CHAPTER 17: Refresher Course

46.2K 390 21
                                    

Chapter 17:

**********************

'Ma, eto na ba yun?!' Tanong ni Kath habang ipinapakita sa kanyang ina ang nasa kamay nya.

'Oo. Yan na yun!' Her mom smiles.

Kathryn shrieks while jumping up and down, her glee evident upon her face.

'I love you so much Mama! Thank you! Thank you!' At niyakap nya ang kanyang ina habang pinupupog ng halik ang pisngi nito.

'Kathryn tama na! Matulog ka na nga. Basta yung napag-usapan natin ha?'

'Yes Ma! Di ko po nakakalimutan. The best ka Mama!' At niyakap nya muli ito bago sya bumalik sa kanyang kwarto.

*****

Io-off na sana ni DJ ang kanyang lampshade nang marinig nya ang kanyang cellphone. Kinuha nya ito at agad na sinagot ang tawag mula sa katipan.

'Pottie! Guess what?'

Napangiti na lang si DJ dahil sa excitement sa boses ng dalaga.

'Ano yun Ba?' Malambing nyang tanong.

'Facetime tayo. Biglang gusto kitang makita.'

'Sige. Wait lang. Kunin ko headset ko. 30 seconds. Mwahhhh!'

Agad agad na ini-end ni DJ ang audiocall at sinet ang kanyang facetime.

'Look at this Pottie!' Sabi ni Kath habang ipinapakita kay DJ ang kanina pa nya hawak hawak.

'Yan na ba yung?'

'Uh-huh. Samahan mo ko bukas ha? Puntahan natin. Sabi ni Mama fully furnished na daw yun. Pero in case may mga kulang pa na gamit, makakabili agad tayo habang hindi pa busy.'

'Para lang tayong mag-asawa bukas Ba.' Natatawang sabi ni DJ.

'Huh? Bakit naman?' Kunot noong tanong ni Kathryn.

'E kasi, pupuntahan natin yung condo mo. Tapos mamimili tayo ng mga kung ano anong gamit. Para na tayong nagpa-practice.' Ngisi ni DJ. 'Pwede practice din tayo ng paggawa ng basketball team?'

'DJ naman e...' Namula bigla ang pisngi ni Kathryn.

'Joke lang. Hehe. Kala ko makakalusot.'

'Kapal ng mukha mo.' Ismid ni Kathryn sa kasintahan.

*****

Nag-aalmusal ang mag-iinang Karla, JC, Lelay at Magui when DJ joined them.

'O nak, bihis na bihis na naman? San ang punta?' Tanong ng kanyang ina matapos maupo ni DJ.

'Sunduin ko lang si Kath, Ma. Titingnan namin yung condo nya kung ok na lahat ng furniture. Para if ever hindi pa, masamahan ko na rin sya pamimili hanggang wala pa kami masyadong work.' Paliwanag nya habang nag-iisip kung anong kanyang kakainin for breakfast.

'Kuya, can Lelay and I join you and Ate Kath?' Tanong ni Magui.

'Maybe next time na lang Magui.' Agad na tugon ni DJ na ikinalungkot ng kapatid. Napansin iyon agad ng panganay kaya nag-isip ito ng maiging pambawi. 'Dalhin ko na lang dito si Ate Kath maya pag maaga kami natapos ha?'

'Promise Kuya?' Si Lelay.

'Of course. Pinky swear!' DJ exclaims, imitating Magui.

Naibuga ni JC ang iniinom na orange juice sa ginawa ng kapatid.

'Loko ka talaga Kuya.'

'Ikaw ba naman kasa-kasama mo sa bahay e conyo.' Turo ni DJ kay Magui.

'Tas paglabas mo ng bahay, yung girlfriend mo na parati mo ring kasa-kasama at halos kakabit na ng iyong bituka e conyo din.' Patuloy ni JC. 'Alam na.'

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon