CHAPTER 19: Besties

44K 391 52
                                    


********************************

'Miles....' Kath calls her bestfriend weakly as she tries to smile.

'O teh. Anong meron?'

'Busy ka ba? Sabihin mo lang kung naaabala kita ha.' Malambing na sabi ni Kathryn.

'Naku, hindi no. Kakapack-up lang namin. Papatulog na ko. Annyare ba?'

'Nagi-guilty ako Miles e.'

'Bakit na naman? Tungkol sa ano na naman ba yan?' Magkasunod na tanong ni Miles.

It took Kathryn some few minutes before she was able to answer.

'Oo.'

'Ginawa nyo na naman? Nag-trust na ba sya this time?'

'Hindi.' Iling ni Kathryn kahit di sya nakikita ng kausap.

'Ay shet ka talaga teh. Plano nyo na ba talagang bigyan ng pinsan at kalaro si Lhexine?'

'Pero kasi ano naman...' Pagsisimula ng kwento ni Kathryn kay Miles.

**********

'Pare, alam mo yun diba?' Reklamo ni DJ kay Seth matapos nitong lagukin ang isang shot ng Jack Daniels. 'Lalaki ako. Babae sya. Mahal ko sya.'

'Saan ba pupunta ang usapan na ito brad?' Si Seth naman ang kumuha ng shot. 'May nangyari bang hindi mo nakukwento sa bestfriend mo?' Ngisi niya.

'Wala talaga akong pinagkukiwentuhan dahil alam kong maling ikuwento yun.'

'O e bakit mo pa ko pinapunta dito? Ilabas mo na yan bro. Baka mamaya sa iba pa lumabas yan. Mabaho yun!' Pang-aasar ng kaibigan ni DJ.

Inilapit ni DJ kay Seth ang kanyang upuan pagkaraka.

'Sayo ko lang sasabihin to ha. Pag ito kumalat, tang-ina. Ipapahunt kita sa private army ng mga Padilla.'

'Meron kayo nun?' Napalunok bigla si Seth.

'Oo no. Nakatago sila sa mga bulubundukin ng Mindanao.'

'Gago. Kahit alam kong wala kayong ganun, di ko ipagkakalat yan. May kumalat ka na bang sikreto na sinabi sa akin?'

Umiling si DJ.

'May nangyari na sa amin ni Kath.'

Napatingin si Seth kay DJ, his mouth half- opened. Hindi ito nagsasalita dahilan upang salubungin ni DJ ang tingin nito.

'Loko. Magsalita ka.' At binatukan nito si Seth.

'Imba ka brad. Padilla ka talaga.' Yun lang ang nasabi ni Seth.

'Mahal ko sya e. Birthday ko nun. Masaya kami. Nangyari na lang.'

'Hindi nyo parehong ginusto?'

Naalarma si DJ sa tanong ng kaibigan.

'Gusto namin. Gustong gusto. Kaso nung sumunod na araw, dun lang namin naisip na mali ang ginawa namin.'

'Tsk tsk tsk...' Iling ni Seth. 'Ang ganda kasi ng jowa mo, hindi kita masisi.'

'Hindi lang naman yun e. Sabi ko nga sa'yo diba? Mahal ko sya. Sobrang mahal. Mamamatay ako pag nawala sya saken.' And he runs his fingers through his hair because of frustration.

'O tapos?'

Tila nakalimutan na ng dalawa ang isang bote ng Jack Daniels sa harapan nila.

'Alam mo yung pakiramdam na pag kasama mo sya, wala kang gustong gawin kundi hawakan sya, halikan sya, yakapin sya, mahalin sya ng paulit-ulit.'

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon