Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)

spinner.gif

*****

'Epokrito naman ho akong tao kung sasabihin kong hindi namin pinagsisisihan ang ginawa namin.' Sambit ni Daniel ng walang pag-aalinlangan. 'Mahal ko ho si Kathryn. Sa simula pa lang, sinasabi ko na 'yan. Bukod sa nanay ko at mga kapatid ko, s'ya ho ang kauna-unahang babaeng talagang minahal, minamahal at pinapahalagahan ko ng buong buhay ko.'

 

Tila may namumuo ng mga luha sa gilid ng kanyang mga mata kaya pasimple n'ya itong pinahid. Nangako s'yang hindi siya iiyak.

 

Ngunit kapag ang babaeng pinakamamahal na niya ang pinag-uusapan at hinuhusgahan ng maraming tao dahil sa isang pangyayaring hindi nila naiwasan, hindi n'ya rin mapigil ang sarili na bumigay sa emosyon.

 

'DJ...' Tinawag ni Tito Boy ang kanyang atensyon upang muling magtanong.

 

Lumingon siya. Mamasa masa pa rin ang mga gilid ng mga mata.

 

'Ano ng plano n'yo? Napag-usapan nyo na na ba ni Kathryn ang sunod na gagawin? 'Yung parents nyo, especially hers, anong naging reaksyon nila? How did they take it?' Tanong ng TV host na may bahid ng pag-aalala sa tono ng kanyang boses.

 

'Alam n'yo ho kasi, Tito Boy...' Pagpapatuloy ni Daniel...

******

 

Paano Kaya, Kung...

By Nishiyan

2013

 

***Author's Disclaimer***

 

One hell of a crackfic coming up...

Ilang araw na rin akong binabagabag ng plot na ito at parang sasabog na ang utak ko kung hindi ko pa isusulat.

THE PLOT FOR THIS STORY IS PURELY FICTIONAL.

Huwag n'yong sabihing hindi ko kayo binigyan ng warning.

Charaught!

Comments & Reviews (12)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended