CHAPTER 24: It's Now Starting To Make Sense

45.2K 423 36
                                    


*******************

Nakita ni Min lahat ng pangyayari. Kung paano itinulak ni Kathryn si DJ at ang reklamo nitong mabaho ang kasintahan. At hindi iyon yung unang beses na nakita niyang ganun ang anak.

May mga instances na rin kasi na ang mga amoy na dating hindi kayang tiisin ni Kathryn sa kanyang ilong ay biglang hinahanap na niya.

***FLASHBACK***

'Hhhmmmm! Ang bango naman nun!'

Giliw na giliw ang pagkain ng kanilang kasambahay at ng driver ni Kath na si Mang Mar nang pumasok ang dalaga sa kusina.

'Ay Kath, ineng kain ka o. Gusto mo?' Alok ng kanilang may edad na tagaluto.

'Mukhang masarap nga po e. Andun pa lang ako sa salas pero naaamoy ko na. Pwede po pahingi?' At lumapit siya sa mesa habang ikinukuha siya ni Mang Mar ng plato at kubyertos.

Ipinaglagay siya ng kasambahay ng kanin at inialok dito ang isang bowl.

'Eto yata yung naaamoy mo Kath.' Sabi nito habang ipinapakita ang laman ng bowl.

'Bagoong to diba, Manang?'

'Bagoong Balayan yan! Mas matapang ang amoy kaysa sa ordinaryong bagoong.' Tawa ni Mang Mar bago sumubo. 'Masarap pag sasawsawan mo ng nilagang talong.'

'Ay wow!' Halos napapalakpak si Kath dahil parang kanina pa siya sarap na sarap sa naaamoy.

Kumuha siya ng kutsara at sinandok ito saka diretsong isinubo. Napanganga na lang ang dalawang matanda.

'Bakit po?' Nagtatakang tanong ni Kath.

'Hindi ka ba naalatan, iha?'

'Hindi naman po. Ang sarap nga e.' At sumandok muli siya para isabaw sa kanyang kanin. 'Ay, ang bango bango talaga!'

Sarap na sarap na sa pagkain si Kath nang pumasok ang kanyang ina.

'Mang Mar, nakita nyo ho si... O andyan ka pala Kath! Kanina pa kitang hinahanap. Si DJ ang kulit kulit. Di mo daw sinasagot yung mga text at tawag niya.' At nakita niya ang kinakain ng anak. 'Kumakain ka ng bagoong?'

'Ang bango kasi ng amoy Ma e. Tsaka ang sarap.'

'E ayaw na ayaw mo ng amoy niyan dati diba? Nasusuka ka pa nga pag nakikita mong inuulam ko yang ganyan e.'

'Ewan ko Ma. Ang sarap ng pagkaluto ni Manang ngayon e. Kain ka o.'

***END OF FLASHBACK***

Pilit niyang isinantabi ang pangyayari at inisip na marahil nga ay masarap lang ang pagkakaluto ng kanilang kasambahay sa bagoong nung mga oras na iyon. Ngunit nang masaksihan niya ang ginawa ng anak sa nobyo nito ay tila nabagabag na naman ang kanyang isip.

'DJ.' Tawag nito sa binata na kasalukuyan ay nakikipaglaro kina Dash at Cola.

'Ano po yun Mama Min?' Tanong niya.

'May kailangan ba kayong sabihin sa akin ni Kath?'

Kumunot ang noo ni DJ bago umiling.

'Wala naman po.'

'DJ, ayoko ng nagsisinungaling.'

'Wala nga po, Ma.' At tumayo si DJ mula sa pagkakayuko. Nilapitan niya ang ina ng nobya saka inakbayan. 'Hindi naman ako mabaho diba, Mama Min?' Paglalambing nito. 'Si Kath kasi, sabi mabaho daw ako. Naligo naman ako. Yung same cologne pa rin naman gamit ko.' Sumbong niya. 'Meron si Kath ngayon, diba Ma?'

'Sana nga.' Bulong ni Min sa sarili.

'Babe!' Pagtawag ni Kathryn kay DJ mula sa kalaghatian ng kanilang stairs. 'Palit ka t-shirt.' At ibinato nito ang kamisetang hawak hawak.

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon