CHAPTER 39: Out In The Open (Part 2)

43.1K 425 36
                                    


**************

'Ba, dito ka na lang sa loob ng kotse ha?' Bilin ni DJ matapos patayin ang makina ng kanyang sasakyan. 'Saglit lang 'to. Bibili lang ako ng vitamins mo.'

'Sama na lang ako babe.'

'Pero kasi.' Pag-aalinlangan ni Daniel matapos tanawin ang medyo makapal na tao sa loob ng Mercury Drug na nadaanan nila.

'Ayokong maiwan dito, DJ.' Kath insists, clutching on DJ's arm.

'Are you sure?'

Kath nods and smiles.

Wala ng ibang nagawa si DJ at bumaba na sya mula sa Explorer nya. Umikot sya sa bandang harapan at pinagbuksan ng pinto ang kasintahan.

'Thank you babe.' Kath smiles as DJ assista her down the car.

'Tungo lang babe ha.' Tinanggal nya muna ang suot na snapback at isinuot iyon kay Kathryn. Naka-aviators naman sya at pwede na yun sa kanya.

Granted, makikilala pa rin sila pero siguro naman, kung ipaparamdam nila sa mga tao na ayaw nilang makipag-picturean or anything, hindi naman sila guguluhin. Magkahawak kamay silang pumasok sa drugstore.

'Good afternoon, Sir! Ma'am!' Magiliw na bati ng guard na nasa entrance.

'Sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo yun diba?' Chismis ng takatak boy na umaamot ng lamig ng aircon.

'Sila ba yun?' The guard craned his neck and tried to take a good look. 'Chang-inang, ang tangkad pala nung batang yun.'

Nakatungo pa rin ang magkasintahan nang dumating sila sa counter. Ini-slide ni DJ ang prescription na dala dala at kinuha naman ito ng Pharmacist. Nagulat na lamang ito ng makita kung sino ang nasa harapan niya. Maging ang mga katabi nina DJ at Kath na nakapila sa ibang counter ay nagulat din.

'Sir, tig-iilang pieces po nito?'

Bumulong muna si DJ kay Kath bago muling bumaling sa nagtanong.

'Tig 2 boxes muna Ate.' Ngumiti ng kaunti si DJ at halatang kinilig ang kausap.

Maya maya pa ay nakakarinig na sila ng mga shutter sounds ng camera phones. Halatang kinukuhanan sila ng litrato.

'DJ! Kathryn!' Tawag ng ilan sa kanila.

Lumilingon naman sila at ngumingiti. Ngunit hindi talaga sila nagpapaunlak ng photo op kahit kanino. Papalabas na sana sila nang biglang maramdaman ni DJ na may humihila sa kamiseta nya. Tiningnan nya kung sino ito at nakita nya ang isang batang lalaki na siguro ay nasa tatlong taon.

'Akin. Chee-chayy.' Ngiti ng bata.

'Naku!' Narinig nina Kathryn at DJ ang isang boses na papalapit sa kanila. 'Pasensya na po. Paborito nya po kasi yung Got to Believe dati. Halika na. Hinahanap na tayo ng mommy mo.'

'De! Akin. Chee-chayy. Smayl.'

Natuwa si DJ sa kabibuhan ng bata kaya binuhat nya ito.

'Gusto nya yata ng picture,ate. Game na.' Inakbayan ni DJ si Kathryn habang buhat buhat naman sa isang braso ang bata.

Nagkumahog sa pagkuha ng cellphone niya ang naka-unipormeng tagapag-alaga ng bata.

CLICK!

Ibababa na sana ni DJ ang bata ngunit tila gusto naman magpabuhat nito kay Kathryn.

'Naku, di ka pwede buhatin ni Ate Kath.' Sabi ni DJ. 'Kiss ka na lang niya.'

Ngumiti si Kathryn at hinalikan ang pisngi ng bata.

'Ang bango babe. Amoy baby.' Bulong ni Kathryn kay DJ matapos kuhanin ng yaya ang kanyang alaga.

'Bye! Ingat!' Huling sabi ng bata kina Kath at DJ habang papalabas na sila.

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon