CHAPTER 9: Morning After...

59.5K 544 19
                                    

************

Mangiyak ngiyak si Kathryn habang nakatungo. Katabi nyang nakaupo ang boyfriend sa sofa ng kanilang living room habang nasa harap naman nila pareho ang mga magulang niya.

'Dapat man lang inisip nyo ang magiging consequences ng mga ginawa nyo.' Mahinahong sabi ng kanyang ama.

'Hindi ko alam sayo Kathryn. Nagkulang ba ako sa pagpapaalala? Diba hindi naman?' Kabaligtaran naman ng tono ang sa kanyang ina. 'DJ, sinira mo ang tiwalang binigay namin sayo.' At tuluyan nang nabasag ang boses ni Min.

'Mama...' Lumapit si Kathryn sa ina at hinaplos ang kamay nito. 'Mama, Papa...'

'Mahal ko ho ang anak nyo. Papanagutan ko lahat ng ginawa namin. Papakasalan ko sya. Itataguyod ko sya at ang magiging baby namin.' Matigas na sabi ni Daniel.

Ikinagulat iyon ng tatlong tao bukod sa kanya.

'Ibibigay ko po sa kanila ang epelyido ko. Hindi ko po sya sasaktan. Mamahalin ko po sila higit sa pagmamahal ko sa sarili ko. Sa kanila ko po paiikutin ang mundo ko.' Pagpapatuloy nya. 'Hayaan nyo lang po ako, Tita Min, Tito Teddy.'

'Alam mo ba ang mga sinasabi mo DJ?' Tanong sa kanya ng ina ng dalaga. 'Kasal? Ilang taon lamang kayo. Hindi pagiging isang batang ina ang pinangarap ko para sa anak ko.'

'Kaya nga ho papakasalan ko ho sya.' Mas naging matigas ang tono ng binata.

'Akala mo ba ganun lang yun kadali?' Ang ama naman ni Kathryn ang nagsalita. 'Hindi mo ba naisip na huhusgahan nila kayo? Higit sa lahat itong si Kathryn? Lalaki ka DJ. Walang nawala sayo.'

'So ano bang gusto nyong mangyari?' Medyo tumaas na ang tono ni Daniel. 'Huwag kong panagutan? Hiwalayan ko si Kath? Itatago nyo sya?'

'DJ...' Naluluhang tawag ni Kathryn sa kasintahan.

'E kung iyon ang gusto nyo e di yun ang gawin natin.'

Tila nabuhusan ng isang baldeng tubig na may yelo si Kathryn sa narinig. Kasabay naman niyon ay ang pagmulat ng kanyang mga mata. Napahawak na lamang siya sa kanyang ulo nang mahimasmasan. Sinubukan nyang bumangon mula sa pagkakahiga ngunit saka lamang nya napansing nakakulong pala sya sa bisig ni Daniel.

Ibinaling nya ang ulo sa binata at hinaplos ang buhok nito na nakatakip sa may bandang noo. Tila naramdaman naman iyon ni DJ dahil ngumiti ito kasabay ng lalong paghigpit ng pagkakayakap nito sa kanya.

'Love you Deej..' Bulong niya.

'I love you too Ba. Sagad.' Hinapit ni Daniel ang kanyang ulo palapit sa kanya at hinalikan ang noo nito.

'Sabi ko na nga ba gising ka na e.' At isiniksik ni Kathryn ang kanyang ulo sa leeg ng nobyo.

'Ayoko pa kasing bumangon. Baka pag bumangon ako, iwan mo ko.'

'Yun na nga ang gagawin ko.'

Daniel was alarmed with what he heard. Bakit sya iiwan ng nobya? Di ba kagabi lamang ay halos maubos na lahat ng 'I love you' at 'Mahal Kita' sa mundo dahil sa paulit ulit nilang pagsasabi nito sa isa't isa while they were making love?

'Anong sabi mo?'

'Bitawan mo muna ako Pottie. Gusto ko lang bumalik sa room para maligo. Paranoid ka masyado e no?'

Napahinga ng malalim si Daniel. Buti na lang.

'Akala ko naman kung ano. Pwede bang mamaya na lang Ba? Tulog muna uli tayo.' At yinakap na naman nya si Kathryn ng ubod higpit. 'O kaya naman...' At ngumiti ito ng may kasamang kapilyuhan. 'Pwede kitang samahang maligo. Ako ang kukuskos sa likod mo.' At itinaas taas nito ang kanyang mga kilay.

'Medyo gago ka ren ano?' Natatawang sabi ni Kathryn habang itinutulak si Daniel. 'Alis nga muna kasi.'

Ngunit sa bawat pagtulak nya, kapalit naman noon ang muling paghila sa kanya ni Daniel papalapit sa kanya.

'Baby naman o. Birthday ko ngayon tas tinutulak tulak mo ako? Ni good morning kiss, wala.' Pagmamaktol ni DJ.

'Good morning kiss pa hinahanap mo? Inubos mo na nga lahat kaninang madaling araw e. Pottie...' Napahawak na lamang siya sa buhok ng nobyo dahil kasalukuyan na nitong hinahalikan ang kanyang leeg.

'Nakakaadik ka talaga, Ba.' He tells her huskily as his kisses went up to her mouth.

She welcomes the gesture and kissed him willingly. However, her eyes flew wide open upon noticing that he was again, already on top of her.

'DJ...' She calls her name weakly when they broke out from the kiss. 'DJ, stop.' She says as his mouth travels down to her collarbone.

Ngunit tila walang narinig ang katipan. Patuloy pa rin ito sa ginagawa hanggang makarating ang kanyang bibig sa dibdib ng nobya.

'DJ.' Muling pagtawag ni Kathryn. 'DJ, please. Stop.' At ubod lakas na nyang itinulak si Daniel na napabalikwas mula sa pagkakaibabaw nito sa kanya.

He rolls away from her and absentmindedly stares at the ceiling.

'Sorry, Ba.' DJ tells her a little while after. 'Kasi naman e...' At napakamot na lang ito sa ulo.

'Please Babe, huwag muna uli ngayon.' Iyon lang ang huli nyang nasabi bago kumawala ang isang impit na hagulgol mula sa kanya.

Napansin ni DJ ang kumawalang tunog mula sa nobya at tiningnan ito ng mataman.

'Ba?' Pagtawag nya ngunit hindi sya tiningnan ng dalaga.

Mula sa isang impit na hagulgol, kinamaya maya pa ay nag-unahan na mula sa kanyang mga mata ang mga luha. Pinilit nyang itago iyon mula kay Daniel ngunit huli na ang lahat.

'Ba...' He reaches to her and wipes her tears with the pad of his thumb. 'Ba, nasaktan ba kita? Sorry...' At hinapit nito ang ulo ng nobya upang ilapit sa dibdib nya. 'Ba, please. Stop crying.'

'Pottie, huwag mo kong iiwan ha?' Yun ang unang katagang lumabas mula sa bibig ni Kathryn matapos muling maalala ang naging panaginip. 'Kahit anong mangyari, please? Huwag na huwag mo kong iiwan...'

'Ssshhh...' And he kisses the top of her head. 'Don't worry. Hinding hindi ko gagawin yun. Lalo pa ngayon na ibinigay mo na sa akin yan. Sobrang laki na ng obligasyon ko sayo.'

'Mahal na mahal talaga kita DJ. Sana mahal mo pa rin ako. Sana walang magbago.'

'Ako pa ba ang sasabihan mo nyan? E lahat na yata ng lenggwahe ng pagmamahal nasabi ko na sa'yo. Tapos ngayon iwi-wish mo na sana mahal din kita?' Nangingiting sabi niya. 'I mean, anong shiite yan, mehn?'

Natawa bigla si Kathryn at hinampas ang dibdib ni DJ.

'Huwag kang mag-alala, Ba. Walang magbabago. Siguro magle-level up lang yung panggigil ko sa'yo. Yun lang. Ikaw, pwede mo rin ako panggigilan anytime you want.'

'Ay, shet ka.' Natatawang sabi ni Kathryn at hinila ang kumot para takluban ang kanyang katawan bago sya tumayo mula sa kama.

'BAAA!!!' Naeeskandalong hiyaw ni Daniel nang tumambad ang kanyang kahubdan. Nagmamadali nyang dinampot ang unan na pinakamalapit sa kanya upang itakip iyon sa pagkakalaki nya.

*****

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon