CHAPTER 62: A Slur of Social Media Interactions

33.7K 533 84
                                    


**************

'Ma!' Nakatawang sagot ni DJ sa nag-ring na cellphone.

Nasa loob na ng room si Kathryn at kasalukuyang natutulog. Nasa nursery pa naman si Baby Danilo at kinabukasan pa daw pwedeng itabi ni Kath sa pagtulog. Lumabas din sandali ang kanilang Mama Min at ang Aunt at Uncle ni Kath para tingnan ang kanilang panganay.

'Nakita ko ang post mo sa IG Danilo! Aba! Ang tangos ng ilong! Parang ikaw nung ipinanganak ko!'

'Aba Ma!' He shrugged his shoulder na parang nagyayabang. 'Kanino pa ba magmamana ng kapogian? Syempre sa Tatay.'

'Yabang neto. Yung pisngi, Kath na Kath e.'

'Tsaka mata Ma. Parehas sila. Yung malaki na parang butones na kulay itim. Ang cute. Ay wait lang Ma. May call waiting lang. Tawag ka uli mamaya.' At tinapos na ni DJ ang tawag ng ina para sagutin ang isa pa. 'Pa! Tatay na talaga ako!' Tila hindi na naalis sa kanyang labi ang bungisngis.

'Congratulations anak. Nakita nga namin dito yung post mo. Ang gwapo ni Baby Danilo a. Iuwi niyo na ni Kathryn dito para dito na maalagaan. Sabik na sabik na sila dito. Si Ate Wanna mo, kulang na lang pumunta dyan.'

'Haha! Ate talaga.' Nilingon ni DJ si Kathryn and he saw her stirring. Napalapit naman agad siya sa asawa at pinagmasdan ito.

'Kamusta si Kath?'

'Ok naman po Papa. Eto, tulog. Napagod yata kakaire.'

'Sino bang hindi mapapagod? Aba ang bigat e! Tapos ang haba pa!'

'Ganun talaga Pa! Kung ano yung pumasok, ganun din ang lalabas.' At napahagikhik siya sa sariling biro.

'Gago ka talagang bata ka.' Tumatawa rin si Rommel. 'Wag masyadong pahirapan si Kath ha? Kapapanganak pa lamang nyan.'

'Napag-usapan naman na namin yan Pa. Tsaka sabi ng OB nya, 4-6 weeks pa daw tapos pwede na.'

'Ano bang pinagsasasabi mo dyan?' Nakakunot ang noong tanong ni Rommel. 'Loko ka, yun na naman agad iniisip mo!'

'Diba sabi mo Pa, wag masyado pagurin?' He smiled when he saw Kath opened her eyes.

'Yung tungkol sa pag-aalaga ng baby nyo yun!' Kung kaya lamang mabatukan ni Rommel ang anak, kanina pa nya nagawa.

'Ah, yun ba!' Umupo siya sa tabi ni Kath at hinawakan ang kamay nito. Hinalikan niya ito pagkatapos. 'Kala ko kasi.. Pa, wait lang po a. Gising na po kasi si Kath.'

'Gising na ba? Baka pwedeng pakausap? Nangungulit dito si Roanna.'

Iniabot ni DJ kay Kath ang kanyang cellphone and then mouthed: 'Si Papa.'

'Papa Rommel.' Namamalat pa ang boses ni Kathryn.

'O Kath, anak, kamusta? May masakit pa ba sa'yo? Teka...'

'Bebegirl!'

'Ate Roanna?' Halata pa rin sa boses nitong pagod na pagod ito.

'Kamusta na? Ang gwapo ng baby nyo ni DJ. Grabe. Wala akong masabi.'

'Hindi ko pa nga siya masyado natitigan ate e.' Ngumiti si Kathryn. 'Pero yung ilong diba, DJ na DJ?'

'Oo nga e. Sabihin mo kay DJ wag nyo na muna sundan ha? I-enjoy nyo muna na baby-hin sya.'

'Haha! Ayoko na nga muna ate e. Ang hirap pala manganak. Grabe. Gusto ko na nga lang magpaCS.'

'Naku, wag. Sayang ang abs kung may tahi!' Tawa ni Roanna.

'Hahaha! Ate talaga o.'

'Sige na bebegirl, i-kiss mo ko kay Baby pag nasa'yo na ha. Palakas ka. Kakailanganin mo yan. Dalawang makukulit na ang aalagaan mo.'

Humalakhak na naman si Kath. Nangunot ang noo ni DJ kaya hinablot niya mula sa asawa ang cellphone.

'Hoy Hobbit. Ano na namang sinasabi mo sa asawa ko ha? Pag nag-away kami nito, titirisin kita.'

'Wala akong sinasabi no! Sabi ko lang wag agad sundan si Danilo. Baka mamaya araw-arawin mo si Kath, mahirap na. Pinayo ko lang naman na pwede naman siyang tumanggi kung ayaw nya.'

'Naku! Pag araw araw akong tinanggihan nito, aawayin kita Ate. BI ka.' At lumingon siya kay Kath. 'Ba, wag kang maniniwala kay Ate ha? Basta go lang tayo ng go! Tsaka diba sabi mo dun sa TVC mo, push lang.'

Iiling iling habang tumatawa si Kath dahil sa sinasabi ng asawa.

'Masyadong mahilig.' Roanna said in sing-sung voice. 'Maawa ka kay Kath! Babalik pa yan sa pag-aartista!'

'Ibalik mo na nga kay Papa yang telepono Ate. Please lang...'

'Pikon ever.' Roanna murmured as she handed the phone to her father.

************

*Picture of Baby Danilo sleeping inside the nursery*

@carlaford1121 Picture sent by my son. Sobrang pogi ng apo ko talaga. Sabog na sabog ang genes ng Ford at Bernardo. Welcome to the family Baby Juan Danilo Bernardo-Ford. See you soon! 😘

*Congrats po Tita Karla!

*Ang pogi! Kamukha ni @agentyellow!

*Sobrang gandang lahi.

*Artista na yan!

*The Next Teen King.

*Congrats @agentyellow @bernardokath for this little angel. Hope you'll just continue loving each other. Whatever struggle you face in your marriage, keep holding on to each other and I'm sure you'll get over it. @carlaford1121 @bernardomin you've raised these kids so well. Thank you for guiding them both and leading them to the right path.

**************

*Picture of a yawning Baby Danilo inside the nursery*

@bernardomin Lhexine's new playmate. Our new little angel- Baby Juan Danilo Bernardo-Ford #ProudLola

*Wow! He has his mother's eyes.

*Ang gwapo talaga. Mukhang foreigner.

*Ang tangos ng iloooongggg.

*So gwapo naman ng baby nina @agentyellow and @bernardokath

*Congratulations po Tita Min. Ang cute cute po ni Baby Danilo.

*'The one thing about being a parent is the ability to be selfless. To give up the things you want and need for the benefit of someone else.' And @agentyellow and @bernardokath showed that. In a world where celebrities are always being scrutinized like that of specimens under the microscope, it was really courageous for them to uphold their decisions firmly and adhere to what is right. Thank you DJ and Kath for sharing this little angel to us. Please keep in mind that we love you so much as your fans. We'll forever support you.

*************

Kath sat on her wheelchair as DJ stood behind her. She was smiling with glee as she pressed her face closer to the glass that was between her and her baby.

'Baby.' She cooed as she saw Baby Danilo opened his little eyes. 'J, ang gwapo gwapo.' She looked up at him and said.

'Don't worry, yung next natin, magandang maganda na.' He bent down and hugged her from the back as they both watched how their little angel started to cry.

'Umiiyak.' Kath murmured. 'Babe, umiiyak sya.'

Lumapit ang isang nurse sa basin ni Baby JD upang patahanin ito.

********

***AUTHOR'S NOTE***

Sabaw ba? Hahahaha!

Eto, pinapatagal na nga e. Hihi...

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon