CHAPTER 44: Beers, Lies and a Showbiz Blog

34.9K 375 36
                                    


*************

'I say, wait for another month.' Payo ng OB ni Kath kay Min matapos nitong isangguni ang plano nilang pagpunta sa Alaska upang doon muna mamalagi panamantala. 'As what I've said before, hindi pa ganoon kahigpit ang kapit ng baby. Baka matagtag pa sya sa biyahe.'

'Pero Doc, hirap na hirap na ang anak ko dito. Hindi na namin alam paano pa magdi-deal sa mga bashers.'

'Well, kaya nyo bang i-risk ang safety ng baby? Look Min, wala akong alam sa showbusiness. Pero I'm experienced when it comes to pregnancy. Unang una, I'm a mother. Bukod doon, I am an OB Gyne. Marami na akong na-encounter na ganitong kaso and sometimes, nalalagay talaga sa alanganin ang baby.'

Huminga ng malalim si Min. Mukhang kailangan talaga niyang sundin ang doktor.

'E kung yan po talaga ang desisyon niyo Doc. Wala naman po kaming magagawa doon. Ang sa akin lang po ay ang safety ng anak ko at ng apo ko.' Min tells Doc Reyes, resignedly.

***********

Hindi makatulog si Kathryn. Kanina pa siya papaling paling sa kanyang kama. Inabot niya ang cellphone mula sa may bedside table at tiningnan ang oras.

'10:30 na.' Bulong niya bago bumangon. 'Wala pa si DJ.'

Kath fiddles with her phone and types a message for her boyfriend.

'Babe,

Can't sleep. Asan ka na? Uwi ka na please. Hope you're safe. I love you.'

Dahan dahan syang lumabas mula sa kaniyang room at tumungo sa kusina para tingnan kung may maaari syang kainin. Parang nagutom sya bigla. Habang naghahalungkat siya sa kanilang refrigerator, narinig niyang tumunog ang kanyang cellphone na iniwan niya sa ibabaw ng kitchen counter.

'Ba,

Andito pa ako sa San Juan. Di ako makaalis e. Mamaya, sisimple ako. Love you too.'

Reply ni DJ sa kanyang message.

'Ah, ganun ba? Bilisan mo babe ha. Please huwag kang magpaumaga. Maaga pa call time mo tomorrow for ASAP. Love love love you.'

She replied back.

1 minute after.

No reply.

2 minutes.

Wala pa rin.

Lumipas ang 10, 15, 30 minutes, wala pa rin siyang natanggap na reply mula sa nobyo.

'Baka pauwi na siya.' She murmurs, scooping some ice cream.

Pero hindi pa rin siya makatiis. She grabs her phone again and decides to call DJ. Nakailang ring din bago may sumagot from the other line.

'Hello?'

'Babe? DJ?'

'O Kath!'

'Lester? San si DJ?'

'Ha? Ahh...' Lester looks awkwardly at DJ who was having the time of his life, playing Beer Pong with his friends. 'Nasa CR. Oo. Nasa CR.' He lies.

'CHUG! CHUG! CHUG!'

Dinig ni Kath ang ingay mula sa kabilang linya.

'Bakit ang ingay dyan Lester? Ano bang ginagawa nyo dyan? Paalam ni DJ video game night lang a.'

'Ahh...'

'HOY LESTER!' Sigaw ni DJ.

'DJ? Lester! Si DJ yun diba? Tawagin mo. Kakausapin ko.'

'LESTER! IBABA MO NA YAN! KJ!' Hiyaw muli ni DJ.

'Lasing ba si DJ? Lester, ibigay mo yang phone na yan kay DJ!' She screams.

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon