CHAPTER 11: 'Pottie, Please?'

52.7K 488 11
                                    


*****

Matapos lunukin ang tila humarang na laway sa kanyang lalamunan, muli niyang ibinaling ang tingin sa kanyang nobyo. Tila hindi sya komportable sa kung ano mang sinasabi ni DJ.

'Ba, ano? Gusto mo nang sumali sa Mile High Club?' Pangungulit sa kanya ni Daniel.

'Uhm... Cguro maya na lang Pottie. Mejo masakit ulo ko e.' And she turns her head to the window. 'Tsaka I need to go to the toilet.' Dagdag nito bago ito tumayo.

'O, tamang tama.' Akmang tatayo na rin si DJ nang itulak siya muli paupo ni Kathryn.

'San ka pupunta?' Tanong niya.

'CR. Najijingle na din ako, Ba.' And he acts as if he's staggering from the pain of holding his pee.

'O cge. Mauna ka na lang.'

Agad napatingin sa kanya si DJ.

'No. You first, Ba.'

'Hindi na babe. Kaya ko pa naman. Later na lang ako after mo.' At bumalik na si Kathryn sa kanyang upuan.

'Ayaw mong sabay tayo pumunta?' DJ asks her, trying to push whatever is on his impish mind.

'No. Ampanget tingnan na I'm waiting outside while you're peeing.'

'E di sama ka saken sa loob.'

'Shiet ka talaga Deej.' Natatawang sabi ni Kathryn matapos pabirong sinampal ang isang pisngi ni DJ. 'Wait. Sabi ko na nga.. DJ!' At sa wakas, naalala na niya kung bakit pamilyar sa kanya ang Mile High Club.

Narinig na niya yun sa isang sexy comedy film na pinanood nila ni DJ noon. Hindi niya maintindihan sa sarili pero parang nabadtrip sya sa pantitrip sa kanya ng kasintahan.

'Ba!' Tawag sa kanya ni DJ habang hinihimas ang kanyang pisngi. 'Mile High Club nga e. Ayaw mo ba?'

'Bwisit ka DJ. Bastos.' At muli itong tumingin na lang sa bintana.

The whole duration of the flight from Paris to Hong Kong, hindi na muling kinausap ni Kathryn si DJ. Hindi niya talaga nagustuhan ang Mile High joke ni Daniel.

Halos 10 hours na magkatabi sila pero di sila magkausap. Parang tinotorture si DJ.

'Ba... Talk to me naman o.' Pagsusuyo ni DJ sa kanya habang sinusundan si Kathryn na papunta sa isang secluded part ng airport para hintayin ang flight nila pabalik ng Pilipinas. 'Ba please...' And he grabs at her arm.

'Daniel pwede ba?' She says, taking her arm away from his grip.

Parang binigwasan ang dibdib ni DJ sa narinig. Dalawang taon na rin ang nakalipas mula nung huli syang tawagin ni Kathryn sa kanyang buong pangalan.

What happened with DJ?

With Deej?

With Pottie?

Pot-Pot?

Babe?

Baby?

'Ba, sana sinampal mo na lang ako.' Malungkot na sabi niya habang papaupo sa tabihan ng girlfriend.

Umiwas ng tingin si Kathryn at pinaghalukipkip ang mga braso sa ibabaw ng dibdib.

'Layo.' She hisses at him.

'Ba, naman e.' Hindi nakinig si Daniel at ipinilit na isiksik ang sarili sa tabi ng dalaga.

'Lumayo ka sabi e.' She repeats, still not looking at him.

'Please nam---'

'Stay. Away. From. Me.' She finally looks at him, however, deadly.

DJ concedes and slides away from her, crossing his legs after. He pulls his hoodie above his head and sighs.

'Ba.....' Hindi na talaga matiis ni Daniel ang kasintahan. 'Ba, please. Mag-usap naman tayo o.' At muli syang lumapit sa tabi ni Kathryn. 'Sabihin mo naman saken kung bakit ka nagalit. Babe, sige na...'

Finally, she turns her lovely head to him.

'E kasi naman..' Pagsisimula ni Kathryn. 'Huwag ka na kasi mag-joke ng mga ganung bagay.'

Kumunot ang noo ni DJ.

'Mga ba--- Yung Mile High Club ba, Baby?!'

Tumango si Kathryn.

'Hindi joke yun. Seryoso ak--- Aray!'

Bago pa man sya natapos sa sasabihin ay nasuntok agad sya ng girlfriend sa dibdib.

'DJ naman e. Please? Promise mo saken na kapag dumating na tayo sa Philippines, kakalimutan na natin yung nangyari.'

Kumunot na naman ang noo ni Daniel.

'Alin?! Yung bakasyon natin? Kakalimutan ko?! Ba, masyadong memorable yun para makalimutan!'

'Hindi yung bakasyon...' Tila nagsimula nang mamula ang mga pisngi ng dalaga. 'Yung ano...' At isiniksik nya ang kanyang mukha sa leeg ni DJ para maitago ang hiya.

'Aling ano?' Nagmamaang-maangang tanong ni Daniel kahit alam naman nya ang ibig sabihin ng kasintahan.

'Naman, Pottie e.'

'Seryoso Ba. I haven't got a clue what you're talking about. English yun para maintindihan mo. Haha!'

It was obvious that he was trying to make the conversation less awkward.

'Baby, please? Seryosohin mo naman ako o.' Pagmamakaawang sabi ni Kathryn.

'Kelan ba naman kita hindi sineryoso Ba? Mula simula pa lang, seryoso na ko sa'yo. Gusto na nga kitang pakasalan diba? Tapos nagpaplano na tayo ng bahay natin. Ngayon sabihin mong hindi kita sineseryoso.' Pabulong niyang sabi kay Kathryn. Natatakot kasi siyang may makarinig dahil napakaraming tao ang dumadaan sa kanilang harapan at likuran.

'Hindi naman yun Pottie e.' She looks up to him and pouts. 'Pwede bang pagdating natin sa Manila, wag na muna uli nating gawin yung ano?' At muli na naman nyang isiniksik ang mukha sa leeg ni Daniel.

'Ahhh...' Sabi ni DJ na tila naliwanagan. 'Hirap magpromise nung ganung bagay, Ba.' Buntong hininga nya.

'Pottie naman e. Pero alam ko namang di ka makakaporma kasi bantay sarado na naman ako kay Mama. Haha.' And she fakes a laugh. Alam kasi nya sa sarili nyang mahirap talagang ipangako ang ganung bagay.

'Ano? Basta gusto maraming paraan. Tsaka andami nating solo moments kay Gino. Halimbawa, pag susunduin kita sa school. Pwede tayong sumegw--- ARAY BA!' Atungal nya matapos kurutin ng girlfriend sa tagiliran.

'DJ...' She looks up at him again and did that puppy eye stare. The one which Daniel can't refuse.

'Yan na naman yang paawa effect mo e. Wala na yang epekto saken babe. Sorry.'

'Bahala ka.' She says in a sing-sung voice. 'Iiwanan kita. I'm going to break up with you. Dahil dun, di na kita mapapakasalan. At dahil din dun, di mo na uli ako matitikman.' Pagbibiro nya.

'Ikaw, dakilang joker ka na rin e noh?' Panggugulo ni DJ sa buhok ni Kathryn. 'Pero seryoso talaga Ba. Hindi ko talaga kayang i-promise na makakapagpigil ako.'

Ramdam ni Kathryn ang hesitancy sa boses na katipan. Kahit naman sya, sa sarili nya, aaminin nyang may mga times na talagang nanggigigil din sya sa kgwapuhan ng boyfriend e. Lalo pa't alam na alam na nito ang kahinaan niya.

'Pero sana, wag muna agad agad.' Huling request ni Kathryn bago nila marinig ang announcement ng kanilang flight pabalik ng Pilipinas.

*****

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Where stories live. Discover now