I love you. Mwah!
Your PotPot'

Lalong lumuwang ang ngiti ng dalaga dahil sa hindi inaasahang surprise mula sa nobyo. Umupo siya at nagsimula ng kumain.

*****

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon