CHAPTER 21: Na-Kathryn Bernardo (Part 1)

47K 411 19
                                    


*********************

'Ay Katreng, ang usapan natin ha?' Sabi ni DJ sa kasintahan bago ito bumaba sa kotse.

'Alin dun?' Nakangiting tanong ng dalaga.

Napakaraming rules and regulations ang isinet ni DJ na kailangan niyang sundin para lang payagan siya nitong manood ng concert ng 1D.

'Kailangan pa bang alamin kung alin dun? Lahat. Wag mo kalimutan.'

'Ang sungit mo. Yung totoo, meron ka ngayon, babe?' Nang-aasar na banat niya. 'Daig mo pa si Mama. Eto namang si Mama, nakakainis, papayagan lang niya ko kung papayag ka. Nag-kunchaba kayo no? Anong isinuhol mo sa kanya?'

'Masyado kang madaldal. Hindi kita palabasin dyan e.' Banta ni DJ.

'Ay, eto. Tatahimik na. Baba na ko babe. Bye.'

Akmang bubuksan na ni Kathryn ang pinto nang pigilan uli sya ng katipan.

'Wop!'

'Bakit na naman?'

'Kiss ko?'

'Sus.'

Kathryn leans forward, giving DJ's lips a little peck but the latter held her head and kisses her deeper.

'Ang sarap talaga!' Ngiting tagumpay ni DJ once he releases her.

'Loko.' She taps his shoulder lightly and holds on the door handle.

'Wop!' Pigil na naman ni DJ.

'Ano na naman yun?'

'Andito na ko sa parking mga bandang 11:30 ha. Tapos o hindi tapos yung concert, iuuwi na kita. Ok?'

'Napakamanong mo.'

'Anong sagot Kathryn?'

'Opo Sir.'

'Ok. Pwede na. Dikit lang kina Miles at Julia ha, babe? Wag didikit sa iba.' Huling paalala niya matapos bumaba sa kotse niya si Kathryn.

Agad nitong pinuntahan sina Miles at Julia na parehong naghihintay sa labas ng sasakyan ng huli.

'Ang tagal bumaba ng sasakyan. Ano ano na namang pagbabawal ang pinapaalala sayo ng mokong mong boyfriend?' Sabi ni Julia matapos iangkla ang kanyang braso kay Kathryn.

'Unang una, ang huwag kong hayaan ang aking mga BFF's na tawagin siyang mokong.' Pagjo-joke niya.

'Nahawa na talaga tong si Kath sa boyfriend nya no teh? Waley humirit.' Sabi ni Miles kay Julia.

'Ang corny nga po.' Natatawang tugon ni Julia.

'Na-miss ko kayo...' At inakap ni Kathryn ang dalawang kaibigan papalapit sa kanya.

'Sus! Parang kaninang tanghali lamang, magkaka-conference call tayo.'

'Ang mushy mo teh!'

'Pero I'm going to see Harry na today. Excited ako. Makikita ko na kung magkamukha talaga sila ng babe ko!'

'Ang yabang ng isang 'to.' Reklamo ni Miles. 'Sige. Ikaw na ang may gwapong jowa. Tara na nga Ate Julia.' At hinila ni Miles si Julia palayo kay Kath.

'Nakakainis kayo.' Maktol ni Kath habang nakasunod sa dalawa.

******************************

Kinakabahang binuksan ni Kathryn ang pintuan ng kotse ni DJ. 11:30 ang promise niya pero lagpas 12:00 siya pumunta sa parking lot kung saan siya hinihintay ng boyfriend. 11:00 pa lamang kasi, tapos na ang concert. Naaya pa siya nina Julia at Miles na mag-late dinner muna kaya sumama siya. Hindi naman niya akalaing magtatagal sila.

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon